POWER-OFF: National Day of Protest
Pambansang protesta laban sa mataas na singil sa kuryente, ikinasa
Isa sa mabibigat na pasanin ngayon hindi lamang ng mga karaniwang mamamayan, kundi maging ng mga negosyante, ang mataas na singil sa kuryente.
Nang maging batas ang Republic Act No. 9136 o ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) noong 2001, ipingako nito ang pagkakaroon ng abot-kaya at sapat na suplay ng kuryente.
Subalit, makalipas ang sampung taon, taliwas sa mga pangakong ito ang kinakaharap ng mamamayan. Halimbawa, P5 lamang kada kiloWatt-hour ang singil sa mga konsyumer ng Meralco bago maisabatas ang EPIRA. Ngayon, naglalaro sa halagang P11 hanggang P12 kada KiloWatt-hour ang presyo nito.
Bukod pa dito, maraming petisyon sa Energy Regulatory Commission (ERC) na nag-aambang magdulot ng mas mataas na singil sa kuryente – Luzon (P6.0359/kWh), Visayas (P5.5857), Mindanao (P4.38/kWh), at konsyumer ng Meralco (P6.1465/kWh):
• Ang Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM) ay humihingi ng karagdagang taas na P0.1059/kWh para sa Luzon at P0.1157/kWh para sa Visayas;
• Humihingi din ang PSALM at National Power Corporation (Napocor) ng adjustment sa universal charge (UC) na P0.39/kWh upang ma-recover ang ilang bahagi ng utang ng Napocor. Batay sa petisyon, P0.03/kWh ang kokolektahin sa loob ng 15 taon upang bayaran ang stranded debts; at P0.36/kWh sa loob ng apat na taon para sa stranded contract costs;
• Humihingi din ang PSALM ng adjustment ng base rate ng Napocor sa ilalim ng Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM) at Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA) na magdudulot ng karagdagang taas na P4.72/kWh sa Luzon, P4.26/kWh sa Visayas at P3.17/kWh sa Mindanao;
• Ang National Grid Corp of the Philippines (NGCP) ay nagpetisyon na rin ng dagdag-singil na P0.82/kWh, na titilad-tilarin mula Oktubre 2011 hanggang Disyembre 2015 sa Luzon upang mabawi ang halagang P80.2 million na ginamit ng kumpanya sa rehabilitasyon at pagkumpuni ng mga nasirang transmission line dulot ng mga Bagyong Basyang and Juan noong 2010.
• Samantala, ang Meralco ay magtataas ng generation charge mula August 2011 ng P0.08/kWh bilang resulta ng pagtaas ng halaga ng kuryente sa wholesale electricity spot market (WESM) at ng mga power producer nito.
• Nakakuha na rin ang Meralco ng pagsang-ayon mula sa ERC na magdagdag ng singil na 3.06 centavos/kWh upang mabawi ang hindi nito nasingil mula Enero 26 hanggang Pebrero 25 noong 2010 na nagkakahalaga ng P944 milyon.
Bukod sa mga ito, maaari din magdulot ng pagtaas sa singil sa kuryente ang pagsasapribado ng malalaki at mahahalagang power plant:
• Ang Angat electric hydro-power plant sa Bulacan na kasalukuyang pinigil ng Korte Suprema ang pagsasapribado nito;
• Ang Unified Leyte Geothermal Plants na binayaran na ng mga mamamayan sa Eastern Visayas ngunit maaari silang singilin muli sakaling ito ay maisapribado; at,
• Ang Agus-Pulangi hydropower complex na nagbibigay ng murang kuryente sa Mindanao.
Dahil sa walang habas na pagtaas ng singil sa kuryente at sa pagsasapribado ng mga renewable energy-based power plant, magsasagawa ng “National Day of Protest” ang grupong Freedom from Debt Coalition sa ika-11 ng Oktubre. Layunin nito na hikayatin ang mga mamamayan na ipahayag ang kanilang saloobin hinggil sa mabigat na pasaning ito.
Hindi na kinakailangang lumayo pa ang mga mamayan sa kanilang lugar, maaari silang makiisa sa protesta kahit na sa loob lamang ng kanilang nasasakupan. “Power-off” o patay-ilaw at noise barrage mula 7:30 PM hanggang 8:00 PM sa ika-11 ng Oktubre ang kulminasyon ng protesta.
Naniniwala ang grupo na sa sama-samang pagkilos, magigising sa reyalidad ang gobyerno at mabibigyan-solusyon ang lumalalang sitwasyon sa kuryente.
Umaasa din ang grupo na maitutuwid na ang mga pagkakamali ng mga nagdaang administrasyon sa industriya ng kuryente. Isang paraan na nakikita ng FDC ay ang pagkakansela ng kontrata ng gobyerno sa mga independent power producer (IPPs). (30)
NOTES
• Stranded debts are any unpaid financial obligation of the Napocor that has not been liquidated by the proceeds from the privatization of the generating firm’s assets
• Stranded contract costs are the excess of the contracted cost of electricity under eligible contracts over the actual selling price of the contracted energy output of these contracts in the market
• Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM) recovers the cost of fuel and of electricity purchased from privately owned power plants
• Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA) is a mechanism to recover the state power generator’s foreign exchange fluctuation costs
• Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM) is the agency tasked under EPIRA to oversee the liquidation of Napocor’s assets to pay off its debts, and in the process lower power rates
Freedom from Debt Coalition
11 Matimpiin St., Brgy. Pinyahan, Quezon City 1100, Philippines
Phone: (+632) 921 1985 * Telefax: (+632) 924 6399
Website: http://www.fdc.ph * Email: mail@fdc.ph
Contact persons:
Milo Tanchuling, Secretary-General, +63.920.901.8711
Job Bordamonte, Program Coordinator, +63.920.914.9561
Bobby Diciembre, Media Officer, +63.920.905.9856
Related articles
- [In the news] Media malaki ang naitutulong sa pagsugpo ng krimen – CHR – www.journal.com.ph (hronlineph.wordpress.com)
- [In the news] Power rate increases to hit women the hardest, group says – www.sunstar.com.ph (hronlineph.wordpress.com)
- [Statement/Pahayag] National IP Women Gathering – July 24 (hronlineph.wordpress.com)
- [Press Release] Junk Napocor, Psalm petition to increase universal charge, FDC urged ERC (hronlineph.wordpress.com)
- Benigno S. Aquino III, Second State of the Nation Address, July 25, 2011 (fjsanchez.wordpress.com)
- Dy News – Sept. 07, 2011 (dongyanfever.wordpress.com)
- [Press Release] Legarda Gathers Indigenous Peoples of Luzon on Sept 9-10 – www.senate.gov.ph (hronlineph.wordpress.com)
- Futsal players courtesy call (iloilocapitolnews.wordpress.com)
- [Event] Kuwentuhang Karapatan: Right to Health- GCAP (hronlineph.wordpress.com)
- [Isyung HR] Ligo na you, wangwang na me. (hronlineph.wordpress.com)


![[People] No more safe spaces for journalists in Gaza | by Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/unnamed.jpg?w=800)
![[Statement] TDC Statement on the bill to repeal CPD LAW](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/tdc-on-cpd-law.png?w=1024)
![[From the web] CONSUMER SAFETY ALERT: Food-Like Plastic Toys May Pose Serious Health Risks to Children | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/2.png?w=1024)
![[From the web] EcoWaste Coalition Calls for Stronger Measures to Stop Lead Paint Imports](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/laboratory-tests-confirm-the-presence-of-lead-a-toxic-chemical-banned-in-paints-and-similar-surface-coatings-at-levels-exceeding-the-legal-limit-of-90-ppm.jpg?w=1024)
Leave a comment