GPH balakid sa kapayapaan dahil sa di-pagrespeto sa naunang mga kasunduan sa NDFP
by Kenneth Roland A. Guda
Pangunahing balakid ngayon sa pag-usad ng usapang pangkapayapaan ang pagtanggi ng administrasyong Aquino na tupdin ang batayang mga kasunduan na nilagdaan nito sa pakikipagnegosasyon sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Ito ang sinabi ni Luis Jalandoni, tagapangulo ng NDFP Negotiating Panel, sa press conference niya at ng ilang miyembro ng naturang panel sa pamamagitan ng Skype. Kasama rin ni Jalandoni sa kumperensiya ang ilang miyembro ng International Legal Advisory Team (ILAT), isang bagong tatag na koponan ng mga pandaigdigang abogado na magsisilbing tagapayo ng NDFP sa usapang pangkapayapaan.
Kabilang sa itinatanggi ng GPH (o gobyerno ng Pilipinas) na ipatupad ay ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (Jasig), kasunduang proteksiyunan mula sa aresto at banta ang mga direktang kalahok sa usapang pangkapayapaan. Ipinaliwanag ni Jalandoni na sakop ng Jasig ang 13 konsultant ng NDFP na ikinulong ng gobyerno at ayaw kilalanin nito bilang protektado ng Jasig.
“GPH refusal to release them has been a major obstacle to resumption of peace talks because without compliance with Jasig, the panelists and consultants cannot function. Respect for Jasig is needed to build confidence,” pahayag ni Jalandoni.


![[Press Release] Envi group says PBBM order to inspect Manila Bay dredgers ‘long overdue’ | ATM](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/611266739_857788566880357_613411987971048784_n.jpg?w=1024)
![[Statement] Ninja Van riders’ reinstatement, a boost to platform workers’ rights | CTUHR](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/613613978_1305637741609830_7278802790473352916_n.jpg?w=1024)
![[Press Release] Teachers welcome bigger education budget but decry lack of pay increase | TDC](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2015/06/photo-by-arnel-tuazon.jpg?w=960)
![[Press Release] “Reduce Waste at Home, Make Zero Waste A Daily Habit” | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/zw1.png?w=1024)
Leave a comment