Category Archives: Literary

[Tula] Zaragosa ni Rene Boy Abiva

Zaragosa
ni Rene Boy Abiva

Lumuha ng dugo ang Birheng Niebe at Batang Kristo
nang mabuwal sa kanilang harapan ang alay na kordero.
Umagos at dumayukdok ang mga butil ng dugo
sa paanan ng kulay puti at gintong pulpito,
mula sa tatlong butas ng punglong
idinuldol sa kanyang bungo.

Nagapas ang kanyang hininga
‘di dahil sa talim ng espada, glotina o kutsilyo
o pagkakapako sa krus gaya sa Bundok Kalbaryo
na ugali ni Ceasar at ng buong bayan ng mga Romano.
Kundi sa paraang pataksil, duwag at barbaro
sa ‘sang pisil ng manhid at bayarang hintuturo
sa kalawanging bakal na gatilyo.

Ilang araw na nagdilim ang langit
ilang gabing ang uyaying nagpatahan sa mga umiiyak na sanggol
ay ang alulong ng magkasiping na luksa at hapis.
Sa bigat ng danas,
ay waring mabibiyak ang mga kumikislap na marmol
sa mga altar at ataul.

At sa pagka-ulila ng buong bayan ng mga magsasaka,
sisibol mula sa lupang binulidan ng mapula’t malapot n’yang dugo
ang nag-aalsa’t lumalagitik na mga dagitab
mula sa nag-isang puso at dalumat
ng mga nagsitindig na mga mananampalataya.

Dinggin ang gitaw ng mga dahon at palay sa bukirin t’wing dapit-hapon
na waring lumagitik na pakpak ng anghel .
Gumising at magbangon sa matagal na pagkakahimbing t’wing bukang-liwayway
at hayaang ang sanlaksang silahis ay waring dila ng apoy
na pupuksa sa mga halimaw.

Hunyo 17, 2018
Lunsod ng Queson, Pilipinas

*alay ang tulang ito kay Fr. Richmond Nilo. Martir ng simbahan, martir ng sambayanan.

Ang may akda ay dating bilanggong politikal, awtor ng Tuligsa at iba pang mga tula at National Fellow ng Palihang Rogelio Sicat para sa kategoryang Maikling Kwento.

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Tula] Nutri-Asia -ni Rene Boy E. Abiva

Nutri-Asia
ni Rene Boy E. Abiva

Panay ang pang-eenganyo ng mga imahe sa ‘sang dambuhalang billboard
sa kahabaan ng Edsa at North Luzon Expressway
bitbit nila ang paulit-ulit mong islogan
mula 1996 hanggang ngayon:
“ masarap, masaya ang lutuin
kung hahaluan ng Datu Puti, Silver Swan, UFC,
Mang Tomas, PAPA, Golden Fiesta at Locally.”

Habang sa mga magasin ay panay ang ‘yong pagpapabida
sa mga putaheng mula sa kusina ng mga gitnang-uri
pinoy fried chicken, pork binagoongan, fried porkchop,
inihaw na baboy, tortang giniling, seafood sinigang,
choco peanut brownies at bulalo.

Tsaka mo papalabasin sa kwadradong telebisyon
ng bawat sambahayan si Marian Rivera
na ngiting-ngiti at kikindat-kindat,
habang suot ang kulay gumamela n’yang daster.
Siya’y uupo sa harap ng malinis na hapag kainan
habang magiliw n’yang tutuhugin ang ‘sang hiwa ng karne gamit ang kubyertos.
Anong giliw n’yang isasawsaw ‘to sa ‘sang platito
ng kulay- lupa at malapot na sarsa ng Mang Tomas.
Tsaka n’ya iaangat ang kanyang mala-labanos na kamay
at animoy nang-aakit habang isinusubo at nginunguya ang laman.
Mapapapikit s’ya sa sarap
mapapalunok at mapapahagod ang kanyang mahabang dila
sa kanyang bibig na binalot ng makapal na lipistik.

Tsaka lilitaw ang ilan pang mga pabatid
mula sa kung sinu-sinong bayarang endorser ng alak, gamot at shampu.

At lalabas sina Alden at Maine.
Maghaharutan muna tsaka magsusubuan
ng kung anong putahe sa eksena.
Paglao’y kikiligin ang isa’t-isa
sa t’wing hahagod sa kanilang labi
ang pritong tilapyang ibinulid sa Datu Puti.

At maglalabas ka ng ‘sang artikulo sa ‘sang kilalang tabloyd
“ taste is power, blah, blah, blah,” ‘ika mo.
at sasagutin ka ng ‘sang kilalang anawnser,
“more power, congratulations! blah,blah,blah.”

Kumita ka nang limpak-limpak!
Pinagkakitaan mo kahit ang huling gabi ng mga natigmak.

Hanggang sa ikaw muli ang lamanin ng mga balita
‘ala ka rin palang pinagkaiba sa PLDT at Coca-Cola
na kontra-manggagawa
lapastangan ka!

Hunyo 16, 2018
Lunsod ng Queson, Pilipinas

Ang may akda ay dating bilanggong politikal, awtor ng Tuligsa at iba pang mga tula at National Fellow ng Palihang Rogelio Sicat para sa kategoryang Maikling Kwento.

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Tula] Fire Tree -ni Rene Boy Abiva

Fire Tree
ni Rene Boy Abiva

Patapos na ang taglagas at tag-init
at pasibol na ang sunod na siklo’t kabanata ng mundo
nang ako’y ‘yong batiin ‘sang masalimuot na hapon
sa Kalye Dungon
gamit ang mapula’ t manipis mong talulot
na ‘alang pag-aatubiling pinitas ng hanging mula Zaragosa
sa dikta ng magkasiping n’yong katwiran at pag-ibig,
sa syudad kung saan bawat umaga’y ikaw ang aking nasisilayan
sa parihabang bintanang yari sa sala-salabat na ala-ala at kapis.

Nang dumampi sa aking pisngi
ang magaan at malamig na dila ng ‘yong apoy,
waring pinungasan mo ang naipong hapis
sa aking puso’ t dalumat,
waring kinintal ng ‘yong malambot ngunit nanunuot na hipo
ang mga nagsasalibarang guni-guni sa aking bungo
at nakadama ako bigla ng mga titis na nagkakalantugan
sa kaibuturan ng aking pagiging tao.

Wari’y nakuryente ang aking bayag sa pagkakaupo sa ‘yong paanan
at sumungalngal ‘to sa aking tigang na lalamunan.
Napalunok ako.
Napalunok nang higit sa ‘sang segundo
at waring winagwag ng mala-bisig mong mga sanga ang aking leeg.

Ano ba noon ang ginawa mo sa akin?
Hinila mo ang aking dila hanggang sa hangganan nito,
hanggang sa bumuyangyang ang aking sikmura.

Ano ba ‘noon ang pilit idinuldol ng ‘yong talulot
na sing talim at talas ng itak ni Tata Selo sa aking malay?
Ginuitan ng ngipin ng itak ang tanikalang yari sa asero.

Ano ba noon ang ipinukpok mo sa aking ulo na sing bigat ng maso?
‘Sang kapiranggot ng pluma na tinubog at hinulma sa ‘sang palihang ginto.

Ano ba noon ang inihandog mo sa akin?
‘sang piraso ng talulot?
Oo ‘sang piraso ng talulot
na lumikha nang ‘alang kaparis na ligalig.

Ano bang meron sa ‘yong talulot
na s’yang dahilan upang ang aking dugong s’yang bumubuhay
sa aking mga ugat at laman ay umalimbukay?
‘Ala pa namang tigil na sa pag-alimbukay
hanggang sa nangalay noon ang aking kalansay
at ako’y napahandusay.

Pinaalala mo sa aking ‘di pala ako ‘sang manhid.

Napatingin ako sa batuhang lupa
at nanatili kang waring nakapamaywang
na gaya sa ‘sang magiting na ginoo
o mandirigmang Huk noong araw,
paglao’y waring ‘yong sinima ang aking anino
at dagling may gumitaw sa aking kaluluwa.
Nang araw pala na yao’y ang libing ni Padre Nilo sa kripta.
At sa ‘di malamang dahilan, ako’y napatayo
at napatingin sa langit na binalot na ng dagim.

Pinaalala mo sa aking ‘di pala ako ‘sang bulag.

Muli noong umihip nang malakas ang hangin
at sa ‘sang iglap ay nagbagsakan ang marami mo pang talulot.
Dahan-dahan ang kanilang pagbaba sa lupa, dahan-dahan.
At nang dumampi ang unang halik,
anong ligaya ko noong marinig
ang agunyas sa palupo ng mga kumakalansing mong dahon.

Pinaalala mo sa aking ‘di pala ako ‘sang bingi.

At ako nga noo’y nahimasmasan
nang sumabog sa aking harapan
ang tuyo mong bunga.
Nagtalsikan ang mga ito sa lahat ng lupalop
at nawasak ang rahuyo
sa tumpok ng apoy
na matiyagang nag-abang sa dibdib
ng gulis-gulis, magaspang ngunit sumusulak na lansangan
hanggang libingan.

Pinaalala mo sa aking ‘di rin pala ako ‘sang pipi.

Hanggang sa bumulusok ang matutulis na butil ng ulan
at lalong nagliyab ang mga damdamin.

June 15, 2018
Lunsod ng Kabanatuan, Nueva Ecija

Ang may akda ay dating bilanggong politikal, awtor ng Tuligsa at iba pang mga tula at National Fellow ng Palihang Rogelio Sicat para sa kategoryang Maikling Kwento.

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Tula] Live Show -ni Rene Boy Abiva

Live Show
ni Rene Boy Abiva

” ‘Wag lalaki, may bayad ‘to halik. Handa ka bang makipaghalikan?”
– Presidente Duterte

“ Ganito na lang, halika, halika

‘di ka ba pwede?

alam mo…wala na bang iba?”

‘ika ni Kanor

habang nandudumilat ang kanyang mata

sa kumpol ng mga tao sa kanyang harapan.

Maingay.

Sumulpot sa kanyang likod ang dalawang babae

at agad nagtawanan ang mga tao.

Malakas. Malakas na malakas.

Inilapit ni Kanor ang kanyang bunganga sa mikropono.

“May dalawa dito,

umakyat kayo, kako dito

‘pag hindi you share share ha kayo

wala akong ano.

Guard paki-guide.

Para fair, basahin mo dito

dito mo na lang basahin

maybe after you, give it to her.”

“Yes sir,”sagot ng babaeng kasama ni Bea.

Tatango-tango ang babae

habang si Kanor,

‘di mailayo ang titig sa dalawang babae

lalung-lalo na kay Bea.

Muling nagtawanan ang mga tao nang malakas.

“Dapat… I’ll be sending…” ‘ika ni Kanor.

“Thank you…thank you po.”

“Bigay ko ‘to sa kanya.”

“Thank you po.”

Napayuko at nagkamayan ang tatlo.

“You can finish that in two nights, one night” ‘ika ni Kanor

sabay idinuro ang kanyang hintuturo sa dibdib ni Bea.

‘Di n’ya ‘to napansin.

“Hehehe…ahhh!”sabay talon si Bea.

“Haayyy…ahh,”nang iilad-ilad na si Bea.

“Thank you, thank you sir ah,” sabay mano at halik

sa kamay ni Kanor.

Bonga si Bea.

Nag-ayos pa ng buhok habang napapatalon sa kilig.

Nang paalis na ang dalawang babae’y muli silang tinawag ni Kanor.

“ ‘Wag kang mag-amin-amin ‘dyan. Halika ka dito. Huy!”

Bumalik ang dalawang babae habang hawak ang libro.

Niliyad-liyad ni Bea ang katawan at inayos ang kanyang bangs.

Paglao’y napahagod ang sariling dila sa bibig

at napalunok sa libog si Kanor.

Hinawakan muli ni Kanor ang kamay

ng babaeng kasama ni Bea.

“Alam mo naman ang matanda. Ang beso- beso?”

Liliyad-liyad muli si Bea sa kilig

napa-abante at akmang ipapalapa ang sarili kay Kanor.

Magkahalo ang kanyang kilig, takot at kaba

na waring mapapaihi sa tuwa.

“Beso na po sir, beso!” ‘ika ng kasama ni Bea

sabay haplos sa balikat ni Kanor.

Nagbeso-beso nga sila.

Habang si Bea nama’y halos tumimbuwang sa kilig.

Lumapit si Bea

at idinuldol ni Kanor ang kanyang hintuturo sa kanyang labi.

Anong ligaya ni Bea.

Halos takpan n’ya ang kanyang mukha

gamit ang hawak-hawak na pitakang itim.

Akmang lalapit si Bea kay Kanor.

Nagtilian ang mga tao.

Malakas ang hiyawan.

Malakas na malakas.

“Dalaga pa?” ‘ika ni Kanor.

“Hindi po, meron na po”sabay inayos ni Bea

ang kanyang mahaba at kulot na buhok.

“Andito?”sabay dinuroni Kanor

ang kanyang hintuturo sa libumbon ng mga tao sa kanilang harapan.

“Meron po,meron po,” maikli at nahihiyang sagot ni Bea.

“ ‘Di naman kayo hiwalay?”

“Hi-hindi naman po,” sabay iling ang ulo.

Napatili muli si Bea.

Liliyad-liyad.

“Pero kaya mong sabihin na biro lang?” muling tanong ni Kanor.

“O-opo,” sagot ni Bea sabay tango.

“Pero magkiss tayo?” at muling idinuldol ni Kanor

ang kanyang hintuturo sa kanyang bibig.

Sigawan ang mga tao.

Halos mahiga na si Bea sa sukol langit n’yang ligaya.

Matagal na napatitig si Kanor kay Bea.

Habang si Bea nama’y ‘di malaman ang gagawin

kung hahalik ba o maghuhubad na lamang.

“Sige na paselosin mo na,” ‘ika ni Kanor.

“Bwahhht…” usal nang titilitiling si Bea.

Sasakmalin na s’ya ni Kanor.

Papalapit na ang bibig ni Kanor nang biglang magtakip si Bea ng mukha.

Nagtatantyahan.

Sumesenyas si Kanor gamit ang kanyang nguso.

“Sige na, sige na.”

Napapapikit si Bea.

“Sabay tayo, na maglapit,”hirit ni Kanor.

Pumikit si Bea at nanatili sa kanyang posisyon.

Habang ang ulo ni Kanor nama’y waring ibong Kalaw sa haba.

Dumapo ang kanyang bibig sa bibig ni Bea.

Napapikit si Bea.

Nagsigawan ang mga manonood.

Malakas na malakas.

Habang si Kanor nama’y ngiting diablo

na animo’y ahas na tinutukoy sa Paraiso ni Eden

at pinunasan ang kumapit na lipistik

sa kanyang bibig

gamit ang hintuturo.

“Salamat po Sir,” muling usal ni Bea.

Lumapit si Kanor at agad niyakap si Bea.

Tinapik-tapik ni Kanor ang balikat ni Bea.

Iba ang ligaya ni Kanor

habang ang mga tao’y anong ingay.

Nang makababa na sa entablado si Bea

ay muling napakamot sa ulo si Kanor.

‘Di mailayo ang tingin, ngingiti-ngiti at mukhang kulang sa kanya

ang mga nangyari.

Muling inilapit ni Kanor ang kanyang bibig sa mikropono.

“Sunod balik ko magdala ako ng marami,” ‘ika na anong tamis ang ngiti.

Muling tumili, nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao.

Anong ligaya nilang makapanood ng kahalayan.

Anong ligaya nilang makapanood ng halik ni Kamatayan.

Kinabukasan, naghuhumiyaw ang mga headline sa diaryo,

blah, blah, blah, sealed with a kiss.

Kinagabihan, nagkahamunan ang dalawang persona.

Ang isa’y bumida na sa pelikulang Feng Shui

habang ang isa nama’y kilalang sexy dancer, porn star at advocate ng Kamasutra.

Mahaba ang kanilang bangayan at pinag-usapan ng buong bayan.

“Gusto mo ng kaaway, ako. I am ready anytime, anywhere, harapan,” ‘ika ni Kris.

-Hunyo 8, 2018
Lunsod ng Queson, Pilipinas

Ang may akda ay dating bilanggong politikal, awtor ng Tuligsa at iba pang mga tula at National Fellow ng Palihang Rogelio Sicat para sa kategoryang Maikling Kwento.

 

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Tula] T’YAN-SA -ni VIC OBINA

T’YAN-SA
ni VIC OBINA

Hayun ang tambak!

May tyansa na bka may pagpag.

Tuwang-tuwa ang bitukang agad sumalampak

Hinalukay,kinamay, sa tyansang may makain

at sa tiya’y mailagay.

WALA! WALA! WALA!

Walang tyansang tira-tira na sa bituka’y ibabara,

basura ng lipunan ni pispis ng isda’y hindi man lang nagtira…

Humpak na mukha,impis na sikmura,

hindi na ba lolobo at malamnan kahit kaunting taba..?

Ang mga bituka’y nagmumura… Sapagkat ang tiya’y pagod na,

ang buong parte ay sawa na umasa,

sa basura ng estadong kinamkam na nila.

WALA! WALA! WALA!

Walang bulok na tinik na humalo sa hangin,

halimuyak ng iladong manok ay wala din…

SILA lan ang NABUSOG,SILA lang ang LUMUSOG,

laksa-laksang ganid, pati BULOK, NILUNOK…

Kulang ang maghapon,para makaipon.

Kailan ba AAHON,sa GUTOM n PANAHON,

LUWA na ang mata, sa pag-asam ng kita,

SUNTOK LAGI SA BUWAN,

ang pagkain sa lamesa.

TUNGKULIN MO YAN AT KARAPATAN KO YAN,

Sikmurang umaasa,SA kaing kaing n PAG-ASA

Heto ang bituka,sasanayin na lang ba,

sa pagyapos sa tambak, sa gutom at hamak?

HAYUN ANG TAMBAK!

BILIS!!! baka may TYANSA kahit

BILASANG DILIS.

Si Vic Obina ay isang alagad ng sining at teatro. Kasalukuyang Human Rights Education Program staff sa Task Force Detainees of the Philippines (TFDP).

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Tula] Patag Na Ngunit ‘Di Panatag Ang Nayon -ni Rene Boy E. Abiva

Patag Na Ngunit ‘Di Panatag Ang Nayon
ni Rene Boy E. Abiva

PATAG NA, PATAG NA
PINATAG NA ANG NAYON!

Unti-unti’y naglalaho na ang bukiring ipininta ni Amorsolo
New Clark City na daw ang uso ngayon
a city that is truly smart, clean and green
a city that is truly smart, clean and green
syudad na halaw sa mga bundok ng gusali
syudad na wawasak nang ‘alang pasubali.

Tinagpas na ng mga makinang pantabas
ang matatayog na puno ng niyog
ang akasyang daantao’ t maituturing na haligi ng kasaysayan
ang balangay ng mga saging na kakaway-kaway sa mga manlalakbay
at ang kawayang madalas i-ugoy ng hangin t’wing dapit-hapon.

Inukilkil ng tigatig at tigalgal
ang batalyon ng mga pipit, maya, tagak at kwago
na ngayo’y mga nangagsipaglayasan
na dati’y waring nakikisayaw sa palupo ng ginintuang palay
o nakikipagtagisan sa ibabaw ng mga palaisdaan
at pilit hinahamon ang mga tilapya, hito at dalag
na subukang lumipad nang makita nila ang ganda
ng buong nayon at daigdig.

Lumagitik ang buto ng mga nangagsipagtakbuhang kalabaw at kambing
nang kugkogin sila ng buldoser na animo’y pugita,
nagmatapang ang ilan at sama-samang inasalto ang dambuhala
hanggang sa mabalot ng kulay-lupang alikabok ang paligid
at paglao’y humugong ang alulong ng batang kalabaw at kambing
tumimbuwang ang kanilang ina nang pukpukin ng bakal na galamay,
lumangoy sila sa sarili nilang dugo at nangisay
kawawang mga paslit, kay bata-bata pa’y naulila na.

PATAG NA, PATAG NA
PINATAG NA ANG NAYON!

Tuyong-tuyo na ang dati’y sanga-sangang batis
animo’y ibinulid sa impiyerno ang noo’y rumarapido at malamig na ilog
mainit at marumi na ang likido nito
na parang laba na iwiniwisik minsan
ng noo’y nag-alburutong Bulkang Pinatubo.

Hinalinhan na ng tolda ang mga bahay-kubo at sawali,
dito nagsisiksikan ang mga mangagawang kumapit sa patalim
na pandayin ang daan tungong New Clark City
sa sentro’y nakatayo at nakapamaywang ang ‘sang Intsik
na lawit na lawit ang tiyan habang naka-tuksido
habang hawak ng kanan n’yang kamay
ang mahabang kadenang kumakalembang
na sa dulo’y nakakagat ang tutang askal
sa mga buto ng tao
kakahol-kahol ‘to at akmang ngangabngabin
ang sinumang magnanais bawiin
ang lupa sa kanyang tanawin.

Nalason na ang mga dati’y mabubuti’t kapanalig na bertud
laglag na ang kanilang diwa at panga
sa kwartang isinungalngal sa kanilang bunganga’t ispirito
at idinuldol sa kanilang manhid ng pusong yari sa marmol.

‘Ala na ang masigla at malusog na nayon,
‘ala na, ‘ala na…
mistula na ‘tong ‘sang malawak na sementeryo at disyerto
ni dagim ay iniwan na ‘to
sapagkat paano pa makalilikha ng ulap ang langit
kung ‘ala ng puno, damo, hayop at tao na sana’y kasiping ng himpapawid
sa pagbuo ng ulap ng mga pangarap?

NGUNIT ‘DI PANATAG ANG PINATAG NA NAYON
‘DI PANATAG, ‘DI PANATAG!

May natitirang ganda pa ang nayon
may natitira pa…
naka-ukit ‘to sa ala-ala ng mga magsasakang gaya ni Buscayno
ni Crispin, ni Dayang-Dayang, ni Saro, ni Roger,
ni Jacob, ni Rasul at Cadano
larawan na higit pa sa ipininta noon ni Amorsolo
o ng ibinabanderang syudad ng mga kapitalistang kuno’y pamoso
tama si Ka Daning sa pagsasabing ‘may bukas pa’
nakatindig pa si Arayat na s’yang kuta ng mga salamisim
na puno ng himagsik
o si Pinatubo na kaharian ni Apo Namalyari
na ubod ng bagsik,
na kada hapo’y sinusungkit ang langit
at umaasang sa bawat pagbuhos ng ulan,
ay sisibol mula sa mga guho
ang binhi ng mga taong mangangahas pihitin at kintalin ang kasaysayan
nang maganap ang hinihintay na paghuhukom.

Umaasa pa si Arayat at Pinatubo
na balang araw ay sasabog ang mga dagitab at bubuntong-hininga ang lupa
nang sa gayo’y magising sa kaululan ang buong nayon at bayan
lagi’t lagi’y dalangin nila
na sana’y magkalantugan ang karit, maso, pana at sibat
at dadayukdok ang himagsik sa mga nayon
nang madiligan ng dugo’t pawis ang mga natitirang sakahan
at sa pagpisik ng kidlat!
at sa pagpisik ng kidlat!
at sa pagpisik ng kidlat!
hahayaan nilang dilaan ng apoy ang pangkating taksil at tampalasan
na naroroon, nagtatago at nagkukuta sa Malakanyang!

SA GANITO MAPAPANATAG ANG NAYON
SA GANITO MAPAPANATAG ANG MGA NAYON.

Ang may akda ay dating bilanggong politikal, awtor ng Tuligsa at iba pang mga tula at National Fellow ng Palihang Rogelio Sicat para sa kategoryang Maikling Kwento.

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Tula] Turok ni Kamatayan -ni Greg Bituin

Turok ni Kamatayan

ang Dengvaxia’y pumaslang ng limampu’t pitong tao
ayon sa ulat na inilathala sa diyaryo
ang limampu’t apat dito’y bata, isang obrero,
isang pulis, isang doktor, aba’y kaytindi nito!

ayon sa pagsusuri, sumakit ang ulo’t tiyan
nilagnat, nagsuka, namaga ang internal organ
na nangamatay matapos nilang mabakunahan
aba’y nasayang ang buhay lalo ng kabataan

Turok ni Kamatayan, turing ngayon sa Dengvaxia
tila isinumpa ang kontrobersyal na bakuna
na kamatayan pala’y dala sa mga pamilya
sino na ang mananagot sa pagkawala nila?

mapaparusahan ba’y yaong nagturok na duktor
o ang dambuhalang kumpanyang Sanofi Pasteur
panlaban sa dengue na ito’y sila ang promotor
ika ng matatanda, nangyaring ito’y “que horror!”

mayorya’y batang may kinabukasan at pangarap
na nabiktima’t nadale ng mga mapagpanggap
kumpanya’y mayaman, mga biktima’y mahihirap
gobyerno ba’y malalagot, sa kanila’y lilingap?

laban sa dengue, dukha’y sa patalim nagsikapit
inakalang ang bata’y maging malusog sa pilit
hustisya sa lahat ng namatay ang aming hirit!
katarungan sa mga biktima’y dapat makamit!

– gregbituinjr.
– ang tula’y ibinatay sa balita sa pahayagang Bulgar, Mayo 28, 2018, na may pamagat ding “Turok ni Kamatayan”

Follow Greg Bituin Jr. @
Blogsite: http://matangapoy.blogspot.com/
Facebook: https://web.facebook.com/akdatulanigregbituinjr/

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Tula] ‘Di Terorista si Ama at Ina -ni Rene Boy Abiva

‘Di Terorista si Ama at Ina
ni Rene Boy Abiva

Narinig ni Asyong sa radyo:
tumaas na naman po
ang presyo ng mga sumusunod
at t’yak aaray ang inyong mga bulsa
at kukunot ang inyong mga pawisin
at makikintab na noo.

Tumaas kangina lamang umaga
ang matrikula
ang bigas
ang gasolina
ang tinapay
ang sigarilyo
ang galunggong
ang pamasahe
ang sardinas
ang asukal
ang karne
ang tubig
ang kuryente
ang sabon
ang shampoo
ang pestisidyo
ang abono
ang lahat-lahat sa merkado
‘ika ng gobyerno’y ‘ala ‘tong magagawa
kundi sumunod sa batas ng pandaigdigang pamilihan.

Naisip ni Asyong ang kanilang abang kalagayan,
limang taong kontraktwal sa pagawaan ng tsinelas
ang kanyang Ate at Kuya
kulang ‘sang dekadang labandera ang kanyang Ina
at dalawang taong street sweeper naman ang kanyang Ama.
Mababa ang sahod
maraming kaltas
kayat ang bunga ng paggawa sa ‘sang linggo’y
sapat lang upang bumuhay ng aso.
At buti pa noon ‘ika nila
nang ‘sang gabing magkakaharap sila
sa gegewang-gewang nilang hapag kainan,
“na kung ika’y kakahig noon ng isa
t’yak ika’y may matutuka
eh ngayon, sampung kahig ka na
alanganin pang ika’y may matuka.”

Nag-isip-isip ang kanyang Ama
balak n’yang bumalik at magsaka na lamang
sa kanilang Nayon, sa may Santa Barbara
kaso, nang maka-usap n’ya ang kanyang bunsong kapatid,
abay ‘ala na pala ang kanilang kapiranggot na lupa
inangkin na pala ito ng mga Intsik
pinalayas ang mga gaya nilang magbubukid
at paglao’y tinayuan ng mga dambuhalang Mall
ang bukiring dati’y nagkukulay ginto t’wing anihan.

Nalungkot ang Ama ni Asyong,
at ‘lang gabing ‘di ito nakakatulog
waring mababaliw ito
gayundin ang kanyang Ina
hanggang sa ‘sang araw,
nagiba ang paghahari ng panglaw
nang may ipabatid ang ‘sang grupo ng mga kabataan
na may malaking welgang magaganap
mananawagan daw ang mga maralita, manggagawa
magsasaka at kabataan
na gawing makamasa ang halaga ng mga kalakal
nang araw din na yao’y ‘alang kimi-kimi
dagling napa-‘oo’ ang Ama ni Asyong
waring ‘to na ang matagal n’yang hinihintay na kasagutan
“sasama ako sa gaya kong aba,
‘di lang naman ako ang magpoprotesta eh
sasama din naman sina Kumareng Maria at Belen,
gayundin si Kumpareng Boy at Atong
t’yak iisa ang dahilan namin
iisa ang dahilan namin.”
‘ika nito sa sarili.

Araw na ng welga at nagpaalam s’ya sa kanyang pamilya
iginayak ng kanyang payat at ‘ala ng dibdib na asawa
ang kanyang bag
na may lamang maliit na ‘sang tuwalya, dalawang damit
at maingat na ibinalot sa selopin
ang tirang kaning lamig at ‘sang piraso ng tuyo,
waring sasabak sa ‘sang malayong paglalakbay at digmaan
bago n’ya lisanin ang kanilang barung-barong
ay hinalikan n’ya muna ang kanyang kabiyak
pagkatapos ay humakbang s’ya pasulong
naglakad papalapit sa nagngangalit na bulto
ng anak-pawis.

Kinagabiha’y maaga s’yang naka-uwi
hapung-hapo matapos ang maghapong pagmamartsa
naupo sa harap ng nakatiwangwang na hapag kainan
at dagli naman s’yang tinabihan
ng kanyang kakatapos maglabang asawa
na noo’y basang-basa pa ang daster na suot
“ano ang resulta ng welga?” ‘ika nito,
“abay sa dami namin kangina’y t’yak diringgin ng mga opisyal
ang aming mga kahilingan
sa susunod pala na buwan ay may welgang magaganap na naman
dadalo muli ako doon.”
“ganun ba? Basta mag-iingat ka. ‘Lam mo naming mainit ang gobyero ngayon
laban sa mga Kaliwa,” mahinahong payo nito.

Maya-maya’y kumahol ang aso ng kanilang kapitbahay
galit na galit ‘to’t nais kumawala sa kanyang tanikala
maya-maya’y pumiyok ‘to na waring hinampas ng matigas na bagay
at biglang umaligawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril.

Praaaaakkkkkkk!

Nangamoy pulbura ang hangin
habang sa masikip na mga eskinita’y nangagsipagtakbuhan
ang pulutong ng mga tambay
pauwi na noon ang mga magkakapatid
at naging palaisipan sa kanila kung bakit nagmumula sa kanilang barung-barong
ang mga nangagsipagtakbuhan,
dagli silang lumapit at tumambad sa kanilang paningin
ang tahanan nilang tinadtad ng bala,
butas-butas at may mga patak ng dugo
pumasok ang tatlo at nagulat sila sa kanilang nakita
magkayakap ang ‘ala nang buhay nilang Ama at Ina
sa gilid ng lamesa’y may naka-ipit na palara
na markado ng mga salitang:
“mga suporter ng mga teroristang NPA, ubusin!”

Napaluhod ang magkakapatid
ang ‘sang balot ng pansit ay halos sumabog
sa higpit ng pagkakakuyom ng palad ni Asyong
gayundin ang kanyang mga kapatid
hanggang ‘sang araw sila’y naglaho
at ‘di na sila muling nakita pa sa iskwater na yaon
hanggang sa isang araw…
nakita s’yang ‘asa tuktok ng ‘sang dyip
nagsasalita, sumisigaw at nang-uupat
“ang aktibismo ay ‘di terorismo…
patuloy tayong nililinlang at inaapi ng iilan
kaya’t panahon na! panahon na!
upang ang mga gaya nating anakpawis
ay magkusot ng mata
at patibayin higit ang ating hanay.
Imperyalismo, ibagsak!
Burukrata Kapitalismo, Ibagsak!
Pyudalismo, Ibagsak!”

At sa t’wing ‘asa ibabaw s’ya ng dyip
sa katirikan ng araw ay kanyang nakikita
ang imahe ng kanyang
yumaong Ama at Ina na nakahalo
sa naghihimagsik na dagat at bulto ng mga api.

-April 18, 2018

*ang may-akda ay dating bilanggong politikal. Nakulong ng kulang limang taon at nakalaya lamang noong Agosto 1, 2017. Awtor siya ng TULIGSA at iba pang mga tula at National Fellow ng Palihang Rogelio Sicat. Photo from his FB.

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Tula] Ikaw ay Isang Ina -ni Von Adlawan

Ikaw ay Isang Ina
Ni Von Adlawan

Buti pa ang sinag ng araw nainag ka lagi
Buti pa ang sipol ng pinapakulong tubig
Ay nababatid at naririnig kahit paulit-ulit
at kirot ay nadadama mula sa tumatalsik
na pitik ng mantika sa laspag na kawali

Sino ka nga ba para kailangan pang alalahanin
Sasapat na minsan lang sa bawat taon sinasariwain?
daig ba ang pagpupunyagi sa lilim ng sinapupunan?
Upang mailuwal ka sa isang lipunang hindi tiyak
kung sa paglisan ko’y makita kang malaya?

Ikaw ay ina sa bawat sulok ng pag-gawa
Tangan mo ang anak na itinuring na kasangkapan
nagpupuyos ang talim ng tungalian sa aliping sahuran
kapitalistang nagpakasasa sa lakas ng iyong pag-gawa
hindi sapat upang maidaos ang kirot ng kagutoman

Ikaw ay isang Ina ng sanggol na inulila ng tokhang
Sa niluray na ang tahanan sa sumasabog na bomba
Nasaksihan mo ang panggagahasa sa estatwa
ng comfort women sa kaluluwa ng mga gahaman
binura na ang marka ng pagkapiit na labi ng digmaan

Ikaw ay isang ina sa kalayaang nilapastangan
At sa walong boto ng mahestrado’y pumaslang
sa naghihingalong demokrasyang ng bayan
nagluluksa ka habang tanaw ng iyong mga mata
ang ‘di masumpongang tangan ng katarungan

sa bawat labin walang paglalamay
sa bawat luha baka walang palatandaan
at baka sa puso ng mga anak mo makalimutan
ang kapalit ng kasukdulan ng pag-ibig sa bayan
na sa kanila’y nag-aruga’t inalay

umalab ka ng umalab sa huling gabi
ng paluluksa ay di na lungkot iluluha
kundi himagsikang tulad ng laba bubulwak
sa katahimikan ng takot at lagim ng bayan
ayaw naming mamanhid sa ugat ang kadakilaan!

Dadaloy nang muli ang dugo ng katarungan
Sisibol ang mga binhi sa tabunok na parang
Igagaod at sisindihan ang sulo ng kalayaan
hindi na kami muling mahahati ng kataksilan
kaming mga anak mo’y handa nang lumaban!

– Wakas-

Maligayang bati sa bawat Ina ng bayan!

Follow Vonn Adlawan @
Blog: https://vonadlawan.wordpress.com/
Facebook: @eastheticsofmargin

Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address and contact number.

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Tula] “double dead” Ni Von Adlawan

“double dead”
Ni Von Adlawan

EDCA ang putahing hinanda para sa bisita
sa isang pyesta ng mga dambuhalang buwaya
mga paanauhin ay dayuhang mga kapitalista
alok ay seguridad daw sa pambu-bully ng China

von adlawan

Double dead-ang kalayaan ay pinagpyestahan
regalo sa kanila’y libreng paliparan at daongan,
gamit ng lupa at karagatan sa kanilang pagsasanay
rest at recreation sa dayuhang sundalo’y inalay

Hali na at makipyesta sa aming bayan
aaliwin kayo ng paligsahan ng balikatan exercises!
aakitin kayo ng libreng bunot, linis, at pasta ng ngipin
hatid ng humanitarian actions na may deceptions!

Mga perya- sa karagatan inyong masasaksihan
sa suhol at sulsol nitong aming negosyanting banyaga-
yaman sa Spratly at West Philippines sea ang nakataya
isang laro, na peryante at negosyante ang may puhunan!

May APEC sa Nobyembre,Pinas ang host sa salu- salo
Ang tuwid na daan 10 Bilyon nilaan sa okasyong ito
habang ang kahirapan ikinanlong sa isang kwarto?
upang di masaksihan ang kahirapan ng mga dadalo?

Hindi imbitado ang mamamayang Pilipino
pati yaong mga kritiko ng kanyang pang gugobyerno
No permit no rali, bawal ang rali sa APEC mismo-
dapat daw isaalang-alang ang kapakanang publiko?

Punyeta! nakakalasong APEC eherhiya ay ininegosyo
Tila nakapili na ang pangulo sa katanongang;
Bayan o sarili, negosyo o kalayaan?
mamamayan Pilipino mamili tayo!

Ngunit sa pyesta ng eleksyon kayo ay embitado
mula kay mayor, congessman, senator at pangulo!
mga buhay ay namamatay, at patay ay nabubuhay!
hucos- PCOS machine magician sa bawat presinto!

Ilan ulit? ilan ulit ang bibilangin?
magkano ba ang bawat kaluluwa mo?
ilan pa bang undas ang gaganapin?
upang kayo naman ay dalawin?

Ito ang pyestang EDCA at APEC, nasa hukay ang kalayaan!
sa isang kinabukasang karimlan, tuyo bukas ang ulam !
naaliw ang iilan sa inclusive growth ng mga tuwid daw ang daan,
habang Albub sa tanghalian upang makalimutan ang sakit ng tiyan?

____________

EDCA- enhance defense cooperation agreement,
APEC- asia pacific economic cooperation

https://www.facebook.com/The-Margin-547271551958076/?fref=photo

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Tula] Walang pangalan ang mga namatay sa sunog sa Kentex ni Greg Bituin Jr.

Walang pangalan ang mga namatay sa sunog sa Kentex ni Greg Bituin Jr.

Vote for this article for the 5th HR Pinduteros’ choice awards…

Walang pangalan ang mga namatay sa sunog sa kentex ni Greg Bituin

Greg

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Tula] Taas Kamao ni Greg Bituin Jr.

Taas Kamao ni Greg Bituin Jr.

Vote for this article for the 5th HR Pinduteros’ choice awards…

80

Greg

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Literary] We All Cried Out: A Poem for ORLY by Darwin Mendiola

[Literary] We All Cried Out: A Poem for ORLY by Darwin Mendiola
February 24, 2015, Carpe Diem

Photo by Rommel Yamzon/TFDP

Photo by Rommel Yamzon/TFDP

Darwin 2

WE ALL CRIED OUT
WHEN Tado took his last ride,
Leaving us with his eccentric humor and wit to bite…

WE ALL CRIED OUT
WHEN Ka ROMY fought his final battle to cancer,
Leaving all workers to muse in how to break their own shackles…

WE ALL CRIED OUT
WHEN Typhoon Yolanda hit the south,
Leaving thousands unprepared with the nature’s wrath…

WE ALL CRIED OUT
WHEN Jennifer Laude was strangled to death,
Leaving the LGBTs to demand for justice and respect…

WE ALL CRIED OUT
WHEN the SAF 44 was killed in a bungled operation,
Leaving the public to wonder who made such a stupid decision…

WE ALL CRIED OUT
WHEN injustices and abuses were committed everyday,
Leaving victims and their families nothing left to pray…

WHILE WE ALL CRIED OUT
THIS GUY makes us all see the brighter side of life,
Bringing laughter when hope seems to be out of sight…

WE ALL CRIED OUT AGAIN
AS his LAUGHTER finally runs dry,
Leaving us without even saying goodbye …

BUT NOT ALL is LEFT in VAIN
While we bid FAREWELL TO YOU, OUR DEAR FRIEND!
We will always REMEMBER you right up to the END.

Source: dars0357.wordpress.com

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Tula] Mis-encounter? Ni Von Adlawan

Mis-encounter?
Ni Von Adlawan

Mis encounter by von adlawan

Sa gitna ng pagtatalo sa panukalang basic law
Nitong bagong kasunduan sa Bangsamoro
Marami ang namangha, mithiing kapayaan tunay’
Sa mga kapatid nating muslim makakamtanan na?

Ngunit binulaga ang lahat sa balita
bakbakan sa pagitan BIFF at SAF
Mga dugong dumanak sa tigang na damo
Sa gyerang pera- pera at habol ay pondo!

Maraming bilang ang nawalan ng buhay
PNP elite force natimbog sa sagupaan
pamilya’y nagluluksa sa kanilang bangkay
mahal sa buhay tuluyan nang nawalay

Ang kanilang bossing naghugas na ng kamay
tila ayaw madungisan ang mapitagang pangalan
Sa mga pangyayari- daw ay walang silang alam?
44 ka taong- namatay tila naligaw lang ng daan?

Sa Maguidanao ang US troops ay nakakampo!
Sa isang kumpas nito lahat ay areglado!
ilan pa ang bangkay ang bibilangain?
Ilan pang bala ang sasayangin?

Sa Mindanao, US troops ay nakabungad
Laging, dawit at sabit ngunit tikom bibig
Mga tuta nitong AFP, PNP magkaisang panig
Sa teroristang pakay daw banta sa seguridad

Isang kwento, pa ikot- ikot parang gulong
Mga sugat sa gyera na tila di nahihilom
Sa katas at dagta nitong likas na yaman
Makauring tunggalian tila nakabaon na karayom!

von adlawan

 

 

 

www.facebook.com/pages/The-Margin/

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Tula] Pasko ba? ni Vonn Adlawan

Pasko ba?
by Vonn Adlawan

Vote for this article for the 5th HR Pinduteros’ choice awards…

Pasko ba by Von Adlawanvon adlawan

Pasko ba?
mga ilaw sa lansangan
ibat- ibang kulay
ngunit tila iisa ang kulay
ng paparaming pulubi
sa kalsada, parke, palengke

Pasko na ba?
taun- taon may galak
christmass bunos, 13th month pay
para sa noche buena
ngunit sa kontrktwal na manggagawa
pangamba, ligalig, kaba!

Sa susunod na taon tanggalan na!
6 months lang kasi ang kontrata
maghahanap, maghahagilap sa kalsada
baka sakaling may pa kontrata!
walang pambiling pagkain, gatas, bigas
Pasko ba talaga?

Bakit pasko?
pasko ba matatawag
ang pagtaas ng MRT- LRT?
itinaon ng Pamahalaan sa bakasyon
dagdag na pasanin
dagdag na gastusin!

Inaprobahan ng korte
ang hiling ni Pemberton
na isuspende muna ang hearing
sa kaso nyang murder
ipinagdidiwang ni Pemberton ang balita!
Nagluluksa ang sambayanan sa makita!

sapat ba ang noche buena
mga paputok, ilaw, pagkain?
upang pasko’y matatawag na maligaya?
ilan taon, buwan, araw pa ang bibilangin,
upang ang pasko at bagong taon natin
hustisya sa sinapupunan ay maisisilang?

December 23, 2014
12nn

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Literary] The Planned Disappearance

Asian Human Rights Commission

ASIA: The Planned Disappearance

Following is a poetic response to ASIA: Wounds in the souls of the members of disappeared people’s families can never be cured, which appeared yesterday (September 26, 2014)
by John Joseph Clancey

Will there be another tomorrow?
Or, just another wife’s sorrow,
caused by her husband’s disappearance?
Will I hear my new-born baby’s cry?
Or, will she hear her mother’s sobbing sigh,
wondering about her husband’s disappearance?
Will I be sitting with my father in the Church pews?
Or, will he be constantly waiting for news,
since the first day of his son’s disappearance?
Will tomorrow be another worry-filled day?
Or, perhaps bring a much more creative way,
to avoid the inevitable disappearance?
So many have just gone, without a trace.
Does anyone know the precise time or exact place,
of their ultimate disappearance?
Can I ensure another tomorrow?
And prevent some further sorrow,
by disappearing before the planned disappearance?
For Basil Fernando,
who, in 1989, faced the dilemma:
to disappear or be disappeared.

AHRC-ART-077-2014-1.jpg(John Joseph Clancey is a Hong Kong lawyer and the chairperson of the Asian Human Rights Commission ( AHRC) )

About AHRC: The Asian Human Rights Commission is a regional non-governmental organisation that monitors human rights in Asia, documents violations and advocates for justice and institutional reform to ensure the protection and promotion of these rights. The Hong Kong-based group was founded in 1984.

Read this Article online

Visit our new website with more features at http://www.humanrights.asia.

FOR IMMEDIATE RELEASE
AHRC-ART-077-2014
September 26, 2014

An Article from the Asian Human Rights Commission

Asian Human Rights Commission

 

 

 

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Literary] We never learn! by Von Adlawan

We never learn!
by Von Adlawan

September 21, 1972
It might be just a number
or a routine of ordinary day
but for others a stained in their diary!

That day for activist was rare
’cause- street is sanctuary
of voiceless protest,
becoming a spark creating fire!

That day for laborers
initiated baptism of fire
unity becomes power
La tondenia saw the fire!

Urban poor gathered spear
Parola armor has geared
With Holy Father’s blessing
The priest has embarked in plain!

Student activists created
streets as source of wisdom,
truncheon and water canon
their butter and bread!

Student leaders defined
their leadership for the masses
Makamasa, Makabayan….
a platform defined by surged of time

Lean has stood up!
contending Marco’s Brilliance
NDs has rejoiced with pride
Lean has to give the price!

Now the fascism has gone,
In wax covered with glass
democracy so thought to lived
and freedom has in grave!

To commemorate once again
This 21st of September
is just like a story, being retold
the moral and lesson we forget!

(A poem dedicated for he unsung heroes against State suppression in Martial law time)

von adlawan

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Tula] Ang PAGBABALIK ng saTANas na anino sa PAL. Ni Rio Ejercito Monge

Ang PAGBABALIK
ng saTANas na anino sa PAL
Rio Ejercito Monge

Rio Ejercito Monge

sa bwan ng pag gunita ng DIKTADURA
may gumuhit ding balitaang
lahat ay nabalisa
may bahid ng pangamba
bakit nga ba hindi?
Gayong hindi tao
Ang tingin sayo
Ng kapitalistang kaharap mo
Sa mangagawang kulang na lang ay duraan
Sagarin sa laman ang grabidad ng pakinabang
Kahit pa na sa DIGNIDAD at KARAPATAN hubaran
Ngunit kasaysayan na ng nagsalita
Sa NAGKAKAISANG hanay
Tiyak na tikas paninindigay hindi dadapa
Muling gigiit ang tapang na sinubok at pinanday
At boses na naghumiyaw ng pag papatotoo
KILUSANG PAGGAWA AY HINDI PA PATAY
At ang tagumpay ng PALEA
Kailanman ay hindi kailanman
Mawawaldas ng anumang banta sa kanilang uluhan
Bagamat itoy isang hamon na susuungin
At tiyak na susubukin ang kontra pwersang
Uunday sa kanya
Tiyak na ang MULING TAAS KAMAO
MATATAG NA KAPIT BISIG ng uring proletaryo
Ang sya mismong BABAYO sa pag durog sa
Sinumang hahablot sa kanyang labang napagtagumpayan
Kailanman ang hakbang ay walang ATRASAN
Sapagkat sa anumang oras at panahon …
SULONG PALEANS !

https://www.facebook.com/notes/rio-ejercito-monge/ang-pagbabalik-ng-satanas-na-anino-sa-pal/847924545226634

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Tula] Habang Tumatagas ang Dugo sa Gaza. Ni Greg Bituin

Habang Tumatagas ang Dugo sa Gaza
Ni Greg Bituin

Habang tumatagas ang dugo sa GAZA by Greg Bituin

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

 

[Tula] Di sila namatay na bigo. Ni Gregorio V. Bituin Jr.

Di sila namatay na bigo
ni Gregorio V. Bituin Jr.

Di sila namatay na bigo

Greg

 

 

 

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

« Older Entries Recent Entries »