HRonlinePH new logo 2Ang tulang ito ay nagsilbing pahayag ng Human Rights Online Philippines (HRonlinePH.com) para sa pag-alala sa araw ng Karapatang Pantao (HR Day 2015). Isinulat ni Darwin Mendiola at binasa ni Dr. Renato “Boyet” Mabunga nuong ika-4 ng Disyembre 2015, sa pagtatanghal ng 5th Human Rights Pinduteros’ Choice Awards.

Dr. Boyet Mabunga. Photo by Rapha-El 'Olegs" Olegario
Dr. Boyet Mabunga. Photo by Rapha-El ‘Olegs” Olegario

Ang karapatan natin online
ay karapatan din natin offline…
Kung nasisiil ang karapatang ito offline,
May mga bantang paniniil din online…
Kung nalabag ang karapatan natin sa mapayapang pagtitipon…
Di malayong apakan ang karapatan natin sa pagbibigay impormasyon..
Kung ano ang ating ipinakitang tapang sa gitna ng lansangan
Yan din ang kailangan para ang karapatan natin sa internet ay maipaglaban.
Kailangan ba natin ng batas para tayo maproteksyunan…
O isang deklarasyon ba ay sapat para tayo ay kilalanin at pakingan…
Cybercrime ba ang malayang pagpapayag?
O isang itong represyon ng gobeyernong huwad.
Malang may dossier ka na sa ISAFP o NBI
Facebook mo pa lang, alam na ang iyong buong buhay…
o mag-ingat ka sa identity theft,
baka bukas may email ka na you need some help.
May dapat gawin, may dapat na seryosohin
Huwag na nating hintayin ang mangyari sa atin
Ang pagbabalik ng batas militar, di dapat isnabin
Dahil posible yan sa halalang dararating…
Si HRONLINEPH.com ay inyo lang plataporma…
Para maparating sa netizens ang ating mga adbokasiya..
Di dapat natin isawalang bahala
Na ang pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos ang siya nating mabisang sandata.
Upang mapanatili ang demokrasya…
At maitaguyod ang karapatan ng bawat isa…

 

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading