

8 sa 10 kababaihan ay mas gustong maging fulltime nanay na lamang, ayon sa survey.
Malaking bahagi ng mga resulta sa survey probe na ito ng SWS ay mas nagmula sa aspetong kultural – mga kinamulatang pananaw na ang babae ay “pambahay” lamang na ilang siglo nang namamayani sa kababaihan. Pero may mas malalim pa na paliwanag sa usaping ito na malaki ang kinalaman sa resulta ng Survey Probe 2.
Mas malaking porsyento ng kababaihan, 92%, ay gusto ring kumita pero hindi nila magawa dahil sila ay full-time nanay. Sa Survey Probe 6 naman ay 44% ang gustong mag-partime kapag malaki at nag-aaral na si bunso. Kung idadagdag ang 27% na gusto ng full-time na trabaho, aabot sa 71% ng kababaihan ang gustong kumita, part-time at full-time.
Napapanahong harapin ng sersyoso at prangkahan ang usaping ito ng pagkakatali ng kababaihan sa domestikong gawain. Dahil hindi ganap na lalaya ang kababaihan hangga’t hindi ito nalulutas. Walang saysay ang mga papuring natatanggap ng bansa, katulad ng pagiging best performer sa gender outcomes dito sa ASEAN, at iba pang pagkilala sa internasyunal, hanggat nananatiling ganito ang totoong buhay ng kababaihan.
Malinaw kapwa sa pandaigdigang antas at sa gobyerno ng Pilipinas na malaki ang kinalaman ng kawalang trabaho, mahina kundi man palpak na paumpublikong serbisyo, at malalim na kultural na aspeto, kung bakit kalakhan ng kababaihan ay nakatali sa bahay at dito na sa papel na ito nagwawakas ang kanyang buhay. At sa umiiral na sistemang kapitalismo, mas naitalaga ang papel ng kalakhan ng kababaihan hind sa produksyon kundi sa reproduksyon ng buhay ng kanyang asawa, ng kanyang pamilya, at ng susunod na henerasyon ng mga manggagawa.




![[Statement] PAHRA condemns U.S. strikes in Venezuela, calls it a blatant abuse of power and violation of human rights](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/611273346_1197453659168467_684525050697177916_n.jpg?w=1024)
![[Statement] End the Aggression Now! Respect the Sovereignty of Venezuela!](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/607484560_1322029336635993_7525347165453649146_n.jpg?w=1024)
![[People] The Supreme Court and a children’s court: More justice for children | By Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/unnamed.png?w=1024)
![[Press Release] EcoWaste Coalition Assembles in Plaza Miranda to Press for Waste-Free Conduct of Traslacion 2026](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/1000076026.jpg?w=1024)
Leave a comment