



Tatlumpu’t walong taon matapos ang paga-alsang EDSA, ano ang kalagayan ng masang noon ay rumagasa sa lansangan upang patalsikin ang diktador?
Lubog sa kumunoy ng sumisirit na presyo ng bilihin habang pabagsak ang halaga ng sahod. Dahil ang nakinabang sa paghihirap at pakikibaka ng masa noong EDSA ay ang mga elitista.
Sa nakalipas na 38 taon, kahit pa walang Cha-cha, ay patuloy ang pagbuka ng bansa sa neoliberal na dikta ng imperyalistang kapangyarihan. Ang dulot nito’y pribatisasyon, liberalisasyon, deregulasyon, at paglawak ng agwat ng mahirap at mayaman.
Tiyak na ang dulot ng niraratsadang Cha-cha ni Marcos at kanyang alipores ay pahirap para sa masa, habang ang makikinabang ay sila-silang lokal na kapitalistang makikipagsabwatan sa mga multinational corporation at imperyalismo.
Sa ilalim ng Cha-cha ng elista’t dayuhan, nangananib ang karapatan sa edukasyon at kinabukasan ng kabataan. Ganap na papapasukin ang mga dayuhang kapitalista-edukador upang magtayo ng foreign-owned diploma-mills sa layuning pangunahan ang pagsu-supply ng mura at sunod-sunurang manggagawa para sa mga industriya ng mayayamang bansa. Pagka-gradweyt ng mga anak ng manggagawa, ang naghihintay na trabaho ay trabahong walang dignidad, pigang-piga ang lakas-paggawa kapalit ng kakarampot na sahod.
Ang laban para ibasura ang Cha-cha ng elitista ay bahagi ng laban para sa minimithi nating pagbabago. Bigo ang pagbabagong pangako ng EDSA ng elitista, ang nais nating pagbabago ay hindi magaganap hanggat pinaghaharian tayo ng elitista.
Ang nais nating pagbabago tungo sa lipunang masagana at may tunay na demokrasya ay magaganap lamang kung ipundar natin ang gobyernong magsisilbi para sa ating interes – ang gobyernong pamumunuan ng manggagawa’t masang api.
join.sparkkabataan.org
https://www.facebook.com/SparkKabataan/posts/712306174412304?ref=embed_post




![[People] No more safe spaces for journalists in Gaza | by Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/unnamed.jpg?w=800)
![[Statement] TDC Statement on the bill to repeal CPD LAW](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/tdc-on-cpd-law.png?w=1024)
![[From the web] CONSUMER SAFETY ALERT: Food-Like Plastic Toys May Pose Serious Health Risks to Children | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/2.png?w=1024)
![[From the web] EcoWaste Coalition Calls for Stronger Measures to Stop Lead Paint Imports](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/laboratory-tests-confirm-the-presence-of-lead-a-toxic-chemical-banned-in-paints-and-similar-surface-coatings-at-levels-exceeding-the-legal-limit-of-90-ppm.jpg?w=1024)
Leave a comment