Sumpa ng pribatisasyon! Mataas na presyo ng kuryente!

workersstandpoint.wordpress.com

NOONG Marso 29, inanunsyo ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagtataas ng presyo ng kuryente sa buong bansa simula Mayo. Ang dahilan: tumaas daw ang generation charge ng National Power Corporation (Napocor). Itataas nang P0.6904/kwh sa Luzon, P0.6060/kwh sa Visayas at P0.0442/kwh sa Mindanao.

Ibig sabihin, dagdag na P138.08 kada buwang bayarin ng isang pamil-yang kumokonsumo ng 200 kwh/buwan sa taga-Luzon, P121.2 kada buwan sa taga-Vizayas at P8.84 sa taga-Mindanao. Gayong nagbibingi-bingihan ang Malakanyang sa kahilingang dagdag na sahod ng mga manggagawa.

Kuryente sa Maynila, pinakamahal sa buong Asya

Sa isang pag-aaral ng Japan External Trade Organization (JETRO), ikinumpara nito ang mga gastusin sa pagnenegosyo (cost of doing business) sa may 31 bansa sa rehiyong Asia-Ocenia. Kasama sa ginawang survey ang gastos sa kuryente.

Ayon sa JETRO, ang pinakamahal na residential rate ay nasa Metro Manila -$0.23/kwh. Ang susunod ay ang Tokyo, Japan – $0.20/kwh; Singapore – $0.20/kwh; Sydney, Australia at Cebu City – $0.19/kwh; Colombo, Sri Lanka – $0.18/kwh; Mumbai, India – $0.16/kwh; Phom Penh, Cambodia – $0.15/kwh; Hongkong, China – $0.14/kwh; Auckland, New Zealand at Taipei, Taiwan – $0.12/kwh); Kuala Lumpur, Malaysia, at Karachi, Pakistan – $0.11/kwh); Szenzhen China at Chennai, India – $0.10/kwh); Jakarta, Indonesia, Shanghai at Guangzhou sa China at New Delhi, India – $0.09/kwh.

Ayon pa rin sa JETRO, ang presyo ng kuryente sa mga negosyo sa Metro Manila na nagkakahalaga ng $0.12 – $0.13 kada kilowatthour ay parehas lang ng singil sa Tsina (Beijing at Shanghai) at sa Thailand bagamat ang gastusin na ito ay naipapasa nila sa kanilang mga kostumer.

Mas mahal ang presyo ng kuryente sa residential kaysa komersyal/industriyal na mas malakas kumunsumo! Dapat subsidized ang residensyal ng komersyal/industriyal.

Nakakabingi ang katahimikan ng Malakanyang sa mataas na presyo ng kuryente gayong ito ang isa sa klarong mga dahilan kung bakit ayaw pumasok ng mga imbestor sa Pilipinas!

Read full article @ workersstandpoint.wordpress.com

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading