Nadelubyong pondo para sa mga nadelubyo
Ni Rodne Galicha

NAPAKARAMING tanong at napakarami na rin ang naghahanap ng kasagutan kung papaano nga matugunan ang mga pangangailangan ng mga nasalanta sa hagupit ng Bagyong Yolanda, pati na rin sa paghahanda sa maaari pang dumating na mas nakakatakot na mga unos.

Rod Galicha2

Kung kaya, ang ginawa inyong abang lingkod ay ang magsaliksik at magtanong sa mga lubos na nakakaalam tungkol sa usaping ito. Marami-rami rin akong nilapitan pati na ang aking mga kasama sa mga kilusang tumataguyod upang tugunan ating nararanasang krisis sa klima.

Ngunit may mas malaking tanong: nasaan na nga ba ang pondong tinatawag na People’s Survival Fund (PSF) na dapat maipamudmod sa mga institusyon lalong lalo na sa mga pamahalaang lokal sa ilalim ng Batas Republika Bilang 10174? Binibigyang diin ng nasabing batas ang pangmatagalang paglaan ng pondo para sa mga programa ng mga pamayanan upang mapaghandaan at harapin ang mga epekto ng pagbabago-bago ng klima o climate change.

Ating napag-alaman na mayroon nang 15 pamahalaang lokal sa mga rehiyon ng CARAGA, Gitnang Mindanao at ARMM ang nakagawa na ng kani-kanilang mga adaptation plans na may kaukulang panukulang budget. Ang malaking problema, natapos na nga ang kinakailangang plano, wala naman palang pondo mailaan. Mataas ang pag-asa ngunit napurnada.

Nasaan na nga ba?

Read full article @rodgalicha.com

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading