
Colegio de San Juan de Letran – Calamba. an entry to 2011 Tinamaan Ka ng Lente (TFDP’s Photo contest)
Isang dalagitang may dalang batang babae na sa tantiya ko ay nasa dalawang taong gulang ang pumanhik sa dyip na aking sinasakyan. Hindi na nga bago ang eksenang ganito. Ngunit may kakaiba sa dalawang ito na umagaw ng aking pansin.
Makailang beses na akong nakasakay ng dyip na pinapanhik ng ilang mga kabataang namamalimos. Pero kakaiba ang dalawang ito.
Binabagtas ng biyaheng Cubao ang Hi-way ng Commonwealth. Pagtapat sa Commonwealth market ay mabilis ang naging kilos ng dalagita na agad sumakay sa nakahintong dyip na aking kinalalagyan habang nag-aabang ng iba pang pasahero.
Sa pananamit at itsura ng dalagita ay hindi siya mukhang pulubi. ‘Di ko sana siya mapapansin ngunit pabalibag niyang inilapag ang bit-bit na batang babae. YYun bang akala mo ay gamit na mabigat.
Naisip ko na marahil ay nawalan ng balanse ang dalagita kaya nabitawan niya ang bata. Agad na napakapit naman ang maliit na bata sa hita ng lalaking nasa may kaliwa ko.
Nagtawanan pa sila ng babae niyang kasama na siguro ay asawa ng lalaki. Dahil nakakatuwang panatag na panatag ang bata sa pagkakasiksik sa pagitan ng kaniyang dalawang hita. Ika nga hindi nangingilala ang bata. Sanay na na makakita ng ibang mga tao.
Read full article @mokongperspektib.wordpress.com



![[Press Release] Envi group says PBBM order to inspect Manila Bay dredgers ‘long overdue’ | ATM](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/611266739_857788566880357_613411987971048784_n.jpg?w=1024)
![[Statement] Ninja Van riders’ reinstatement, a boost to platform workers’ rights | CTUHR](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/613613978_1305637741609830_7278802790473352916_n.jpg?w=1024)
![[Press Release] Teachers welcome bigger education budget but decry lack of pay increase | TDC](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2015/06/photo-by-arnel-tuazon.jpg?w=960)
![[Press Release] “Reduce Waste at Home, Make Zero Waste A Daily Habit” | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/zw1.png?w=1024)
Leave a comment