Pandaigdigang Araw ng mga Desaparecidos
SAPILITANG PAGWALA:
NAPAPANAHONG PAGBABAWAL AT PAGWAKAS NG ISANG LABIS NA KASAMAAN
Ang sinumang inaresto, dinukot at palihim na ikinulong ay nanganganib ang buhay. Ito ay naglalagay sa kanya labas sa proteksyon ng batas. Ang ganitong sitwasyon ay maaaring magbubukas ng katakot-takot na paglabag ng iba pang karapatang pantao ng biktima katulad ng karapatan laban sa tortyur at karapatan sa buhay.
Anupa’t kung ang may kagagawan ay mismong taong gubyerno na siyang dapat kumukupkop at nagtatanggol ng kanyang buhay, seguridad at kalayaan?
Kaya naman halos sa buong mundo, nagkakaisa ang may walumpu’t walo’ng (88) bansa na tuligsain at wakasan ang ganitong uri ng paglabag at pagyurak ng dignidad ng tao. Ito ay sa pamamagitan ng paglagda sa isang kasunduan – ang International Convention for the Protection of All Persons from Enforced Disappearance (ICPAPED).
May dalawampu’t anim (26) na Estado na ang nagratipika at nagpapailalim sa nasabing kasunduan ngunit ang Pilipinas ay nag-aatubili pang pumirma at sumang-ayon dito.
Nakakapagtaka at nakakapag-alala dahil sa ating bansa talamak at mahaba ang listahan ng mga biktima ng sapilitang pagwala o enforced disappearance. Ang talaan ay simula pa ng diktaduryang Marcos noong dekada ‘70 hanggang sa kasalukuyang rehimen ng Pangulong Benigno Aquino III.
Batay sa pagsusuri at dokumento ng Families of Victims of Involuntary Disappearance (FIND), may 2,160 katao na ang iwinala ng mga ahente ng gubyerno. Ito ang naging dahilan ng pagkasira ng mga pamilya na naging biktima na rin dahil sa labis na sakit, pait at kalungkutan bunga nang pagkawala ng kanilang mga mahal sa bahay.
Ang mga biktima ng enforced or involuntary disappearance ay itnuturing na kalaban ng Estado sa kabila ng katotohanang ang mga ito ay mga magbubukid, manggagawa, alagad ng simbahan, estudyante, propesyunal at mga lider ng mga pinagkakaitang sektor ng lipunan. Wala silang ibang hangarin kundi ang itaguyod at ipagtanggol ang karapatang pantao, sa pag-asang magbago ang kasakiman, mapang-api at di pantay na pagtrato ng pamahalaan at ng sistema nito.
Ito ang dahilan kung bakit mahigit dalawang dekada nang iginigiit ng FIND sa pamahalaan na wakasan na ang kalupitan ng sapilitang pagwala. Simula pa noong 1990, hangad na ng organisasyon ng mga pamilya at kaanak ng mga biktima na magkaroon ng batas na nagbabawal at nagpapataw ng karampatang parusa sa sinumang mapapatunayang may kagagawan at sangkot sa krimeng enforced or involuntary disappearance. Hindi matatawaran ang sakripisyo at pagpupunyagi ng mga kaanak at nang buong organisasyon sa pakikibakang lehislatura hinggil sa nasabing usapin.
Kung sa nakalipas na dalawang Kongreso –13th and 14th Congress, ay naipasa ng Mababang Kapulungan ang panukalang batas na nagbabawal ng sapilitang pagwala at sa Senado naman ay ‘inuupuan’ ito, ngayon ay iba na.
Noong ika-26 ng Hulyo 2011, inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at panghuling pagbasa sa plenaryo ang Anti-Enforced Disappearance Act of 2011at ipinadala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso upang hingin ang pagsang-ayon nito noong ika-2 ng Agosto nitong taon. Hindi naman nag-aksaya ng panahon ang mga mambabatas ng House of Representatives at makalipas ng labing-limang araw (Agosto 17, 2011) pinagtibay ng Joint Committees on Human Rights and Justice ang substituted House Bill 5048 at inirekomenda sa plenaryo upang talakayin at pagkaisahan.
Angkop at napapanahon ang ating paggunita at pagkilala sa mga desaparecidos ng buong mundo maging sa ating bayan sa araw na ito. Dahil sa kanilang kabayanihan naibunyag ang isang uri ng kalupitan at labis na kasamaan. Panahon na ng sama-samang pagkilos at labanan ang walang humpay na pananalasa sa ating dignidad bilang tao.
Panahon nang bigyan daan ang pagkamit ng hustisya para sa mga biktima at wakasan ang impunidad.
Related articles
- [Statement/Pahayag] National IP Women Gathering – July 24 (hronlineph.wordpress.com)
- [Isyung HR] Ligo na you, wangwang na me. (hronlineph.wordpress.com)
- Benigno S. Aquino III, Second State of the Nation Address, July 25, 2011 (fjsanchez.wordpress.com)
- Pamahiin… (lifeasiseeit.wordpress.com)
- I was DANIEL for a night (brayandyozep.wordpress.com)
- [Press Release] Political Prisoners press for freedom for their ailing comrade after Araw ng Kalayaan (hronlineph.wordpress.com)
- Pagpapaigting Ng Batas Ng Anti-smoking Isinasagawa Ng Mmda (tuklasinnatin.wordpress.com)
- Waking Up. (theawakeningofromeinjuliet.wordpress.com)
- Dy News – Aug. 29, 2011 (dongyanfever.wordpress.com)
- [Isyung HR] Torture me not! (hronlineph.wordpress.com)


![[Press Release] Envi group says PBBM order to inspect Manila Bay dredgers ‘long overdue’ | ATM](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/611266739_857788566880357_613411987971048784_n.jpg?w=1024)
![[Statement] Ninja Van riders’ reinstatement, a boost to platform workers’ rights | CTUHR](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/613613978_1305637741609830_7278802790473352916_n.jpg?w=1024)
![[Press Release] Teachers welcome bigger education budget but decry lack of pay increase | TDC](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2015/06/photo-by-arnel-tuazon.jpg?w=960)
![[Press Release] “Reduce Waste at Home, Make Zero Waste A Daily Habit” | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/zw1.png?w=1024)
Leave a comment