Takot ang mga Marzan gawin sa kanila ang ginawa nila sa kanilang katulong

Takot na takot daw si Anna Liza Marzan, ang amo na nagplantsa ng mukha ng katulong nang dumating siya sa Quezon City jail dahil may sumigaw sa mga nakakulong doon, ““Handa na ang plantsa namin!”

Napanood kasi ng mga inmates sa Q.C jail ang balita nang pagmaltrato ni Marzan sa kanyang katulong na si Bonita Baran.

Sabi ng mga guwardiya sa QC jail na huwag daw matakot si Marzan dahil hindi raw nila pinapayagan ang plantsa sa kulungan.

Sayang.

Ano kaya ang dapat na parusa sa mag-asawang Reynold at Annaliza Marzan sa ginawa nila kay Baran? Nabulag si Baran sa sobrang pananakit ni Anna Liza.

Sa testimonya ni Baran sa Senado na isinasagawa ng Committee on Labor and Employment na ang chairman ay si Sen. Jinggoy Estrada, isinalaysay ni Baran ang mala-impyerno niyang kalagayan sa kamay ng mag-asawang Marzan.

“Anim na beses po akong pinalantsa ni Annaliza sa iba’t ibang panahon sa loob ng apat na taon kung pagtatrabaho sa kanila.Tinatakpan po niya ang bibig ko, kaya hindi ako makasigaw upang makahingi ng tulong sa aming kapitbahay,””

Read full article @ www.ellentordesillas.com

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading