Sa mga Human Rights Defenders at mga organisasyon na bumubuo ng human rights community dito sa Pilipinas,
Maiinit na pagbati mula sa Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA)!
Nahaharap na naman ang Human Rights community sa mga dati at mga bagong hamon ng panahon. Ilan sa mga ito ay ang pagtityak na hindi na muling bumalik ang Pilipinas sa panahon ng repression mg ating mga karapatan tulad ng nangyari sa panahon ng Martial Law, proteksyon ng mga Human Rights Defenders (HRDs), and seryosong pagkasira ng gating kalikasan at climate change at pagtitiyak ng buhay na may dignidad.
At upang sama-sama nating palakasin at pag-ibayuhin ang ating pakikibaka, kayo at ang inyong organisasyon ay malugod na inaanyayahan sa isang sining kultura pinamagatang “Tugon sa Tawag ng Panahon: #HumanRights to the MAX! Ang pagtatanghal ng mga awit, tula, balagtasan, sayaw, audio-visual presentations at iba pa ay sasaliwan ng mga paninindigan at pagpapatibay ng commitment sa Karapatang Pantao ng mga organisasyon at sektor. Ang event ay idadaos sa ika-3 ng Hunyo,2016 mula ika-6 ng gabi sa Commission on Human Rights ground.
Ang ating gawain ay isa rin pong fund raising activity para kay Mr. Teodoro “”Max” de Mesa, Chairperson ng PAHRA, isa sa pangunahin at masugid na HRD ng Pilipinas upang makatulong sa kanyang kasalukuyang medical condition na heart problem at abdominal aneurysm na nangailangan ng angioplasty at operasyon.
Nakikisusap po kami sa inyong pagbili at pagtulong sa pagbebenta ng ating mga tickets na nagkakahalaga ng P500.00 bawat isa para sa Pangkulturang pagtatanghal. Ang dagdag na donasyon ay maaari ring pong ideposito sa sumusunod na bank account:
Account Name: Philippine Alliance of Human Rights Advocates
Account Number : 3648008362 (Current Account)
Bank Branch: BDO Unibank, Matalino Street, Diliman, Quezon City
Nais din naming hilingin ang paghahanda ng bawat kalahok at imbitadong organisasyon na maghanda ng pledge of commitment na maaring ipahayag sa pagdadaos natin ng programa sa Hunyo 3.
Para sa detalye ng sining kultura at fund raising, maaari pong tawagan si Rose (PAHRA) 0917-308-2409, Jackie (PAHRA) 0927-860-9917 , Budit (CHR) 0917-649-4065 at Egay (HRonlinePH.com) 09288443717.
Ang pangkulturang pagtatanghal ay sa pakikipagtulungan ng HRonlinePH.com, PAHRA, Balay Rehabilitation Center, Medical Action Group at mga nagmamalasakit na indibidwal para sa HR at Max.
Kapit-bisig po nating sikapin na maabot and target na makabenta ng 300 tickets.
Maraming salamat po.
Rosemarie R Trajano
Secretary General




![[People] No more safe spaces for journalists in Gaza | by Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/unnamed.jpg?w=800)
![[Statement] TDC Statement on the bill to repeal CPD LAW](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/tdc-on-cpd-law.png?w=1024)
![[From the web] CONSUMER SAFETY ALERT: Food-Like Plastic Toys May Pose Serious Health Risks to Children | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/2.png?w=1024)
![[From the web] EcoWaste Coalition Calls for Stronger Measures to Stop Lead Paint Imports](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/laboratory-tests-confirm-the-presence-of-lead-a-toxic-chemical-banned-in-paints-and-similar-surface-coatings-at-levels-exceeding-the-legal-limit-of-90-ppm.jpg?w=1024)
Leave a comment