Pinuri ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) and Department of Education (DepEd) at Department of Budget and Management (DBM) matapos na ihayag ng dalawang ahensiya na madaragdagan ang kanilang taunang clothing allowance. Mula sa halagang P4000 mula noong mga nakalipas na taon, ito ay magiging P5000 na simula sa taong ito.
Ayon kay Emmalyn Policarpio, guro sa Gen. T. De Leon Elementary School sa Valenzuela City at siya ring tagapagsalita ng grupo, bagamat maliit lamang ang idinagdag na halagang P1000 ay malaking tulong na rin ito sa kanilang mga guro.
“Batid natin ang pangangailangan ng mga guro na laging maging kaaya-aya at maayos lalo na sa paningin ng mga mag-aaral, kaya naman napakahalaga sa amin ang maayos na pananamit.” Pahayag ni Policarpio. Ayon pa sa kanya, “Bagamat maliit ang dagdag na ito, ipinagpapasalamat pa rin namang sapagkat nauunawaan ng ating kagawaran ang aming pangangailangan. Sapagkat lalo lamang kaming mahihirapan kung sa aming napakaliit na sahod pa kukunin ang pambili ng aming uniporme at iba pang kasuotan.”
Ayon naman kay Paul Garcia, chief budget officer ng DepEd NCR ay inilaan ng DBM ang dagdag na budget sa clothing allowance at ito ay itinadhanang RA 10155 o General Appropriations Act of 2012 na nilagdaan ng Pangulong Aquino noong Disyembre 15 ng nakalipas na tao. Ang karagdagang allowance ay bilang tugon na rin sa kahilingan ng iba’t ibang grupo ng mga guro at kawani noon pang mga nakalipas ng taon.
Muli namang inihirit ng TDC ang pag-apela sa iba pang mga non-wage benefits kagaya ng tax break, pabahay, kalusugan, rice allowance, scholarship at iba pang mga insentibo para sa mga pampublikong guro.
“Ang paglalaan ng mga insentibo sa aming mga guro ay bilang pagpapahalaga ng pamahalaan sa edukasyon. Sapagkat kung ang ating mga guro ay masaya at sila ay magiging inspirado sa kanilang pagtuturo at natitiyak naming magiging mabuti ang resulta nito sa kalidad ng edukasyon at sa kinabukasan ng ating bayan.” Pagtatapos ni Policarpio.
Ang mga kahilingang ito ng mga guro ay dati nang naihatag sa dalawang kapulungan ng kamara at maging sa Malakanyang. #
_____________________________________________________
Para sa iba pang detalye at panayam:
Emmalyn B. Policarpio, Tagapagsalita, 0939-7798649
General Provisions, Republic Act 10155 (General Appropriations Act for 2012)
Enacted on December 15, 2011
Sec. 40. Uniform or Clothing Allowance. The appropriations provided for each department, bureau, office or agency may be used for uniform or clothing allowance of employees at not more than Five Thousand Pesos (P5,000) each per annum, subject to the rules and regulations issued by the DBM. In case of deficiency, or in the absence of appropriation for the purpose, the requirements shall be charged against available savings of the agency.
Teachers’ Dignity Coalition
“Unity of Teachers to Regain the Dignity of Teaching Profession”
SEC Registration Number: CN 2007-10645
117-C Matatag St., Bgy. Central, Quezon City
Hotline: (02)3853437 • Telefax (02)4350036 • Mobile: 0920-5740241/ 0920-4142614
Email: teachersdignity@yahoo.com.ph • Website: http://www.teachersdignity.com
NEWS RELEASE
February 9, 2012



![[People] No more safe spaces for journalists in Gaza | by Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/unnamed.jpg?w=800)
![[Statement] TDC Statement on the bill to repeal CPD LAW](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/tdc-on-cpd-law.png?w=1024)
![[From the web] CONSUMER SAFETY ALERT: Food-Like Plastic Toys May Pose Serious Health Risks to Children | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/2.png?w=1024)
![[From the web] EcoWaste Coalition Calls for Stronger Measures to Stop Lead Paint Imports](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/laboratory-tests-confirm-the-presence-of-lead-a-toxic-chemical-banned-in-paints-and-similar-surface-coatings-at-levels-exceeding-the-legal-limit-of-90-ppm.jpg?w=1024)
Leave a comment