Photo from Doc Ben Molino FB

Mapanirang Minahan Wakasan
ni Doc Ben Molino

Mapanirang minahan agad ng wakasan,
Alisin na ang pulang putik sa baybay,
Patagin na ang mga stockpile,
Ayusin na ang lupang nawindang, at
Nilapastangan na mga pangisdaan.
Ipaglaban ang kinabukasan na sinira ng
Rekadong pula na lason sa lupa,
At asido sa tubig na pumapatay sa isda,
Nang kabuhayan muling sumagana,
Ganun din ang kapaligirang nasira.

Minamaliit ninyo ang mamamayan,
Inaalipusta ninyo ang kanilang dangal,
Narinig na ba ninyo ang kanilang dasal?
“Alis na kayo kahit perwisyo ay di na bayaran,
Hindi kayo ang aming kailangan,
At lalong hindi ang inyong panlilinlang,
Nagising na kami sa katotohanan.”

“Wakasan na perwisyong minahan,” ang kanilang sigaw,
“Ayusin na ang nawasak naming pamayanan,
Kaunlaran ang nais namin, hindi kamatayan,
Aning palay, gulay at isda ang aming buhay,
Samo namin sa pamahalaan inyong pakinggan,
Aksyunan na ang pagpalayas sa mga minahan,
Nang manumbalik na ang luntian naming bayan.”.

Follow Doc Ben @
Facebook: https://web.facebook.com/benito.e.molino

Follow the campaign @
Facebook: https://web.facebook.com/kampongbayan/

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading