Nakasabat ang Joint Anti Illegal Logging ng Bulacan Sierra Madre
by Bro Martin D. Francisco, January 5, 2012

@facebook

Nakasabat ang Joint Anti Illegal Logging ng Bulacan

Nitong Martes Enero 3, 2012 ay nagsagawa ng isang lihim na operasyon ang NPC AWAT o National Power CorporationAngat Watershed Area Team (Awat) na pinamumunuad ni Mr. Mendel Garcia bilang Chief AWAT sa kanilang nasasakupang Angat Watershed na may sukat na 63,000 ektarya mahigit sa area ng sitio Binibit kung saan ay regular ng dinadaanan ng mga iligalistang armado na kilala sa ngalang Aniban ng Magsasaka, Manggagawa at Mangingisda sa Angat o AMMMA.

Kung saan ay kasama ng mga AWAT forest rangers ang mga Cafgu ng 70IB na pinamumunuan ni TSgt. Danilo F. Nicholas (CE) mula sa Suha detachment kung saan kabilang dito sa kanila ay mga katutubong Dumagat na nakakasakop ng lupaing ninuno sa Bulacan Sierra Madre.

Naging positibo naman ang kanilang lakad kung saan ay nakakumpiska sila ng 61 ibat ibang sukat na tablon na iniwanan ng mga nagpanakbuhang iligalista dala ang kanilang mga chain saw. Kung kaya matapos ang araw na iyon ay nagkaruon pa rin sila ng follow-up operation sa bahaging ibaba ng Ipo watershed area.

Nagpositibo uli silang operatiba kinabukasan kung saan sa sitio Malataeng Kalsada ay nakasabat na naman sila ng 42 pirasong tablon na merong ibat ibang sukat at nakahuli sila ng isang suspetsa nilang iligalista hawak nito ang isang chainsaw na nagngangalang Fernando B. Acosta ayon sa impormasyong ibinigay ng mga taga-AWAT.

Kasalukuyang nasa pag iingat ng NPC-AWAT ang nakumpiskang chainsaw habang inaantay ko naman kung talagang kakasuhan ng mga DENR ang nasabing akusado dahil ayon sa info mula sa DENR ay merong lisensya o legal ang nasabing chainsaw pero walang permit itong magcut ng puno kaya meron pa ring paglabag sa batas ng forestry.

Pinamunuan naman ng mga DENR ang ikatlong operasyon bilang follow pa din sa ilalim ng Joint anti Illegal Logging Operation dahil ang area ay sakop na ng mga DENR sa katauhan ng head DENR forest ranger Teodoro Grajo in partnership with the Bulacan Environmental and Natural Resources Office o BENRO na pinamunuan naman ni Ms Elizabeth Apresto sa atas ni Chief Atty Rustico de Belen.

Kasama rin sa tumugon sa operation ay ang 56IB Philippine Army sa ni Batcom Col Hilario Lagnada sa kanyang mga tauhang pinamumunuan ni Major Joel Lucas kung saan ay nagbigay ito ng seguridad sa kabuuang operasyon kung saan ay nakakumpiska ng 36 na naglalakihang tablon. Ang klase ng mga kahoy na mahogany at Guijo ang nakitang tinablon ng mga iligalista batay sa mga nakuhang larawan.

Kapansin-pansin din na tila patay malisiya ang mga bahay sa nasabing lugar na pinagkakitaan ng mga operatiba dahil walang nagsasalita at pawang nakatingin lang na tila alam nila kung sino ang mga tunay na may-ari. Mayroong pa ngang lumapit na isang ale na humingi ng konsiderasyon na kung pwedeng maarbor sa army ang isang tablong para magamit pangbahay.

Iniiwasan din ng grupo na lumabag sa karapatang pantao kung saan ay ilang tablon ang nakuha na mismo sa mga ilang kabahayan habang ipinagkaila ng mga nakatira na hindi sa kanila ito at kung papaano ito naipasok sa kanilang tahanan. Kung kaya minarapat ng grupo ng koordisnasyon sa baranggay agad namang nagpadala ang brgy Captain na si Kapitan Federico C. Cruz ng isang barangay pulis sa katauhan ni Irineo San Pedro.

Habang ang inimbitahang NGO na sumaksi sa buong operasyon ng pamahalaang ibat ibang ahensya ay ang Sagip Sierra Madre Environmental Society, Inc na siyang kumuha ng mga larawan sa katauhan ni Bro. Martin Francisco, bsmp chairperson ng SSMESI.

Mayroong halaga ang lahat na nakumpiskang mga tablon batay sa uri ng kahoy at kasalukyang presyo nito na Bininit na may 1080 board feet samantala sa Malataeng kalsada naman ay 800 board feet at sa labas ng Ipo gate ay 700 board feet (estimate ng AWAT dahilan sa ginabi na halos at hindi nagkakaruon ng joint scale) na may kabuuang 2580 board feet na imumultiply sa halagang P50.00 na magreresulta ng P129,000.00 piso.

bro. Martin, bsmp
ssmesi

Read more of Bro. Martin’s facebook notes @ https://www.facebook.com/notes/bro-martin-d-francisco

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading