Inaagiw na ang larawan
Naninilaw na ang pahina
Ng mga dokumentong
Tala ng paglabag sa karapatang pantao

Huwag nang paulit-ulit
Huwag nang makulit
Move on na ang sabi
Ng mga payaso at naghahari

Kalimutan na ang nakaraan
Magkaisa para sa kanilang kinabukasan
Itigil na ang poot at galit
Magkaisa para sa mga batang paslit

Escalante, Las Navas, Palimbang
Kakalimutan na lang ba
Ang masaker ng taumbayan

Dulag, dela Paz, Escandor, Aquino
Kakalimutan na lang ba ang mga nagtaguyod ng karapatang pantao

Hermon, Hilao, Enriquez
Kakalimutan na lang ba ang mga biktima ng sapilitang pagkawala

Diokno, Tañada, Salonga, Ocampo
Kakalimutan na lang ba ang mga biktima ng pagkabilanggo
Dahil sa paniniwala at paninindigan

Hindi! Hindi! Hindi!!!
Ang kadakilaan ay mananatiling buhay
Ang sakripisyo ay nakaukit sa alaala ng mga karaniwang tao.

Hindi mauupos ang apoy ng kadakilaan
Hindi magagapi ng dilim ang liwanag ng katotohanan
Hangga’t may nagmamahal sa ating bayan
Tuloy ang laban para sa katarungan at kapayapaan.

TFDP
25 Pebrero 2024

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com Include your full name, e-mail address, and contact number. All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit the submission in a way that does not alter or change the original material. Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading