NoyMar Community sa Pasig nahaharap sa demolisyon
Santolan-Tawiran, Pasig City: Ang mga residente ng Riverside, Bgy. Santolan ay muli nanamang naghahanda sa isang pigil-demolisyon laban sa banta ng lokal na gobyernong Pasig na ipapatupad sa ika-13 ngSetyembre 2012.
May higit sa 600 pamilya ang nakatakdang pwersahang i-demolish dahil sa ang kanilang mga tirahan ay nasa loob ng 30 meters sa kahabaan ng tabing ilog. Kabilang dito ang ilang mga pamilya na lehitimong awardee ng proyektong pabahay ng syudad ng Pasig. Ang mga naturang “lot awardees” ay binigyan ng 15 araw na palugit ng Pasig Action Line sa pamamagitan ng abiso ng pinirmahan ni Norman Luis de Leon, upang kusang maggiba ng sariling bahay.Taliwas sa tamang proseso, walang clearance mula sa local housing board o di kaya’y court order ang pagpapatupad ng lokal na pamahalaan ng demolisyon. Kaugnay dito, nag-isyu ang PCUP (Presidential Commission for the Urban Poor) ng isang sulat na humihiling sa lokal na gobyernong Pasig na pag-usapan ang isyu na nabanggit sa abiso katulad ng mandamus, water code of the philippines at danger zone.
Ayonsamgaresidentengtabing-ilog, maliwanag na angkabahayan na sakop ng 30 meters ang puntirya ng lokal na gobyerno, at ito ay hindi nakatutok lamang sa pabahay ng lokal na gobyerno sa purok Doroteo. Dagdagngmgaresidente, “Handakamingipaglabanang aming mga tahanan.
Marami nang naumpisahang proyekto ang dating Secretary Jesse Robredo, nung siya ay pumanaw ay bigla nanamang nag-init ang mata ng LGU sa amin. Kami ay ang puwersa ng NoyMar nuong nakaraang eleksyon. May kinalaman kaya ito sa paulit-ulit na tangkang pag-giba sa amin?”
c/o Santolan Riverside Neighborhood Federation, Inc. (SRNFI)
24 Masikap St., Tawiran Ext., Santolan, Pasig City
Contact: 0918-466-4591 (Secretariat)
SRNFI2012@gmail.com
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.


![[People] No more safe spaces for journalists in Gaza | by Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/unnamed.jpg?w=800)
![[Statement] TDC Statement on the bill to repeal CPD LAW](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/tdc-on-cpd-law.png?w=1024)
![[From the web] CONSUMER SAFETY ALERT: Food-Like Plastic Toys May Pose Serious Health Risks to Children | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/2.png?w=1024)
![[From the web] EcoWaste Coalition Calls for Stronger Measures to Stop Lead Paint Imports](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/laboratory-tests-confirm-the-presence-of-lead-a-toxic-chemical-banned-in-paints-and-similar-surface-coatings-at-levels-exceeding-the-legal-limit-of-90-ppm.jpg?w=1024)
Leave a comment