source samahanngdemokratikongkabataan FB

by Samahang Demokratiko Ng Kabataan on Thursday, March 31, 2011
Source: http://www.facebook.com/samahang-demokratiko-ng-kabataan

Kamakailan lamang ay lumabas ang desisyon ng Malacanang na kumukunsinti sa plano ng Philippine Airlines Management (PAL) hinggil sa plano nitong magtanggal ng may 2,600 empleyado at mag-outsource ito ng mga kumpanyang gagampan ng trabaho sa pamamagitan ng pagkuha ng mga kontraktwal na mga bagong empleyado.

Samakatwid, sa desisyong ito na pinirmahan ng palasyo ay pagpapakita ng lantarang pagpabor ni PNOY sa polisiya ng kontraktwalisasyon at pagpapatunay na ang tunay na BOSS ng ating pangulo ay si Lucio Tan na kapitalista at may-ari ng PAL.

Lubhang nakakabahala ito sa panig nating mga kabataan sapagkat nangangahulugan ito na ok lang sa ating gubyerno na ang aabutang klase nating hanapbuhay paglabas natin o pagkagradweyt sa mga paaralan ay trabahong kontraktwal, trabahong walang katiyakan at seguridad sapagkat pagkatapos ng lima o anim na buwan tapos na ang maliligayang araw natin. Hindi na naman bago ang ganito dahil laganap na ang ganitong sistema sa mga pabrika at mga opisina. Ang masama ay baluktot na nga ay kinunsinte pa ng pangulo natin na sa ating akala ay tumatahak sa tuwid na landas.

Ito ang dahilan kung bakit nararapat na suportahan natin ang laban ng mga kawani at myembro ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA) sa kanilang welga. Ipakita natin na hindi sila nag-iisa sa labang ito sapagkat kapakinabangan ng lahat partikular ng ating sektor ang paglaban sa kontraktwalisasyon.  Ang laban ng PALEA ay laban para sa mas maayos na kinabukasan na kung saan ay may aasahang regular na hanapbuhay ang bawat kabataang gagradweyt sa bawat taon.

SUPORTAHAN ANG WELGA NG PALEA!
LABANAN ANG KONTRAKTWALISASYON!
KONDENAHIN ANG MAKA-KAPITALISTANG POLISIYA NG GUBYERNONG PNOY!

Samahang Demokratiko ng Kabataan (SDK)
Partido ng Manggagawa-Kabataan
Katipunan ng mga Anak ng Manggagawang Pilipino (KAMPI-FEU Chapter)
Ika-1 ng Abril 2011

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Trending

Discover more from Human Rights Online Philippines

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading