[Statement] Kabuhayan ng Angkas motorcycle taxi drivers, ipaglaban! -PM


Photo credit: from FB page of Yob JB Bolanos and Don Pangan of MRO. Ongoing unity ride of Angkas and organized riders.
Nagpapahayag ng suporta ang Partido Manggagawa (PM) sa pakikipaglaban ng halos 20,000 drivers ng ANGKAS na nakaambang mawalan ng hanapbuhay pagsapit ng Bagong Taon. Bunga ito ng naging desisyon ng Technical Working Group ng LTFRB na bawasan ang kasalukuyang bilang ng pumpasadang ANGKAS at hatian ng kaparehong alokasyon ang dalawang bagong kompanya na nais pumasok sa industriya ng motorcycle taxi.
Ang naging desisyon ng LTFRB ay hindi makatwiran. Lalong hindi ito makatarungan para sa mga manggagawang dumaan na sa ilang buwan nang pagsasanay at praktikal na karanasan sa pamamasada ng motorcycle taxi. Hindi mali ang prinsipyo ng kompetisyon sa industriya. Pero may inhustiysa kung ang resulta ng kompetisyon ay dislokasyon sa libu-libong manggagawa.
Ang Partido Manggagawa ay matagal nang nakikipag-unayan at sumusporta sa pakikipalaban ng ating mag riders laban sa diskriminasyon sa lansangan at iba pang mapaniil na patakaran na ipinapatupad ng mga ahensya ng pamahalaan, lokal at nasyunal. Kabilang dito ang isyu ng plaka vest, doble-plaka at ang ligalisasyon ng motorcycle taxi.
Ito ay sa kadahilanang 99% ng gumagamit ng motorsiklo sa buong bansa ay mula sa uring manggagawa. Ang sektor ng transportasyon ang second biggest employer sa service industry na may total workforce na 3.2 milyon o o 7.8 per cent ng total employed persons noong 2018.
Bago pa magkaroon ng motorcycle taxi sa pamamagitan ng ANGKAS ay una munang gumagamit ng motorsiklong pampasada ang mga manggagawa kapwa sa pormal at impormal na sektor. Hanggang maging popular na sakayan na ito ng kapwa nila manggagawa dahil sa praktikal na ekonomikong konsiderasyon at bilang tugon sa krisis sa mass transport system sa bansa. Gamit nila ito para dalhin ang kanilang mga sarili sa trabaho at ang iba naman ay gamit mismo ang motorsiklo sa paghahanapbuhay sa ibat-ibang delivery services na popular na sa ganitong panahon.
Ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority, mayroon nang 6.2 milyong registered motorcycles and tricycles noon pa lamang 2013. At napakabilis ang kanyang naging pagdami. Sa katunayan, mahigit 2 milyong motorsiklo, ang nairehistro sa unang 10 buwan lamang ng 2018.
Samakatwid, ang motorcycle taxi ay dapat nang kilalanin ng pamahalaan bilang karapatan at kabuhayan para sa libu-libong manggagawa. Pag-unlad din ito mula sa impormal patungong pormal na industriya kung kaya’t ang regulasyon para dito ay hindi na lamang ilapat sa usapin ng negosyo kundi pati na rin sa general labor standards.
Nananawagan ang PM sa LTFRB na bawiin ang naging desisyon para sa kapakanan ng 17,000 manggagawang mawawalan ng hanapbuhay sa Bagong Taon. Hinihikayat din namin ang DOLE na masagawa nan g kaukulang pag-aaral at maglabas ng kaukulang patakaran sa employment relations ng mga manggagawang nagtatrabaho sa TNVS companies, kabilang ang motorcycle taxi. ##
Photo credit: from FB page of Yob JB Bolanos and Don Pangan of MRO. Ongoing unity ride of Angkas and organized riders.
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.