
Isa ito sa mensahe ni Teachers’ Dignity Coalition (TDC) National Chairperson Benjo Basas sa pagsisimula ngayon ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month na hanggang sa October 5, ang opisyal na araw ng pagdiriwang naman ng World Teachers’ Day. Ayon kay Basas ay nakikiisa ang TDC sa Departmemt of Education (DepEd) at sa buong gobyerno sa isinasagawang pagdiriwang na ito. Subalit ayon pa rin sa kanya, mas mainam umanong tanda ng pagpupugay at pagkilala sa kadakilaan ng mga guro ang mabuting pagtrato, pangangalaga, pagrespeto sa mga karapatan at pagtitiyak sa kapakanan ng mga guro araw-araw, hindi lamang tuwing may pagdiriwang. Binanggit ni Basas ang napakababang pasahod sa mga guro sa Pilipinas na isa umano sa mga patunay na kulang sa pagpapahalaga ang estado sa mga guro.
Si Basas at iba pang national at regional leaders ng TDC ay nasa Candon City ngayon upang makilahok sa kick-off ng National Teachers’ Month celebration sa pangunguna ng DepEd. #
Reference:
BENJO G. BASAS, National Chairperson, 09273356375
https://www.facebook.com/share/v/DJwYd5m85dtfBSEr/?mibextid=qi2Omg
STATEMENT
September 5, 2024




![[People] No more safe spaces for journalists in Gaza | by Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/unnamed.jpg?w=800)
![[Statement] TDC Statement on the bill to repeal CPD LAW](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/tdc-on-cpd-law.png?w=1024)
![[From the web] CONSUMER SAFETY ALERT: Food-Like Plastic Toys May Pose Serious Health Risks to Children | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/2.png?w=1024)
![[From the web] EcoWaste Coalition Calls for Stronger Measures to Stop Lead Paint Imports](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/laboratory-tests-confirm-the-presence-of-lead-a-toxic-chemical-banned-in-paints-and-similar-surface-coatings-at-levels-exceeding-the-legal-limit-of-90-ppm.jpg?w=1024)
Leave a comment