Ika 24 na Taong Anibalersaryo ng Araw ng Mangingisda

-𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐈𝐒𝐃𝐀𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆𝐈𝐒𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐈𝐊𝐀 24 𝐍𝐀 𝐓𝐀𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐈𝐁𝐄𝐑𝐒𝐀𝐑𝐘𝐎 𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆𝐈𝐒𝐃𝐀 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐘𝐎 31-

Pinakamahirap na sektor sa lipunan ang mga mangingisda, at nasa estado ng ganap na pagkasira (over fishing) ang ating pangisdaan. Ito ang kondisyon ngayong ika-24 na anibersaryo ng Proclamation 261, s.2000, na nagdeklara ng Mayo 31 bilang “𝙉𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉𝘼𝙇 𝙁𝙄𝙎𝙃𝙀𝙍𝙁𝙊𝙇𝙆𝙎 𝘿𝘼𝙔” sa Pilipinas, at nag-atas sa mga ahensya sa pangisdaan na magdaos ng taunang mga aktibidad upang gunitain ang araw na ito.

Sa ating maliliit na mangingisda pangunahing nakapatungkol ang proklamasyon― ang pagkikila sa ating mahalagang papel at partisipasyon sa pagpapaunlad ng pangisdaan. Ngunit kabaliktaran ang resulta. Habang ang Mayo 31 ay pamamahayag ng pamahalaan sa “pag-unlad” ng pangisdaan, naghihinagpis naman ang mga mangingisda dahil sa matinding gutom at kahirapan.

Dalawampu’t anim na taon na ang RA-8550 na isinilang nuong 1998 at inamyendahan ng RA-10654 na nuong 2015. Nangako ito ng suporta, seguridad at tulong sa pagunlad ng mga mangingisda at rehabilitasyon ng nasisirang pangisdaan subalit, ito ang patuloy na nagaganap sa ating pangisdaan:

1.𝙈𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖𝙣𝙖𝙥 𝙥𝙖 𝙧𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙡𝙡𝙚𝙜𝙖𝙡, 𝙪𝙣𝙧𝙚𝙥𝙤𝙧𝙩𝙚𝙙, 𝙪𝙣𝙧𝙚𝙜𝙪𝙡𝙖𝙩𝙚𝙙 𝙛𝙞𝙨𝙝𝙞𝙣𝙜 (𝙄𝙐𝙐𝙁) 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙢𝙪𝙣𝙞𝙨𝙞𝙥𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙞𝙨𝙙𝙖𝙖𝙣.
2.𝙈𝙖𝙡𝙖𝙬𝙖𝙠𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙡𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙢𝙞𝙩 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙢𝙪𝙣𝙞𝙨𝙞𝙥𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙞𝙨𝙙𝙖𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙜𝙖𝙮𝙖 𝙣𝙜 𝙧𝙚𝙘𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙥𝙧𝙤𝙟𝙚𝙘𝙩𝙨 𝙨𝙖 𝙈𝙖𝙣𝙞𝙡𝙖 𝘽𝙖𝙮, 𝙨𝙖 𝘾𝙚𝙗𝙪 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙧𝙖𝙢𝙞 𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙣𝙨𝙖.
3.𝙈𝙖𝙡𝙖𝙬𝙖𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙚𝙖𝙗𝙚𝙙 𝙖𝙩 𝙘𝙤𝙖𝙨𝙩𝙖𝙡 𝙦𝙪𝙖𝙧𝙧𝙮𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙜𝙞𝙣𝙖𝙜𝙖𝙢𝙞𝙩 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙢𝙗𝙖𝙠 𝙨𝙖 𝙧𝙚𝙠𝙡𝙖𝙢𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣, 𝙖𝙩 𝙤𝙛𝙛𝙨𝙝𝙤𝙧𝙚 𝙢𝙞𝙣𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙢𝙪𝙣𝙞𝙨𝙞𝙥𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙞𝙨𝙙𝙖𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙈𝙖𝙣𝙞𝙡𝙖 𝘽𝙖𝙮, 𝙕𝙖𝙢𝙗𝙖𝙡𝙚𝙨 𝙖𝙩 𝙇𝙞𝙣𝙜𝙖𝙮𝙚𝙣 𝙂𝙪𝙡𝙛.
4.𝙋𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙡𝙖𝙮𝙖𝙨 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙜𝙞𝙨𝙙𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙮𝙗𝙖𝙮 𝙙𝙖𝙜𝙖𝙩 𝙖𝙩 𝙞𝙡𝙤𝙜 𝙡𝙖𝙡𝙤 𝙣𝙖 𝙨𝙖 𝙩𝙖𝙧𝙜𝙚𝙩 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙧𝙤𝙮𝙚𝙠𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙧𝙞𝙗𝙖𝙙𝙤 𝙖𝙩 𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙠𝙤.
5.𝙏𝙪𝙢𝙖𝙩𝙖𝙖𝙨 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙚𝙣𝙨𝙞𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝙒𝙚𝙨𝙩 𝙋𝙝 𝙎𝙚𝙖, 𝙖𝙩 𝙢𝙜𝙖 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙜𝙞𝙨𝙙𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣𝙞𝙗.
6.𝙈𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖𝙣𝙖𝙥 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙧𝙞𝙘𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙚 𝙥𝙖𝙧𝙠𝙨 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙖𝙥𝙞𝙩𝙖𝙡𝙞𝙨𝙩𝙖 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙪𝙠𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙖 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙗𝙞𝙡𝙞𝙨 𝙣𝙖 𝙨𝙪𝙢𝙖𝙨𝙖𝙠𝙡𝙖𝙬 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙢𝙪𝙣𝙞𝙨𝙞𝙥𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙞𝙨𝙙𝙖𝙖𝙣. 𝘽𝙖𝙜𝙖𝙢𝙖𝙩 𝙡𝙪𝙢𝙞𝙡𝙞𝙠𝙝𝙖 𝙞𝙩𝙤 𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙡𝙩𝙤 𝙣𝙜 𝙥𝙧𝙤𝙙𝙪𝙠𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙞𝙨𝙙𝙖 𝙖𝙩 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙠𝙖𝙡𝙞𝙠𝙝𝙖 𝙣𝙜 𝙚𝙢𝙥𝙡𝙚𝙮𝙤, 𝙞𝙙𝙞𝙣𝙖𝙙𝙖𝙞𝙣𝙜 𝙞𝙩𝙤 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙡𝙞𝙡𝙞𝙞𝙩 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙜𝙞𝙨𝙙𝙖 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖-𝙖𝙜𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝙠𝙤𝙢𝙪𝙣𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙞𝙨𝙙𝙖𝙖𝙣, 𝙣𝙜 𝙥𝙤𝙡𝙪𝙨𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙙𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙞𝙩𝙤 𝙨𝙖 𝙩𝙪𝙗𝙞𝙜, 𝙢𝙖𝙗𝙖𝙝𝙤𝙣𝙜 𝙖𝙢𝙤𝙮 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙝𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙡𝙞𝙡𝙞𝙣𝙞𝙨 𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙢𝙗𝙖𝙩 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙜𝙗𝙖𝙝𝙤 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙮𝙗𝙖𝙮𝙞𝙣 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙨𝙖 𝙣𝙖𝙗𝙪𝙗𝙪𝙡𝙤𝙠 𝙣𝙖 𝙞𝙨𝙙𝙖 𝙠𝙖𝙥𝙖𝙜 𝙢𝙖𝙮 𝙛𝙞𝙨𝙝 𝙠𝙞𝙡𝙡.

Sa ilang bahagi ng mga munisipal na pangisdaan, nagpakita ang muling pagdami ng isda subalit dahil atrasadong kagamitan ng maliliit na mangingisda, hind ito kayang hulihin. Kaya gusto ng mga kapitalista sa komersyal na pangingisda na pasukin ang mga ito kahit bawal sa RA-8550 at RA-10654. Nitong huli, nagsampa sila ng kaso sa Korte para ipatigil ang paglalagay ng Vessel Monitoring System (VMS) sa commercial fishing boats, nakalulungkot na kinatigan ito ng korte.

Ang anim na punto sa unahan ang mga suliraning hinaharap ngayon ng pangisdaan at mangingisda. Sa mga nabanggit, patuloy na naaagaw sa maliliit na mangingisda ang karapatan sa pangisdaang munisipal.

Dalawampu’t anim na taon na nga ang Fisheries Code; 24 taon na rin ang proklamasyon. Ano ngayon ang dapat ipagdiwang? Ngayong nananatiling ang mga mangingisda ang #1 sa pinakamahirap na sektor sa lipunan? Ngayong lumalala pa ang over fishing sa buong bayan?

Hindi pa huli ang lahat. Maisasalba pa ang pangisdaan at maiaangat ang kabuhayan ng mangingisda. Suliranin nating lahat ang problema sa pangisdaan. Usapin ito ng katiyakan sa pagkain. Pagtulungan nating itaas ang kapasidad ng mga mangingisda upang pangmatagalang magampanan ng mga ito ang tungkuling pangalagaan ang pangisdaan para sa pagkain ng sambayanan.

Inaanyayahan namin kayong lumahok sa Mayo 31, araw ng mga mangingisda. Samasama nating itaguyod ang mga panawagang:
1.𝙄𝙩𝙞𝙜𝙞𝙡 𝙣𝙜 𝙜𝙖𝙣𝙖𝙥 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙡𝙡𝙚𝙜𝙖𝙡, 𝙪𝙣𝙧𝙚𝙥𝙤𝙧𝙩𝙚𝙙, 𝙪𝙣𝙧𝙚𝙜𝙪𝙡𝙖𝙩𝙚𝙙 𝙛𝙞𝙨𝙝𝙞𝙣𝙜 (𝙄𝙐𝙐𝙁) 𝙨𝙖 𝙗𝙪𝙤𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙣𝙨𝙖!
2.𝙋𝙖𝙣𝙜𝙪𝙣𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝘿𝘼/𝘽𝙁𝘼𝙍 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙜𝙖𝙢𝙞𝙩 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙩𝙖𝙨 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙞𝙨𝙙𝙖𝙖𝙣 𝙡𝙖𝙗𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙧𝙚𝙠𝙡𝙖𝙢𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣, 𝙨𝙚𝙖𝙗𝙚𝙙 𝙦𝙪𝙖𝙧𝙧𝙮 𝙖𝙩 𝙤𝙛𝙛𝙨𝙝𝙤𝙧𝙚 𝙢𝙞𝙣𝙞𝙣𝙜!
3.𝙄𝙩𝙞𝙜𝙞𝙡 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙧𝙚𝙠𝙡𝙖𝙢𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙖𝙩 𝙨𝙚𝙖𝙗𝙚𝙙 𝙦𝙪𝙖𝙧𝙧𝙮 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙢𝙪𝙣𝙞𝙘𝙞𝙥𝙖𝙡 𝙬𝙖𝙩𝙚𝙧 𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝙒𝙋𝙎!
4.𝙄𝙨𝙞𝙬𝙖𝙡𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙠𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙣𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙨𝙖𝙣𝙜𝙠𝙤𝙩 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙙𝙖𝙧𝙖𝙢𝙗𝙤𝙣𝙜, 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙢𝙠𝙖𝙢 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙞𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙞𝙨𝙙𝙖𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙒𝙋𝙎!
5.𝙏𝙞𝙮𝙖𝙠𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙮𝙖𝙥𝙖, 𝙡𝙞𝙜𝙩𝙖𝙨 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙜𝙞𝙨𝙙𝙖 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙜𝙞𝙨𝙙𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤 𝙨𝙖 𝙒𝙋𝙎!
6.𝙋𝙖𝙣𝙜𝙪𝙣𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝘿𝘼/𝘽𝙁𝘼𝙍/𝙇𝙂𝙐 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙩𝙪𝙥𝙖𝙙 𝙣𝙜 𝙥𝙧𝙞𝙣𝙨𝙞𝙥𝙮𝙤 𝙣𝙜 𝙠𝙤𝙢𝙤𝙣 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙖𝙩𝙖𝙗𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙪𝙣𝙞𝙘𝙞𝙥𝙖𝙡 𝙬𝙖𝙩𝙚𝙧.
7.𝙄𝙩𝙞𝙜𝙞𝙡 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙝𝙪𝙡𝙞 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙡𝙚𝙜𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙜𝙞𝙨𝙙𝙖 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙜𝙞𝙨𝙙𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙪𝙣𝙞𝙨𝙞𝙥𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙠𝙖𝙩𝙪𝙗𝙞𝙜𝙖𝙣!
8.𝘽𝙞𝙜𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙥𝙖𝙩 𝙣𝙖 𝙩𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙜𝙞𝙨𝙙𝙖 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙪𝙣𝙡𝙖𝙧𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙢𝙖-𝙨𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙞𝙨𝙞𝙠𝙖𝙥 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙪𝙣𝙡𝙖𝙙 𝙣𝙜 𝙥𝙧𝙤𝙙𝙪𝙠𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙙𝙖𝙜𝙙𝙖𝙜 𝙣𝙖 𝙠𝙖𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙞𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙮𝙖𝙣!
9.𝙈𝙖𝙜𝙡𝙖𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙇𝙂𝙐 𝙣𝙜 𝙡𝙪𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙠𝙤 𝙨𝙖 𝙗𝙖𝙮𝙗𝙖𝙮𝙞𝙣 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙨𝙚𝙧𝙗𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙁𝙞𝙨𝙝𝙚𝙧𝙛𝙤𝙡𝙠 𝙎𝙚𝙩𝙩𝙡𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩 𝙖𝙩 𝙞𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙨𝙖 𝙩𝙖𝙪𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙙𝙮𝙚𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙙𝙞𝙩𝙤!
10.𝙄𝙥𝙖𝙩𝙪𝙥𝙖𝙙 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙝𝙞𝙜𝙥𝙞𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝙧𝙚𝙜𝙪𝙡𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙪𝙠𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙩𝙞𝙣𝙪𝙠𝙤𝙮 𝙣𝙖 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙘𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙚 𝙋𝙖𝙧𝙠, 𝙪𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙞𝙬𝙖𝙨𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙤𝙡𝙪𝙨𝙮𝙤𝙣, 𝙛𝙞𝙨𝙝 𝙠𝙞𝙡𝙡 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙜𝙗𝙖𝙝𝙤 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙮𝙗𝙖𝙮𝙞𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙩𝙪𝙗𝙞𝙜𝙖𝙣!

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com Include your full name, e-mail address, and contact number. All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit the submission in a way that does not alter or change the original material. Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading