Pamana sa Kabayanihan ni Pepe
Jose Rizal
By Vonn Adlawan
December 30- nang hinatulan si Rizal
armas ng dayuhang baril and kumitil
Pagal n’yang katawan ay binurol
sugatang dibdib ni Sisa’y nakaratay
ang makabayang adhika’y hinukay
Sa mga sugat sa alaala ni Ibarra
sa amang pinagkaitan ng hustisya
Tanging liham ang siyang pamana
maitala ang kataga ng kalayaang sinta
aklat na pamana sa mga anak na naulila
Narinig mo ang hiyaw ng inang naulila
mula sa gubat- paglalakabay sa kawalan
sa anak na di na n’ya naalala, ni matatandaan
nitong inalayan mo ng dugo’y, iba ang bigkas ng dila
kinalimutan ang sinapupunang s’yang nag-aruga
Ang baril na siyang bumiyak sa iyong dibdib
s’yang base militar-gumahasa kay Nicole sa Subic
s’yang baril na dumaong sa karagatan ng Subic
s’yang lasong pumatay sa bukid ng Zambales
s’yang kamay na kumitil sa buhay ni Jennifer
Ang dugong tumagas mula sa sugat ng dibdib
ang siyang pinturang huhubog sa malayang lipunan
ang siyang pipinta sa isang makatarungang lipunan
Ito ang iyong pamana- butil na ipinunla’y may ibubunga
kinitil ka ng baril sa Luneta- nanatiling buhay ang alala!
(pagsaludo sa kabayanihan ni Jose P. Rizal, para sa Kasarinlan)
December 30, 2014
Follow Vonn Adlawan @
Blog: https://vonadlawan.wordpress.com/
Facebook: @eastheticsofmargin
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc




![[Event] 2026 Budget Bad Ba? 2026 National Budget Media Forum | FDC](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/615462878_1289895533177151_7451513989798929576_n.jpg?w=1024)
![[Statement] Peasant organizer’s acquittal should push courts to junk trumped-up charges | CTUHR](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/615436089_1293823592781532_6650883388020299712_n.jpg?w=1024)
![[Press Release] EcoWaste Coalition Discovers Toxic Cadmium in Plastic Fiesta Banderitas](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/cadmium-in-periodic-table.jpg?w=1024)
![[Press Release] Envi group says PBBM order to inspect Manila Bay dredgers ‘long overdue’ | ATM](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/611266739_857788566880357_613411987971048784_n.jpg?w=1024)
Leave a comment