Sulat Pahayag ng Teduray Lambangian Women’s Organization Inc. sa pagunita ng “World Indigenous Peoples Day” – August 9, 2012

Habang ginugunita sa buong mundo ang pandaigdigang araw ng mga katutubo o World Indigenous Peoples Day ngayong August 9, 2012 kami mula sa hanay ng mga kababaihang katutubong Teduray at Lambangian ay nakikiisa din sa pagunita at katunayan kasama sana ang aming hanay para sa pagsasagawa ng ritwal o kanduli sa Hill 224 o urok bahay bahay sa katutubong wika isa sa tinaguriang makasaysayang pook ang hill 224 na bahagi ng “Mount Feris” upang doon sana namin gaganapin ang malakultural na pagdiriwang na tinawag naming “Menemantad” o cultural march subalit hindi na ito mangyayari pa dahil sa kasalukuyang karahasang nagaganap sa nasabing komunidad ng mga katutubong Teduray.

Subalit ganon pa man ito ay gagawin na lamang sa “Urok Tantawan” o PC Hill na kung saan magsasagawa ng ritwal ang mga “Bliyan” bago sisikat ang haring araw kaalinsabay ng pagpatugtog ng mga agong o katutubong instrumento ng mga kababaihang katutubong Teduray at Lambangian. Mahigit isang daan ang lalahok sa nasabing sagradong ritwal na inorganisa ng IPDEV, Timuay Justice & Governance, Office of the Deputy Governor for IP, OSCC-ARMM, Office of the Mandatory Representative for IP ng Province of Maguindanao at Office of the Sectoral representative for IP ng RLA-ARMM. Ang ritwal ay nakasentro sa pag-alay ng panalangin sa mga “Segoyongi Kêtinanêki Kêbati e o diwata at mga dyosa na nangangalaga at nag poprotekta sa katahimikan ng lugar” at ihingi sa kanila na gabayan ang mga katutubo na nalalagay ngayon sa alangain ang kanilang kaligtasan at paghupa na sana ng tension na nagaganap ngayon sa mga bulubunduking bahagi ng Sitio Sanyag, Hill 224, sitio Ahan at iba pang tradisyunal na tinitirahan ng mga katutubong Teduray .

Nanawagan kami sa mga kinauukulan na una paano agarang ipahupa ang tension sa Uruk Feris, Ahan, Sanyag at Hill 224 nananawagan din kami sa OPAPP na ideklara ang komunidad ng mga katutubo na peace zone, Nanawagan kami sa mga ahensyang tutulong lalo na sa pagkain at tubig dahil hindi makakuha ng tubig inumin ang mga tribo sa mga ilog at sapa. Habang pinangangambahan din namin ang kaligtasan ng mga sanggol, bata, matanda at kababaihang tribo ng walang katiyakan ang kanilang kaligtasan.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading