Source: Partido ng Lakas ng Masa on Facebook

Kasiguruhan sa paninirahan!
Abot-kayang presyo ng lupa!
Labanan ang demolisyon!
Sa unang araw ng Abril nakatakda ang demolisyon ng ating mga tahanan dito sa Barangay Tumana. Ang 33 ektaryang lupang ito ay napatituluhan ng isang Don Joaquin Francisco. Ngunit duda kami sa kanyang walang-bisang titulo. Ngayon simula na ang demolisyon ni Joaquin sa ating mga bahay particular sa tatlong bloke. Simula na rin ng ating pagtatanggol sa ating karapatan para sa kasiguruhan ng paninirahan.
Hindi makatarungan ang demolisyon ni Joaquin dahil sa pagtanggi niya sa ating alok na ibigay sa abot-kayang presyo ang lupa. Sa totoo lang, iyong presyo ng lupa ni Joaquin ay presyong mayaman. Alam ni Joaquin na hindi natin kaya ang presyo ng lupa niya. Ibig sabihin lang nito ayaw niyang ibenta sa maralita ang kanyang lupa. Siyempre sa mata ni Joaquin makatarungan ito dahil may desisyon na ang korte.
Napag-alaman namin sa aming pananaliksik na ang lupang kinatitirikan ng aming mga bahay ay classified as forest land, kaya nais naming mapakansela ang naturang titulo. Sa pagkakaalam namin, hindi pwedeng mapatituluhan sa isang pribadong tao ang isang forest land. Ngunit sadya yatang malawak ang koneksyon ni Joaquin at makapangyarihan ang kanyang salapi, kaya binibilisan at sapilitan na tayong pinalalayas sa pamamagitan ng isang WRIT OF DEMOLISYON. Ngunit kaduda-duda ang kanyang walang-bisang titulo.
Masakit para sa sinuman ang mawalan ng tahanan, kaya nararapat lang na ipaglaban natin ang ating karapatan para sa ating kinabukasan at kinabukasan ng ating mga anak.
Dapat magkaisa tayong mga taga-Tumana upang mapigilan ang nakatakdang demolisyon. Hindi tayo papayag na basta tayo tanggalin sa ating mga tirahan.
PLM-ALPPS-KPML
Marso 31, 2011


![[Press Release] Envi group says PBBM order to inspect Manila Bay dredgers ‘long overdue’ | ATM](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/611266739_857788566880357_613411987971048784_n.jpg?w=1024)
![[Statement] Ninja Van riders’ reinstatement, a boost to platform workers’ rights | CTUHR](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/613613978_1305637741609830_7278802790473352916_n.jpg?w=1024)
![[Press Release] Teachers welcome bigger education budget but decry lack of pay increase | TDC](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2015/06/photo-by-arnel-tuazon.jpg?w=960)
![[Press Release] “Reduce Waste at Home, Make Zero Waste A Daily Habit” | BAN Toxics](https://hronlineph.com/wp-content/uploads/2026/01/zw1.png?w=1024)
Leave a comment