Mga Ka-Sierra Madre:

Pagbati ng Kapayapaan para sa ating Inang Kalikasan!

Bilang paghahanda po sa nalalapit na Sierra Madre Day sa darating na September 26, 2011, napagkasunduan sa nakaraang pulong na magkaroon ng highlights ang ating pagdiriwang, at ito po ang pagkilala sa ating mga Bayani ng Sierra Madre.

Ito po ay pagkilala sa ating mga unsung heroes ng kasalukuyan. Kwento ng mga kilalang personalidad o ordinaryong tao, nabubuhay pa o mga namatay na, na nagpakita ng kanilang pangangalaga sa Kalikasan, Kabayanihan at Pagtulong sa kanilang kapwa sa oras ng kagipitan maging kapalit man ay ang kanilang sariling buhay.

Ang Hero Search Committee po ay pinangungunahan ni former Isabela Gov. Grace Padaca, Bing Carranza, Tony Abuso, Benjie Raymundo at George Dadivas. Sila po ang maghahanap at pipili sa ating mga bayani.

Ang mga napiling mga Bayani ng Sierra Madre ay bibigyang parangal sa mismong araw ng Sierra Madre Day, September 26, 2011.

Maaari rin po kayong magbigay ng inyong participants, i-email lamang po sa savesierram@yahoo.com, pakilagay po sa SUBJECT: Bayani ng Sierra Madre. Huwag pong kalimutan ang kanyang kwento kung sa papaanong paraan sya nakatulong, saan at kailan.

Maraming Salamat po!

ms. shirley
09291339280
09222711311
09065796478

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading