So Ano na?

Isang taon na ang nakalipas mula noong unang nilatag ni Ferdinand Marcos Jr. ang mga plano ng kanyang administrasyon. Sa kabila ng mga satsat at intriga ng mga senador at kongresista, hindi natin makakailang patuloy ang kanilang pagraratsada sa mga panukalang batas at polisiya na maka-kapitalista, maka-dinastiya, at maka-militar. Nagpapatuloy ang paggamit ng poder ng naghaharing-uri para sa sarili nilang kapakanan, at laban sa kapakanan ng manggagawa at kabataan.

Imbes na tugunan ang mga agarang pangangailangan ng mga mamamayan, lalung lalo na sa kalusugan, edukasyon, proteksyon sa paggawa, nilalagay tayo ng administrasyong Marcos Jr. sa alanganin dahil sa mga polisiya na tuwirang nagbigay laya sa mga kapitalista’t bangkerong nagtaya sa kanyang kampanya na bawiin ang kanilang pinuhunan.

Isang halimbawa nito ang pagpasa ng Maharlika Investment Fund at ang sapilitan at madaliang “modernisasyon” ng mga jeepney at iba pang uri ng pampublikong transportasyon, na pawang ikasasama ng sitwasyon ng mga komyuter at konsyumer sa buong bansa. Kasabay pa nito ang agresibong pagsalalay sa paghihiram na dahilan ng lumalalang utang ng bansa, pagtaas ng presyo ng kuryente, tubig, at patuloy na paninira sa kalikasan buhat ng pribatisasyon ng serbisyo publiko at pagsuporta sa pagmimina at iba pang extractive industry.

Matagal nang nilalapit ni Marcos Jr ang patakarang panlabas ng bansa tungo sa hangarin ng Estados Unidos. Imbis na tayuan ang independiyenteng patakarang panlabas patungo sa pagpupundar ng rehiyonal na kapayapaan sa Asia Pasipiko, ipinupwesto ni Marcos Jr. ang bansa sa gitna ng lumalalang imperyalistang girian ng Estados Unidos at ng Tsina sa pagpasok muli ng pwersang Amerikano sa mga bagong EDCA sites sa buong bansa at pagpapanatili sa Visiting Forces Agreement at Mutual Defense Treaty.

Kung susumahin ito sa hindi pa ring mabitawang panukala para ibalik ang sapilitang ROTC, na balakid sa de-kalidad na edukasyon, kalayaang mag-organisa, at karapatang pumili ng mga estudyante sa sekundarya at kolehiyo, tiyak na iisa lamang ang pakay ng administrasyon na nais ipamalas sa susunod na SONA: ginagawa tayong sunud-sunuran sa mga pwersang kapitalista at imperyalista dito sa kapuluan at sa buong daigdig.

Anuman ang gawin ng kasulukuyang administrasyon, hindi nila malulunasan ang sakit na nararanasan ng mas nakararami sa lipunan. Nasa kanilang interes na patuloy tayong apihin at alipustahin para sipsipin ang yaman at kapangyarihan mula sa ating pawis at dugo. Ito ang tunay na estado ng bansa na hindi kailanman aaminin ng gobyerno.

Panahon nang isulong ang isang alternatiba sa sistematikong pang-aaping hinaharap natin. Nararapat na ipaglaban ng uring manggagawa at ng buong masa ang karapatan sa trabaho, pagkain, kalikasan, at kasarinlan. Palawakin natin ang hanay ng kabataang Pilipinong nakikibaka para sa panlipunang pagbabago.

Hindi tayo pambala sa kanyon. Hindi tayo alila ng elitista. Hindi tayo magpapaloko sa gobyerno ng uring mandarambong, marahas, at mapang-api. Atin ang bukas!

BBM, WALANG PINAG-IBA!
INUTIL SA MASA, GOBYERNONG ELITISTA!
TRABAHO, PAGKAIN, KARAPATAN, KALIKASAN, AT KASARINLAN!
HINDI PANDARAMBONG, GIYERA, AT PANDARAHAS!

Signatories:
UE Manila – University Student Council (USC)
UE-Manila College of Business Administration Student Council
Enough Is Enough
UM Digos SHS – Student Council
UERM Medicine Student Council
UDM Office of the Student Regent
KASAMA BulSU – Katipunan Student Movement
UPOU University Student Council
UE Manila – College of Arts and Sciences Student Council
DLSU SHS Student Council
UE College of Education Student Council
YWP – Young Workers of the Philippines
UE-Manila Engineering Student Council
SAVE Philippines – Stewards and Volunteers for the Earth Philippines
RTU Mayari
FEU SAGA
University Student Government of PCU Manila
Association of Political Science Organizations of the Philippines (APSOP)
PUP-STB Central Student Council
KALAYAAN-Lihok Mag-aaram
The UPLB Society of Pre-Med Students
Ibarang Supremo
UPHSI Student Council
SPARK – Samahan ng Progresibong Kabataan

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit the submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading