
Kasalukuyang niraratsada sa Kongreso ang Charter Change o pagbabago ng ilang mga probisyon sa Konstitusyon. Sa mga panukalang pagbabago, luging lugi pa rin ang mga batayang sektor, lalo na ang mga kababaihan.
Ang mga pagbabago ay pinapanukala ng Peopleโs Initiative for Reform Modernization and Action (PIRMA) at ang ilan sa mga ito ay:
- Tanggalin ang proteksyon para sa mga manggagawa at alisin ang kanilang karapatan sa nakabubuhay na sahod. Sa ating bansa, mas maliit ang bilang ng mga kababaihang nasa labor force dahil karamihan ay naiiwan sa tahanan upang mag-care work, nakakaranas ng diskriminasyon sa pagtatrabaho, at may mababang sahod kumpara sa kalalakihan.
- Tanggalin ang probisyon sa Konstitusyon na magkaroon ng sektoral na representasyon sa mga lokal na pamahalaan. Ibig sabihin, mawawalan na naman ng boses ang mga kababaihan at iba pang batayang sektor sa mga desisyon na makakaapekto sa kanilang buhay.
- Payagan ang demolisyon nang walang konsultasyon. Kung sapilitang paalisin sa kanilang tirahan, lalong titindi ang kaharasang mararanasan ng mga kababaihan at batang babae at hindi matutugunan ang kanilang pangangailangan sa kanilang kalusugan.
- Buksan ang paggamit ng ating mga likas na yaman sa mga dayuhang investors. Mapanganib ang posibleng idulot nito lalo na sa kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda, at katutubo, kung saan malaki ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan bilang tagapangalaga at tagapamahala ng mga likas na yaman sa komunidad.
- Pahabain ang termino ng mga nakaupo sa pwesto. Sa termino ng pangulo, mula anim na taon at iisang termino lamang, nais nilang paabutin ito hanggang sampung taon, kung saan pinapayagan itong muling kumandidato at maihalal. Ang mga Kongresista at mga opisyal ng local government units naman na mula tatlong taon ay nais pahabain ang termino hanggang limang taon.
Malinaw ang kagustuhan sa patuloy na pagpayaman ng mga nasa kapangyarihan habang lalong humihirap ang malawak na sambayanang Pilipino.
Ang kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas ay bunga ng malawakang pagkakaisa ng sambayanang Pilipino noong EDSA People Power Revolution. Ang mga kilos para baguhin ang Konstitusyon ay direktang paglapastangan sa tagumpay na ito ng mamamayang Pilipino.
Hindi solusyon ang Charter Change sa kahirapan sa bansa dahil hindi naman ang Konstitusyon ang ugat ng kahirapan. Bakit kailangang ito ang unahin samantalang napakaraming problema sa bansa ang nangangailangan ng kagyat na solusyon?
Ngayong International Womenโs Day, mariing tinututulan ng Alternative Law Groups ang anumang uri at porma ng pagbabago ng ating Saligang Batas na lalong magpapahirap sa mga kababaihan at iba pang batayang sektor sa bansa.
๐๐๐ง๐๐ฅ๐ก๐๐ง๐๐ฉ๐ ๐๐๐ช ๐๐ฅ๐ข๐จ๐ฃ๐ฆ
Ateneo Human Rights Center
BALAOD Mindanaw
Children’s Legal Bureau, Inc.
ERDA Foundation, Inc.
Environmental Legal Assistance Center, Inc. – ELAC
KAISAHAN
Kanlungan Centre Foundation Inc page
Legal Rights and Natural Resources Center
Process Panay
Rainbow Rights Philippines
Tanggol Kalikasan Inc.




![[Statement] PAHRA condemns U.S. strikes in Venezuela, calls it a blatant abuse of power and violation of human rights](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/611273346_1197453659168467_684525050697177916_n.jpg?w=1024)
![[Statement] End the Aggression Now! Respect the Sovereignty of Venezuela!](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/607484560_1322029336635993_7525347165453649146_n.jpg?w=1024)
![[People] The Supreme Court and a childrenโs court: More justice for children | By Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/unnamed.png?w=1024)
![[Press Release] EcoWaste Coalition Assembles in Plaza Miranda to Press for Waste-Free Conduct of Traslacion 2026](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/1000076026.jpg?w=1024)
Leave a comment