[Statement] Hinggil sa Mandatory Military Service | AK

Hinggil sa Mandatory Military Service

Nagpahayag ang vice-presidential aspirant na si Sara Duterte-Carpio na dapat maging mandatory ang military service sa lahat ng kabataang nasa 18-anyos kagaya ng mga bansang South Korea at Israel. Para kay Duterte-Carpio, isa raw itong paraan upang ituro ang pagiging makabayan sa mga kabataan.

Hindi tayo sumasang-ayon sa mungkahing ito, sapagkat, una sa lahat, hindi natin katulad ang South Korea at Israel na nasa estado ng digmaan. Kasalukuyang nasa hidawaan pa rin ang South Korea laban sa North Korea, at ang Israel ay patuloy na naglulungsad ng military occupation sa Palestine. Walang pagkakahalintulad ang kalagayan ng Pilipinas sa mga malalaking kapitalistang bansang ito.

Ang kulturang digmaan ng estado ay isa lamang laro ng mga naghaharing uri upang gisahin ang taumbayan sa sarili nitong mantika. Walang makabayan sa hukbong nagtuturo lamang ng kulturang dahas laban sa kapwa nitong uring manggagawa at maralita.

Ang mungkahi ni Duterte-Carpio na mandatory military service ay isa lamang paraan ng mga reaksyunaryo upang palakasin ang suporta nito mula sa mga right-wing, anti-communist, at conservatives na panatiko ng gobyernong Marcos-Duterte. Walang malasakit sa manggagawa at maralita ang mga elementong ito at hindi dapat tularan ng kabataan.

Ang totoong kalaban ng bayan ay ang sistemang kapitalismo. At ang pagiging makabayan ay ang paghamig sa kabataan na kilalanin at ipaglaban ang karapatang pantao ng bawat sektor ng lipunan at pagtutol sa lahat ng uri ng pandarahas sa kapwa. Kapayapaan dapat ang manaig at ito ay makakamit sa isang progresibo at sosyalistang lipunan.

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.