Pahayag ng Save Sierra Madre Network Alliance
Sa Pagpaslang kina William Geertman at Romualdo Palispis

“Mga Martir ng Kalikasan at Katarungan”

Iniwan ni William Geertman ang kanyang bansang Netherlands apatnapu’t anim (46) na taon ang nakararaan upang maging lakyong misyonaryo (lay missionary) dito sa Pilipinas. Naglingkod siya sa Aurora para sa Kalikasan, mga katutubo, magsasaka at mangingisda. Hindi niya inatrasan ang maigting na pagtutol sa iligal na batas ng Proyektong APECO ng mga Angara, na umaagaw sa labindalawang libong (12,000) hektarya ng lupa ng mga katutubo sa Casiguran, Aurora. Ika-3 ng Hulyo, 2012, si William ay pinatay.

Naunang pinatay din si Romualdo “Waldo” Palispis noong Hunyo 30, 2012. Ilang araw bago nito – ika-20 ng Hunyo, 2012 si Waldo ay isa sa mga nanguna sa pagtanggap ng KRUS ng Sierra Madre sa bayan ng Maria Aurora, Auroa. Iginiit ng mga taga-Maria Aurora na masisira ang kalikasan sa paghati ng Maria Aurora para mabuo lamang ang bagong bayan na Dr. Juan Angara. Sa pagkasira ng mga bundok sa Sierra Madre, matutuyo naman ang mga palayan ng mga magsasaka.
Kinikilalala namin ang kadakilaan nina William at Waldo. Ang kanilang pagkamatay ay inspirasyon namin tungo sa pagpapatuloy na pasagip sa Sierra Madre at sa paghahari ng katarungan para sa mga maliliit.

Kami ay nananawagan sa Presidente NoyNoy Aquino na linisin ang DENR para maging totoong kaagapay namin sa pagtatanggol ng Kalikasan na siyang sasalo sa kahirapan ng nakararaming Pilipino. Napakahalaga ng Kalikasan lalo na para sa susunod na henerasyon.
Sinupin ang pag-iimbistiga sa pagpatay na walang pinapanigan. Huwag sanang maging katulad ito ng pag-imbistiga ng pagbaril kay Fr Joefran Talaban. Salamat naman at siya ay nakaligtas. Mariing pinanindigan niya ang laban ng mga tao sa APECO. Junio 26, 2010 siya binaril ngunit hanggang ngayon ay wala pang resulta ang nasabing imbistigasyon.

Huwag sanang patagalin ang pag-imbistiga at may agam-agam na ang mga naninindigan para sa Kalikasan at katarungan na inisaisa na sila dito sa Aurora tulad ng Ampatuan.
Save Sierra Madre Network Alliance, Inc

Ika-5 ng Hulyo, 2012

SAVE SIERRA MADRE NETWORK ALLIANCE OFM Provincial House 69 San Pedro Bautista Street, SFDM, Q.C.
Tel: 373-2973 Fax: 3732972 Email: savesierram@yahoo.com Facebook: Save Sierra Madre / Twitter: follow us @savesierramadre

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading