Paglulunsad ng aklat na SA BAWAT HAKBANG: Ang Climate Walk bilang Epiko ng Pag-asa’t Hustisya
Inilunsad noong ika-19 ng Disyembre, 2014 ang aklat na Sa Bawat Hakbang: Ang Climate Walk bilang Epiko ng Pag-asa’t Hustisya, na ang may-akda ay ang inyong lingkod, sa ika-298 sesyon ng buwanang Kamayan para sa Kalikasan forum sa Kamayan restaurant sa EDSA, malapit sa SEC Ortigas. Ang nasabing aklat ay produkto ng Climate Walk, isang mahabang 41 araw na lakbayan mula Luneta hanggang Tacloban, hanggang sa pag-uwi sa Maynila, mula Oktubre 2, na kaarawan ko, hanggang Nobyembre 8, 2014, unang anibersaryo ng napakatinding unos-delubyo-daluyong na Yolanda, hanggang sa pag-uwi sa Maynila noong Nobyembre 11, 2014.
Ang paksa ng nasabing forum ay hinggil sa mga katutubong puno o native trees. Ngunit binigyan tayo ng pagkakataong ilunsad ang aklat bago ang ikalawang yugto ng palatuntunan. Maraming salamat sa Green Convergence na namamahala ng kasalukuyang Kamayan Forum. Sa pagtatapos ng forum ay nagkaroon ng raffle na ang tinamaan ay maliit pang puno na pantanim, at ang nakuha ng inyong lingkod ay ang punong may pangalang Iloilo. Tamang-tama itong panregalo sa aking ina na mula pa sa lalawigan ng Antique, katabing lalawigan ng Iloilo.
Inilunsad pa uli ang aklat sa dalawang aktibidad pa matapos ang Kamayan Forum. Ito’y sa General Assembly ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) sa hapon ng araw ding iyon, at sa get-together ng mga Climate Walkers sa Makati sa gabi. – Ulat ni Greg Bituin Jr.
Ang mga litrato ay kuha nina Ron Faurillo, Dojoe Flores, Jenny Tuazon, at Greg Bituin Jr.
Read full article @diwanglunti.blogspot.com
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.




![[Press Release] Women and Child Rights Advocate Sally Ujano Acquitted of Rebellion; Freed After Court Appeals Ruling | Free Sally Ujano Group](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/03/fb_img_1774597247993.jpg?w=1024)
![[Video] Anong Talak ng Woke na Taumbayan?](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/03/fb_img_1774329031398.jpg?w=1024)
![[Statement] TDC Statement on the three grading period](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/03/fb_img_1774326816689.jpg?w=1024)
![[Statement] Reveal true solutions to the country’s water problem: More than conservation, water privatization must end | PMCJ](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/03/1004.jpg?w=1024)
Leave a comment