Source: http://www.dzmm.com.ph, Posted: 3:02 PM  03/29/2011

Sally Ordinario Villanueva
Ramon Credo
Elizabeth Batain

 

 

 

(Update 2) Sinimulan na kaninang alas 6:00 ng gabi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang prayer vigil para sa tatlong Pinoy na nakatakdang bitayin sa China bukas matapos mahatulan dahil sa kasong drug trafficking.

Pinangunahan nina CBCP Episcopal Commission for the Pastoral Care for Migrants Executive Secretary Fr. Edwin Coros at Fr. Artemio Fabros, director ng Manila Archdiocese Migrants Ministry sa Nuestra Señora de Guia Parish Shrine sa Ermita ang vigil sa pamamagitan ng misa at susundan ng magdamag na pagdarasal hanggang alas 8:00 ng umaga bukas.

Sa isang chapel sa Batasan Complex sa Quezon City na malapit lang sa bahay ng mga Ordinario, nagtipon-tipon na rin ang mga kamag-anak nito at ilang miyembro ng cause-oriented groups para magdasal.

Umaasa ang pamilya Ordinario na magkakaroon ng himala at makakaligtas sa bitay ang kanilang kapamilya.

Sa bahay ni Ramon Credo sa Dasmariñas, Cavite, may prayer vigil din ang mga kamag-anak nito na tatagal hanggang sa oras ng pagbitay sa mga biktima.

Habang sa Panapaan sa Bacoor, Cavite sa tirahan ng dating misis ni Credo, mayroon ding prayer vigil.

Ang mga Pinoy na sina Sally Ordinario-Villanueva at Ramon Credo ay bibitayin sa pamamagitan ng lethal injection sa Xiamen habang si Elizabeth Batain ay sa Shenzhen sa parehong paraan. Reports from Noel Alamar, Radyo Patrol 38; Dexter Ganibe, Radyo Patrol; and Johnson Manabat, Radyo Patrol

One response to “Prayer vigil para sa 3 Pinoy na bibitayin sa China, sinimulan na ng CBCP at ilang cause-oriented groups”

  1. […] Prayer vigil para sa 3 Pinoy na bibitayin sa China, sinimulan na ng CBCP at ilang cause-oriented gro… (hronlineph.wordpress.com) […]

    Like

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading