DEBATE SA RH BILL
ni Gregorio V. Bituin Jr.
8 pantig bawat taludtod

(Hinggil sa debate sa ABS-CBN noong May 8,
at sa GMA 7 sa May 22, 2011)

ang hangarin ng babae
ay magpasya sa sarili
makinig kayong mabuti
sa adhika nila’t sabi

mga paring walang matris
bakit ninyo natitiis
ang babae’y iniinis
kayo din ba’y nagbubuntis

pakinggan ninyo ang sigaw
baka puso nyo’y matunaw
labing-isang nanay na raw
ang namatay bawat araw

dahil po sa kumplikasyon
ng pagbubuntis na iyon
RH Bill ipasa ngayon
baka ito’y makatulong

kalagayan ng babae
dadaanin sa debate
baka sakaling bumuti
ang lagay ng mga pobre?

“magparami kayo, bayan”
yaong turo ng simbahan
versus sa kababaihang
pagpapasya sa katawan

di ba kayo naaawa
labing-isang buhay nga
bawat araw ang nawala
di kayo mapagkalinga!

relihiyong mapang-api
ay dapat nang isantabi
aanhin pa ang debate
kung patay na ang babae

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading