#HumanRights #ChaCha

Sa gitna ng nagtataasang presyo ng mga bilihin, nagbabadyang pagkawala ng hanapbuhay ng mga tsuper, at laganap na kahirapan, mas pinipili ng mga opisyal ng gobyernong madaliing isulong ang Charter Change o pagbabago sa ating konstitusyon.

Ayon sa mga ulat, may mga umiikot na petisyong nagsusulong ng Cha-Cha. Binibigyan umano ng halagang P100 o ayuda ang mga pumipirma nito. Sa isang TV commercial, lantaran din ang layunin na lalo pang papasukin ang mga foreign investors—dahilan kung bakit tayo ay nagiging second class citizens sa ating bansa.

Tuloy tuloy nating tutulan ang pagbabago ng konstitusyon na nakapaloob sa huwad na People’s Initiative. Kung talagang kapakananan ng mga tao ang layunin ng gobyerno, tunay na aksyon at solusyon ang dapat isinusulong para sa mga isyung nakakaapekto sa pang-araw-araw na buhay, kabuhayan, at pamumuhay ng masang Pilipino.

Ang ating panawagan: #SahodItaas, #PresyoIbaba, #EndoWakasan, #NoToJepneeyPhaseout, at #NoToChaCha!
Tandaan, ang People’s Initiative ay tunay na MULA sa tao at tunay na PARA sa mga tao. Kaya naman, ‘wag basta basta pumirma. Magtanong at magkumpirma!

Narito ang mga aksyon na maaaring gawin hinggil sa petisyon:
✅Isumbong ang mga nangyayaring bayaran sa pinapalaganap na petisyon sa bit.ly/ChaChaAlert.

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com Include your full name, e-mail address, and contact number. All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit the submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading