Gobyerno, nangakong magiging patas sa paglatag ng mining policy
GMA News
March 4, 2012
Sa gitna ng mainit na diskusyon ukol sa isyu ng mining, nangako ang Malacañang nitong Sabado sa mga mining firms at environmental advocates na magiging patas ito sa pagbuo ng mga polisiya sa pagmimina sa bansa.
Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, kanilang ilalagay sa konsiderasyon ang mainit na diskusyong naganap sa isang mining forum noong Biyernes.
“Yung ating gobyerno lulugar, nakita natin kahapon [Friday] the passions are running very high. It shows us gaano kakomplikado ang issue ng mining,” kanyang inihayag sa government-run dzRB radio.
Naniniwala ang mga miyembro ng mining industry na ang “responsableng” mining ay isa sa mga sagot sa kahirapan ngunit taliwas naman ang paniniwala ng mga environmentalist sapagkat nasisira lamang umano ng pagmimina ang kalikasan.
Read full article @ www.gmanetwork.com


![[People] No more safe spaces for journalists in Gaza | by Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/unnamed.jpg?w=800)
![[Statement] TDC Statement on the bill to repeal CPD LAW](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/tdc-on-cpd-law.png?w=1024)
![[From the web] CONSUMER SAFETY ALERT: Food-Like Plastic Toys May Pose Serious Health Risks to Children | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/2.png?w=1024)
![[From the web] EcoWaste Coalition Calls for Stronger Measures to Stop Lead Paint Imports](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/laboratory-tests-confirm-the-presence-of-lead-a-toxic-chemical-banned-in-paints-and-similar-surface-coatings-at-levels-exceeding-the-legal-limit-of-90-ppm.jpg?w=1024)
Leave a comment