
Susi sa pag-unlad ng lipunan ang pagtamasa sa Karapatan sa Kalusugan ng mamamayan. Ngunit, ang Karapatan sa Kalusugan ay hindi nangangahulugan ng karapatan upang maging malusog at sumasaklaw hindi lamang sa pagkakaroon ng napapanahon at angkop na serbisyong pangkalusugan.
Ang pagtamo ng pinakamataas na pamantayan ng kalusugan ay nangangailangan ng isang panlipunang kaayusan- mga institusyon, mga batas, at mapagpalakas na kapaligiran- na higit na makakatiyak sa pagtamasa ng karapatang ito.
Kasabay sa pagsusulong at pagtataguyod ng Medical Action Group (MAG) sa karapatang pantao at kalusugan, naniniwala ito na may malaking ambag ang mga ganitong uri ng babasahin para sa pagpapataas ng antas ng kaalaman ng mamamayan hinggil sa Karapatan sa Kalusugan.
Sa kasalukuyan, tumatayong Secretariat ang MAG para sa Cut the Cost, Cut the Pain Network o 3CPNet. Isa sa mga pangunahing gawain ng 3CPNet kasama ang Coalition for Health Advocacy and Transparency (CHAT) ay ang pagtataguyod ng pagkakaroon ng kakayahang makabili ng mga abot-kaya, ligtas at epektibong gamot ang mga mamamayan.
Bilang ambag sa pagpapataas ng antas ng kaalaman ng mamamayan sa Karapatan sa Kalusugan, minarapat ng MAG na isalin sa Filipino ang babasahin na Right to Health ng World Health Organization (WHO).
Lubos kaming nagpapasalamat sa UN Pubrights sa kanilang pahintulot na maisalin sa Filipino ang orihinal na babasahing pinaghalawan ng komiks na ito at mailathala ito sa ating bansa. At kay Atty. Michael Paul Reysio-Cruz sa kaniyang pagtulong sa paggawa ng ilustrasyon.
Maraming salamat.
Edeliza P. Hernandez, RN
Executive Director
Medical Action Group
Link to primer: http://www.scribd.com/share/upload/52427918/gtx2wik0yidkq0mzsiw
Related articles
- [Tula] Lahat ng tao’y may karapatan – matangapoy.blogspot.com (hronlineph.wordpress.com)
- Misinformed lang ba, or Maangmaangan Na? (rojan88.wordpress.com)
- [Press Release] Women’s rights group pays tribute to mothers and rights defenders on mothers’ day – Tanggol Bayi (hronlineph.wordpress.com)


![[People] No more safe spaces for journalists in Gaza | by Fr. Shay Cullen](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/unnamed.jpg?w=800)
![[Statement] TDC Statement on the bill to repeal CPD LAW](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/tdc-on-cpd-law.png?w=1024)
![[From the web] CONSUMER SAFETY ALERT: Food-Like Plastic Toys May Pose Serious Health Risks to Children | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/2.png?w=1024)
![[From the web] EcoWaste Coalition Calls for Stronger Measures to Stop Lead Paint Imports](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2025/09/laboratory-tests-confirm-the-presence-of-lead-a-toxic-chemical-banned-in-paints-and-similar-surface-coatings-at-levels-exceeding-the-legal-limit-of-90-ppm.jpg?w=1024)
Leave a comment