Pagmimina sa 2 bayan sa Batangas, pinangangambahang matuloy
By dzmm.com.ph
February 6, 2012

Pinangangambahan ng isang anti-mining group maging ng Lipa Archdiocese ang posibilidad na matuloy ang pagmimina sa dalawang bayan sa Batangas.

Depensa naman ng kumpanya, marami pa silang pagdadaanan para makapagdesisyon ang mga kinauukulan.

Taong 2010 pa umano interesado ang Asian Arc Mining Corporation mula Canada na magmina sa Taysan, Batangas.

Tapos na ang exploration at pinag-aaralan na nila kung puwedeng isagawa ang pagmimina sa apat na barangay na sinasabing sagana sa copper.

Apatnaraang metrikong tonelada ng copper ang inaasahang makukuha sa pagmimina at higit 400 residente rin umano ang inaasahang mabibigyan ng trabaho.

Read full article @ dzmm.abs-cbnnews.com

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading