#HumanRights #ClimateJustice
Sa isa na namang kapana-panabik na episode ng Woke D’ Talk 2024, ng Task Force Detainees of the Philippines at Youth for Rights, natunghayan natin ang mga paksang may kinalaman sa Pagpapakita ng Tinig at Pagsusulong ng Aksyon para sa Karapatang Pantao at Katarungan sa Klima.
Sa Episode na ito, isang masiglang interactive game ang itinampok sa titulong “Pa-Q o Pa-Quiz,” kung saan ang mga manonood ay lumahok sa isang palarong nagtatampok ng mga katanungan hinggil sa mga pangunahing konsepto ng karapatang pantao at climate justice. Nagsilbing pampasigla ito para sa mas marami pang nakakaaliw na bahagi ng episode.
Ang ikalawang bahagi ay nagbigay daan sa pakikipagtulungan sa isang kabataang influencer, si Jenny Jabon, Presidente ng Junior ALCU Philippines o Alliance of Local Colleges and Universities in the Philippines, na nagbigay inspirasyon sa mga manonood patungkol sa kanyang pagnanais na itaguyod ang katarungan sa lipunan at ang kanyang pakikibahagi sa usaping at aktibidad hinggil sa pagbabago sa klima.
Sa kabuuan, itinampok din ang mga karagdagang hakbang upang palawakin ang paglaganap ng kampanya, tulad ng pakikipagtulungan sa iba’t-ibang organisasyon ng kabataan, paggamit ng social media para sa mas mabilis na pagpapahayag, at panghikayat ng aktibong partisipasyon sa live chat discussions.
Sa pagtatapos ng episode, ang #WokeDtalk2024 ay nagbigay paalala sa mga manonood na ang kanilang mga tinig ay may malaking bisa at nagbigay pugay sa sama-samang lakas ng kabataan sa pag-asam ng mas mabuti at mas makatarungan na kinabukasan. Ang susunod na episode ay inihanda na upang muling magbigay liwanag sa iba’t-ibang aspeto ng mga isyung panlipunan at pang-ekolohiya.

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com Include your full name, e-mail address, and contact number. All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit the submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.



![[Statement] PAHRA condemns U.S. strikes in Venezuela, calls it a blatant abuse of power and violation of human rights](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/611273346_1197453659168467_684525050697177916_n.jpg?w=1024)
![[Statement] End the Aggression Now! Respect the Sovereignty of Venezuela!](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/607484560_1322029336635993_7525347165453649146_n.jpg?w=1024)
![[People] The Supreme Court and a children’s court: More justice for children | By Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/unnamed.png?w=1024)
![[Press Release] EcoWaste Coalition Assembles in Plaza Miranda to Press for Waste-Free Conduct of Traslacion 2026](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/1000076026.jpg?w=1024)
Leave a comment