File photo source: emilyap.wordpress.com

14 pantig bawat taludtod
Ni Greg Bituin
matangapoy.blogspot.com

Palayain lahat ng bilanggong pulitikal
Na lumaban sa bulok na sistemang garapal
At sa hawla ng dusa’y tinuring na pusakal
Palayain lahat ng aktibistang sinakmal
Ng mga buwaya at bwitre sa goyernong brutal
Palayain silang may puso’t adhikaing banal

Pagkat dahil sa pulitikang paniniwala
Na lakas paggawa’y dapat bayaran ng tama
Na mababago pa ang buhay ng maralita
Sila’y hinuli’t piniit sa hawla ng luha
Bantay sarado sila upang ‘di makawala
Sa isang dipang langit piitang isinumpa

Kanila nang inalay ang pawis nila’t dugo
Upang ang masa sa kahirapan ay mahango
Upang sa sistemang bulok masa’y makalayo
Upang bagong lipunan ay kanilang mabuo
Ngunit nang dahil sa prinsipyo’y ibinilanggo
Ng mga namumunong balimbing at hunyango

Bilanggong pulitikal para sa pagbabago
Aming panawagang sila’y palayain ninyo
‘di na dapat mapiit ang kanilang prinsipyo
‘di dapat mapiit ang puso nila’t talino
Kailangan pa sila ng masa’t bayang ito
At sa hawla ng dusa’y palayaing totoo.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading