Ayaw Ko Na, Tama Na.
Ni Benito Molino
Ayaw ko ng makita ang mga nagdurusang anak ng bayan na habang sumisigaw ng hustisiya ay pinapaslang.
Tama na.
Ayaw ko ng makita ang mga pangungutya ng mga nagmamalinis sa mga pinapaslang meron man o walang sala.
Tama na.
Ayaw ko ng marinig ang mga palakpak at hiyaw ng mga taong natutuwa tuwing dinidilig ng dugo ng mga anak ng bayan ang lupang uhaw.
Tama na.
Ayaw ko ng marinig ang iyak ng mga naulila sa biglaang pagpanaw ng kanilang mga magulang.
Tama na.
Ayaw ko ng maamoy ang simoy ng kamatayan sa mga abang pamayanan tuwing sasapit ang gabi o madaling araw.
Tama na.
Ayaw ko ng maramdaman ang kirot, poot, at takot sa araw araw na pagpapalusot ng mga may kapangyarihan sa mga anomalyang nagpapalubog sa bayang paahon na sa hikahos.
Tama na.
Ayaw ko ng mapurga ng matatamis na pangako na hungkag at mga kasinungalingan na bumubusog sa maraming bulag, bingi, manhid, at walang pang-amoy na mmmyan.
Tama na, Tama na, Tama na,
Tama na ang pagpapahirap sa bayan,
Panahon na ng pagbangon at paglaban.
Benito Molino
Follow Doc Ben @
Facebook: https://web.facebook.com/benito.e.molino
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc






![[People] No more safe spaces for journalists in Gaza | by Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/unnamed.jpg?w=800)
![[Statement] TDC Statement on the bill to repeal CPD LAW](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/tdc-on-cpd-law.png?w=1024)
Leave a comment