SA PAGTAAS NG PRESYO NG LPG: UMAABOT SA KUSINA, TUMATAGOS SA SIKMURA
workersstandpoint.wordpress.com
March 11, 2012

Sa pagtaas ng presyo ng langis, kadalasang nakikita ang protesta sa kalsada ng mga tsuper at operator ng pampublikong transportasyon. Pero higit sa lahat, ang usaping ito ay umaabot sa kusina at tumatagos sa bituka!

Ang pagtaas ng presyo ng LPG ay higit pa sa presyo ng gasolina’t diesel. Ito ngayon ay nasa halos P900 hanggang P1,000 kada 11 kilong tangke. Kung hindi mapipigilan, hindi malayong tayo ay bumalik sa uling na panggatong!

Mas masakit sa taumbayan ang pagtaas ng presyo ng LPG sapagkat ito ay ating direktang kinokonsumo. Hindigayang diesel at gasolina na naipapasa ng mga tsuper/operator sa kanilang mga pasahero (matapos aprubahan ng LTFRB ang kanilang petisyong magtaas ng pamasahe.

Kahit deregulated ang oil industry, magagawang kontrolin ang presyo ng LPG para tugunan ang kagyat na karaingan ng publiko. Igiit natin sa Department of Trade and Industry (DTI) na ikategorya ang LPG bilang “basic commodity” upang makontrol ng ahensya ang presyo nito. Ituring itong tulad ng mantika, arina, at iba pang kalakal na binabantayan ng DTI ang bawat paggalaw ng presyo.

Gayundin, pairalin ang anti-trust law at iba pang batas sa mga monopolyo’t kartel laban sa LPGMA (Liquefied Petroleum Gas Marketers Association).  Ang LPGMA ay isang kartel na sama-samang nagdidikta para itaas ang presyo ng LPG.

Tanggalin sa Batasan si Cong. Arnel Ty ng LPGMA party-list. Ang LPGMA ay binubuo ng mga kompanyang nagbebenta ng LPG pero hindi sila mga maliliit na negosyante kundi mga kapitalistang may bilyon-bilyong puhunan. Sila ay hindi mula sa marginalized o inaaping sektor. Sila mismo ang isa sa nang-aapi sa taumbayan! #

Read more about WorkersStandpoint @ workersstandpoint.wordpress.com

One response to “[From the web] Sa pagtaas ng presyo ng LPG:umaabot sa kusina,tumatagos sa sikmura -workersstandpoint.wordpress.com”

  1. Tama di dapat palampasin ang ganitong uri ng kapangahasan isang uring salot na hindi napapansin ngunit nag iiwan ng matinding dagok sa mamayan.Dapat ding ipaglaban ng gabriela at ibang grupo ng kababaihan ang ganitong uri ng problema o di kayay lahat ng grupong makamasa. Gising mga ka MASA ipaglaban ang daing ng bayan

    Like

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading