ITULAK ANG PAGPAPATIBAY AT PAGPAPATUPAD NG ILO CONVENTION 189:
Matapos ang ilang taong paghihitay pormal ng nilagdaan ng kasalukuyang administrasyon ang ILO Convention 189 na kilala din bilang Magna Carta for Domestic Workers na ilang dekada ding inilaban sa pandaigdigang larangan. Ang paglagda ni Pangulong Aquino sa ILO Convention 189 ay bunga ng makasaysayang pagkilos ng organisasyon ng mga manggagawang migrante. Kung hindi naging mapagbantay ang mga organisasyong ito, maaaring naging matagal na naman ang prosesong ito. Sa kasalukuyan ang Uruguay pa lamang ang nagpatibay ng nasabing kumbensiyon, kung ito ay mapapagtibay ng Kongreso ang Pilipinas ang papangalawa sa Uruguay.
Ang nasabing kumbensiyon ay nagbibigay ng kalayaan at karapatan sa mga kasambahay na mag organisa at magtamasa ng mga karapatan gaya ng isang regular na manggagawa. Binibigyan ng kumbensiyon ang mga kasambahay ng karadagang benepisyo gaya ng pagliban kung nagkakasakit ( sick leave) at iba pang benepisyo na tinatakda ng ating batas pagagawa o Labor Code. Isa rin sa probisyon ng 189 ang pagkakaroon ng batayan na sahod para sa mga kasambahay.
Ang ILO convention 189 ay magbibigay ng kasiguruhan sa paggawa ang ating mga kasambahay. Binibigyan ng kumbensiyon na magkaroon ng batayan na kontrata ang mga kasambahay at maprotektahan sila laban sa hindi makataong trato .
Subalit dapat pa rin tayong maging mapagbantay at masigasig upang tiyak na maipapatupad ang nasabing kumbensiyon. Maliban sa nasabing kumbensiyon ang bansang Pilipinas ay lumagda sa maraming kumbensiyon gaya ng International Convention on the Protection of Migrant Workers and their families , subalit ang nasabing kumbensiyon ay hindi pa rin pinagtitibay ng mga bansang pinagpapadalahan ( receiving countries) ng ating lakas paggawa kaya sa suma tutal ay hindi pa rin protektado ang ating mga manggawa sa ibayong dagat.
Dapat na kilalin ang nasabing kumbensiyon at maging salalayan ng batayang karapatan ng mga kasambahay lalo na sa panahong nanalasa ang globalisasyon at ang turing sa mga manggagawa ay kalakal.
Umaasa tayo na ang hakbang ng pamahalaan ay sinsero at walang bahid ng pagkukunwari . Bukod sa pagpaptibay ng nasabing kumbensiyon dapat na pagtuunan ng kasalukuyang pamahalaan ang pagpapunlad ng lokal na ekonomiya nang sa gayon ang migrasyon ay isa lamang opsiyon at hindi ang tanging opsiyon. Nagsisimula pa lamang ang laban !
Hinahamon natin ang Senado kasama na ang Pangulong Aquino na patunayan na sinsero ang kasalukuyang pamahalaan na protektahan ang mga manggagawa.
Sa isang bansa na gaya ng Pilipinas na mas itinutulak ang kanyang mamayan na mangibang bayan kaysa sa pag-papaunlad ng economiya ay dapat na maging matapat sa pagtupad ng kanyang tungkulin na protektahan at itaas ang dignidad sa paggawa.Wala tayong ilusyon na kusang loob na ibibigay ang mga karapatang ito ng madalian Nangangailangan pa rin ng puspusang pag oorganisa sa hanay ng mga kasambahay upang tiyakin na ang mga karapatang na nakamit ay hindi lamang panandalian . Bagkus ito ay magbubukas ng mga bagong arena at tungalian upang lalong patibayin ang makauring pagkakaisa ng mga manggagawa sa loob at labas ng bansa.
Kanlungan Centre Foundation Inc.
All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.



![[People] No more safe spaces for journalists in Gaza | by Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/unnamed.jpg?w=800)
![[Statement] TDC Statement on the bill to repeal CPD LAW](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/tdc-on-cpd-law.png?w=1024)
![[From the web] CONSUMER SAFETY ALERT: Food-Like Plastic Toys May Pose Serious Health Risks to Children | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/2.png?w=1024)
![[From the web] EcoWaste Coalition Calls for Stronger Measures to Stop Lead Paint Imports](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/laboratory-tests-confirm-the-presence-of-lead-a-toxic-chemical-banned-in-paints-and-similar-surface-coatings-at-levels-exceeding-the-legal-limit-of-90-ppm.jpg?w=1024)
Leave a comment