
Deklaradong holiday man o hindi, patuloy nating alalahanin ang diwa ng EDSA revolution. Sa araw na ito, milyon-milyong Pilipino ang naki-isa sa pagpapatalsik sa dalawang dekadang diktaturiya.
Ayon sa mga eksperto, noong 1975 hanggang 1986, sa kadahilanan ng kahirapan at kawalan ng trabaho, nagkaroon ng 949-persyentong pagtaas sa deployment ng manggagawang Pilipino. Hindi man termino pa ang “OFW” bago at noong panahon ng diktaturiya, ang kalakaran na ito ay naitatag at na-normalize sa panahon ng isa sa pinakamasalimuot na mga sandali sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa katunayan, ang terminong “Overseas Filipino Workers” ay opisyal lamang na ginamit sa unang bahagi ng 1990s upang tukuyin ang mga manggagawang Pilipino na nakikipagsapalaran sa ibang bansa para magtrabaho.
Bilang pagkilala sa mga Pilipinong nakipagsapalaran sa ibang bansa noong panahon ng diktaturiya, maging ang ating mga OFWs ngayon, obserbahin natin ang ika-38 na anibersayo ng EDSA People Power Revolution.
Patuloy lamang tayo sa pagbuhay sa diwa ng EDSA!




![[Press Release] Envi group says PBBM order to inspect Manila Bay dredgers ‘long overdue’ | ATM](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/611266739_857788566880357_613411987971048784_n.jpg?w=1024)
![[Statement] Ninja Van riders’ reinstatement, a boost to platform workers’ rights | CTUHR](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/613613978_1305637741609830_7278802790473352916_n.jpg?w=1024)
![[Press Release] Teachers welcome bigger education budget but decry lack of pay increase | TDC](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2015/06/photo-by-arnel-tuazon.jpg?w=960)
![[Press Release] “Reduce Waste at Home, Make Zero Waste A Daily Habit” | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/zw1.png?w=1024)
Leave a comment