Ako ang Simula: Bayanihan para sa karagatan ng Atimonan

By Nadine Leoncio, Ako ang Simula
March 22, 2012

Pagsagip sa karagatan ang pangunahing layunin ng Samahan ng Maliliit na Mangingisda ng Baltak. Dahil sa illegal fishing, nasisira ang coral reefs na tirahan ng mga isda. At kapag walang isda, wala ring kita ang mga mangingisda sa Brgy. Balubad, Atimonan, Quezon.

Kabilang sa mga mangingisdang umaasa sa yaman ng dagat sina Eduardo Altes Sr. at Godi Romualdo. Ang tangi nilang pangarap ay ang mapagtapos ang kanilang mga anak sa kolehiyo. Ngunit bihira ang mga anak ng mangingisda na nakatutungtong sa kolehiyo dahil sa kaliitan ng kinikita. Unti-unti na kasing nasisira ang pinagkukunan nila ng kabuhayan.

Sinikap ng mga taga-Atimonan na ibalik ang sigla sa ilalim ng dagat sa pamamagitan ng pagtatanim ng artificial coral reefs. Itinayo ni Kagawad Apolinario Layco ang nasabing samahan para manguna sa pagligtas ng kalikasan. Ayon sa mga mangingisda, hindi lang buhay sa dagat ang kanilang pinoprotektahan kundi pati na rin ang buhay ng kani-kanilang pamilya.

Read full article @ http://www.abs-cbnnews.com/current-affairs-programs/03/22/12/bayanihan-para-sa-karagatan-ng-atimonan

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading