“IN-CITY RELOCATION, HINDI DEMOLISYON! TUNAY NA SERBISYO MULA SA GUBYERNO, HINDI HARASSMENT AT KAWALAN NG PAGKILALA SA AMING KARAPATAN!”

pinagsamaIto ang hiling ng mga maralitang mamamayan ng Las Pinas na nagrali sa harap ng Las Pinas City Hall, alas-9 ng umaga (ng April 15). Ang may tatlong-daang (300) miembro ng PINAGSAMA ay nagsimulang magmartsa mula sa kanilang mga tirahan bandang alas-7 ng umaga upang tumungo sa City Hall para magrehistro ng kanilang pagtutol sa ‘off-city’ relocation plan para sa kanila ng pamahalaang lokal.

“Kabi-kabila na ulit ang pamamahagi ng mga pabatid mula sa Urban Poor Affairs Office (UPAO) na nag-uutos sa aming mga informal settlers na mag-self demolish.” “Hinaharass ang mga komunidad ng maralita para tanggapin ang relokasyon sa malayong lugar kung hindi ay harapin namin ang sapilitang demolisyon sa aming mga tirahan”, ayon sa mga nakatira sa danger zone areas at mga lugar na dadaanan ng proyektong C-5 extension sa may Brgy. Pulang Lupa.

Ayon naman sa pangulo ng PINAGSAMA na si Romy Penafuerte, “Bakit kami pinipilit na itapon sa malayo at minamadaling i-demolish? Sana kilalanin ang aming karapatan na kami ang pumili kung saan namin gustong tumira. Hindi kami tutol sa pag-relocate sa aming mga nasa dangerzone. Handa kaming makipagtulungan sa gubyerno para malinis ang mga tubigan. Pero dapat igalang ang aming mga karapatan at hindi yung basta nalang alisin kami. Nandito sa loob ng syudad ang aming kabuhayan. Dito nag-aaral ang mga anak namin. Lalo kaming maghihirap kapag itinapon sa malayo. Sana dinggin ng mga tunay na naglilingkod sa bayan ang aming mga kahilingan.”

Ayon pa sa PINAGSAMA, alam nila na may programa ang gubyerno para sa ‘in-city relocation’ ng mga informal settlers sa NCR laluna ang mga naninirahan sa dangerzone. Wika nila, “Buhay pa si Sec. Robredo ay nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan na kami sa DILG para maging benipisaryo ng P50B shelter fund.”

Ang PINAGSAMA ay may nakahaing “People’s Proposal” na tinanggap na ng DILG at ngayon ay isinasaproseso para ang ilang informal settler families sa Las Pinas dangerzone areas ay mapabilang sa programang ‘In-City Relocation’. Sa kabila nito, tuluy-tuloy ang pag-uutos ng lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng UPAO sa demolisyon.

Hiling ng PINAGSAMA na magkaruon ng ‘moratorium sa demolisyon’ habang isinasaproseso ang People’s Proposal at habang hindi nagkakaruon ng tiyak na napagkasunduang mapaglilipatan sa loob ng o malapit sa syudad para sa mga mamamayang maralita ng Las Pinas.

 

**Ang PINAGSAMA ay pansyudad na pederasyon ng mga lokal na samahan ng mga maralitang lungsod sa Las Piñas na nagkaisa upang sama-samang itaguyod ang karapatan ng mga maralita laluna sa usapin sa paninirahan, trabaho at serbisyong panlipunan.Ang PINAGSAMA ay kasaping organisasyon ng League of Urban Poor for Action (LUPA), isang pambansang pederasyon ng mga maralitang lungsod.

PRESS STATEMENT
April 15, 2013
Contact Person: ROMY PEÑAFUERTE
PINAGSAMA Chairperson
(0909-4592816)

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading