Maraming mas mahahalagang isyu, pero ito ang say ko sa Corona impeachment
by Merck Maguddayao, January 5, 2012
@ Facebook

 Kung babalikan ang kasaysayan, ang kauna-unahang impeachment trial sa Pilipinas–laban kay ex-president Erap– ay isang exciting na legal telenovela. Akalain mong ang mga courtroom trials na napapanood natin sa sine eh mangyayari pala sa totoong buhay. At nagtapos ang impeachment trial sa pamamagitan ng isang EDSA, na nag-install sa isa ring trapo na si GMA.

Dahil may ganung precedent sa kasaysayan, malaki ang antisipasyon na magiging dramatic at mala-pelikula ang impeachment ni Corona. Ilabas ang popcorn at panoorin ang best legal minds na magsabong sa Senado!

Kaso parang may malaking question mark eh.

Tama ang nosyon na dapat ay walang palusutin sa batas, kesyo dati kang presidente, dati kang heneral na kinatatakutan ng marami, o isa kang Chief Justice–yung taong namumuno sa “Final Arbiter” ng lahat ng usaping ligal. Kung iligal ang pagkakatalaga sa ‘yo, yung mga desisyon ng korte mo eh inconsistent at pabor dun sa selfish interest ng presidenteng nag-appoint sayo, at may bahid ka ng korapsyon, aba, kailangan mo talagang malitis at harapin ang mga akusasyon laban sayo. At ganito rin dapat ang gawin laban sa mga kagaya ni Arroyo at ni Palparan, isama mo na si Ligot at Garcia at lahat ng mga nanamantala noong nakaraang administrasyon.

Kaya sa isang banda, tamang ma-impeach si Corona. Hindi naman ito pagmamalabis sa kapangyarihan ng ehekutibo at kongreso: bagkus, ito’y konstitusyonal na proseso sa interes ng check and balance at syempre, ng hustisya.

Kaso, ano nga ba ang tunay na konteksto ng impeachment na ito? Bakit tila agitated na agitated si Neil Tupas na ilantad na ang baho ni Corona eh hindi pa nag-uumpisa ang impeachent. Bakit tila agitated na agitated din si PNoy sa puntong pinasaringan niya nang harap-harapan si Corona sa isang conference?

Parang napakahalaga ng impeachment kay Corona. Parang ito ang be-all-and-end-all ng pagkakamit ng hustisya sa Pilipinas.

Read full article @ www.facebook.com/notes/merck-maguddayao

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading