
Ni Sonny Melencio, Chairperson, Partido Lakas ng Masa
- Ang banggaan ng kampong Marcos Jr. at ng kampong Duterte ay hindi lamang banggaan ng dalawang makapangyarihang dinastiyang pampulitika. Nasa likod nito ang galaw ng oligarkiya sa Pilipinas at ng mga kapitalistang sumusuporta sa sinumang kampo.
- Nakakaisang taon at kalahati pa lamang sa pwesto si Bongbong Marcos (BBM) ay pumutok na ang bangayan. Nagpakawala ng maaanghang na banat ang dating pangulong Rodrigo Duterte, kasama ang kanyang anak na si ‘Baste’ Duterte, ang mayor ng Davao City, sa rali ng kanilang tagasuporta sa Davao City noong January 28.
- Isa sa mga isyu na may personal na impact kay Duterte ang ICC probe sa kanyang administrasyon na hinahayaan ni BBM ngayon dahil sa postura nito ng pagsuporta sa mga kanluraning kapangyarihan. Isa ring personal na isyu ang pagtatanggal ng confidential at intelligence fund ni Bise-Presidente Sara Duterte.
- Ginagamit ng paksyong Duterte ang isyu ng Cha-cha, hindi dahil sa ayaw nila ng pagdistrungka sa protectionist provision ng 1987 constitution. Ang isyu ay kung sino ang dapat tumimon dito. Halos lahat ng nagdaang administrasyon, matapos kay Cory, ay nagpakana nito: FVR, Estrada, Macapagal-Arroyo, at maging si Duterte.
- Liban sa administrasyong Noynoy Aquino na ginawang sagrado ang Cory constitution, bagamat maraming batas sa liberalisasyon ng ekonomiya ang isinulong nito, gaya ng executive order sa public-private partnership, at iba pa. Sa ilalim ni Duterte, nais isabay ang liberalisasyon sa pagtatayo ng pederalismo na ang makikinabang ay mga kasapakat nitong dinastiya sa malalaking rehiyon sa bansa.
- Ang kagyat na dahilan sa banggaan ay ang nalalapit na mid-term election sa 2025, kung saan nais ng bawat panig na kontrolin ang Kongreso at mga LGUs. Para ito sa ultimong laban sa presidential elections sa 2028 na tatakbo si Sara Duterte para ibalik ang ganansya ng dinastiyang Duterte, at sa kabilang kampo naman ay tatakbo si House Speaker Martin Romualdez, pinsan ni BBM na nagpapakana ng People’s Initiative, para gawing permanente ang ganansya ng dinastiyang Marcos-Romualdez.
Click the link below to read full statement




![[People] No more safe spaces for journalists in Gaza | by Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/unnamed.jpg?w=800)
![[Statement] TDC Statement on the bill to repeal CPD LAW](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/tdc-on-cpd-law.png?w=1024)
![[From the web] CONSUMER SAFETY ALERT: Food-Like Plastic Toys May Pose Serious Health Risks to Children | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/2.png?w=1024)
![[From the web] EcoWaste Coalition Calls for Stronger Measures to Stop Lead Paint Imports](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/laboratory-tests-confirm-the-presence-of-lead-a-toxic-chemical-banned-in-paints-and-similar-surface-coatings-at-levels-exceeding-the-legal-limit-of-90-ppm.jpg?w=1024)
Leave a comment