IKAW at ang pagmimina sa Pilipinas
By Kuya Edel

Pagkagising mo sa umaga, maaring ang una mong gagawin ay basahin ang mga text messages mo. Titingin ka rin sa relo para malaman kung nasa tamang oras ang paggising mo. Kung may panahon pa, manunuod ka ng TV. Ang cellphone mo, ang relo, ang TV at marami pang bagay sa paligid mo ay produkto ng isang industriya na marahil ay hindi mo pinapansin — ang pagmimina. At sapagkat nakikinabang ka o sadyang mahirap ng isipin ang buhay na walang pagmimina, bukod sa hindi pagpansin dito, ang una mong reaksyon sa usaping ito ay ayos lang yan.

edel

Pero paano kung sasabihin ko sayo, na maraming minahan sa Pilipinas at sa iba pang bansa ang siyang itinuturong dahilan ng pagkawala ng tahanan ng mga katutubong komunidad. Ano ang mararamdaman mo? Wala ka pa rin bang pakialam?

Idagdag na rin natin na maraming minahan sa bansa, bago pa man magsimula ay dahilan na ng kaguluhan sa isang lugar o pagkakawatak-watak ng isang komunidad. Kung ang isang proyekto ay nakakasira na sa mga pamilya, sila ay nagpapatayan na, gugustuhin mo pa bang matuloy ito? Lagi kong maaalala ang malagim na masaker ng isang pamilya sa Tampakan dahil sa usaping ito.

Read full article @kuyaedel.wordpress.com

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and
original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and
byline of the articles, news information, photos etc.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading