Tag Archives: José Rizal

[Tula] Sugat na walang hilum -Ni Teng

December 30, 1896- isang paspaslang
hudyat ng pagpapaalam sa sinisinta
ihahanda ang katawan sa panandaliang
halimaw na kirot ng tulis ng bakal
mula sa armas ng dayuhang baril
ito’y sugatang dibdib ni Sisa
Pagal n’yang katawan ay binurol
ang makabayang adhika’y naglalamay

Sa mga sugat ng pagibig sa Bayan
pagdalaw ng pirasong ala-ala ni Ibarra
Sa amang ikinulong paglilitis ng husga!
Tanging liham ang siyang pamana
aklat na pamana sa mga anak na naulila
maitala ang kataga ng kalayaang sinta

Maputla ang kalangitan sa iyong pagpanaw!
nagpupusyos sa galit ang mga kapatid na naiwan
pinaslang ka ng naghaharing uri
noong wala pang Riding in Tandem
noong wala pang salitang EJK

Ngayon’y nagbabalik ang yabag ng mga naulila
mga kabataang pinaslang ng maling akala
likha ng dikta sa ng gyera kontra droga
tulad mo’y narinig mo ang hiyaw ng mga inang naulila
habang paluhod kang bumagsak sa lupa’y
dahan dahang pagpikit ng iyong mga mata
luha’t dugo’y matutuyo sa tigang nang lupa

Ang baril na siyang bumiyak sa iyong dibdib
siya ring dugong bumulwak sa tama ng bala
Mula sa gapos ng tanikala- likha nitong banyaga
At dusta ng punlo sa puso nitong aping makata
At nang masaksihan ikaw aking inang lumaya

Himlay mo’y; pinagdiwang ni Damaso,
Sa iyong paglisa’y nag- iwan ng ligalig
Sa mga mananakop na dayo
nagpapaalab sa damdamin ni Simoun
nagpapatalas sa diwang makabansa ang tumugon

Ang dugong tumagas mula sa dibdib
Ay pamana- butil na ipinunla sa tinubuang lupa
tubig na umagos didilig pagsintang alay
uulanin ka ng liwanag ng magiting na haring araw
Sisibol ng matarik ang kasarinlan!

Itinumba ka ng bala mula sa prayle sa Espanya
Balang ginamit, kalawang ang aangkin
Ngunit ang pagal mong katawan ay buhay na diwa
Inilibing, ibinurol, sa lupang labis mong giliw
Kailan man, ang iyong kaisipan di magmamaliw

(pagsaludo sa kabayanihan ni Jose P. Rizal, para sa Kasarinlan)

December 30, 2016

(revised Dec 30, 2017)

#DEC30JoseRizal
#Rizaldeathanniversary
(Pinta ni Von Adlawan)

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc.

[Blog] Ang Pagpapatuloy ng Bulag na Pagdakila: si Jose Rizal by Jose Mario De Vega

Ang Pagpapatuloy ng Bulag na Pagdakila: si Jose Rizal, “Josie” at ang kagaguhan to the max ng ilan nating mga kababayan daw

Vote for this article for the 5th HR Pinduteros’ choice awards…

What the fuck is so sancrosanct with the name? What the hell is the matter with the name of the so-called national hero of this land that it cannot be a subject of an intellectual discourse and literary/virtual image? What is so sacred with the name Rizal?

Mario De Vega

Ayon sa ulat ng GMANetwork, Lifestyle/Art and Culture, “NCCA to study ‘Josie Rizal’ Tekken character issue, look at legal aspect”, April 3rd:

“The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) said in a press statement Thursday that it is “studying what actions it may take on the issue of the name and image of Dr. Jose Rizal” being used for the “Josie Rizal” Tekken 7 character.

“NCCA Chairman Felipe de Leon Jr said the NCCA will be working with the National Historical Commission of the Philippines (NHCP) to study the legal aspect of the issue.

“De Leon also said in the statement posted on Facebook (wala na ang statement daw na ito sa FB kaninang alas onse ng gabi nung pinindot ko! Anyare? Asan na?) that Dr. Leodenito Cañete’s opinion on “Josie Rizal” “is not reflective of the stand of the Commission” and added that Cañete “is not an NCCA official” nor is he a member of any NCCA national committee.”

Komentaryo:

Ano ang signipikasya ke si Machete, este si Canete pala ay hindi opisyal ng NCCA? Ano din ang pakialam namin kung siya man ay hindi kasapi ng pambansang komite ng NCCA gayong kahit siya ay hindi opisyal ay pinag-aaralan naman daw ng NCCA kung ano ang posibleng hakbang o aksyon na kanilang gagawin hinggil sa isyu ng pangalan at imahe ni Dr. Jose Rizal na siyang ginamit diumano para sa karakter ni Josie Rizal ng larong Tekken 7.

Ibig kong malaman, ano ang magiging batayan ng kanilang legal na hakbangin kung saka-sakali?

Nais ba nilang sabihin sa buong mundo na walang karapatan ang sinumang artista o alagad ng sining o manunulat o video game creator na lumikha ng karakter na malapit o kagaya o kauri o hango sa pangalan at “imahe” ni Dr. Rizal?

Pag-aari ba nang mga hunghang na mga yaon ang pangalan at imahe ni Dr. Rizal?

Nakalimutan na kaya ng mga hangal na ito na saan mang legal na hurisdiksyon na gumagalang, sumusunod at tumatalima sa unibersal na deklarasyon ng karapatang-Pantao (Universal Declaration of Human Rights) na ang karapatan sa pamamahayag at pagpapahayag ay mga karapatang hindi maaaring baliin o putulin o bawasan o labagin ng sinumang estado at pamahalaan na miyembro ng Nagkakaisang Bansa (UN) at ang mga karapatang ito ay hindi lamang iginagalang kundi manapa ay sinasamba’t ibinabantayog!?

Ibig ko ding itanong sa mga gago na ito, kung sakali mang sila ay magrereklamo o magdedemanda doon sa lumikha ng karakter ni Josie, ano ang kaso o sakdal na kanilang isasampa?

Nasaktan ang kanilang mga damdamin dahil sa isang karakter sa isang video game na ang tunog ng pangalan ay malapit sa kanilang ilustradong pambansang bayani?

Bwahahahahahahaha! Ito ay isang napakalaking katarantaduhan at lantarang kabuhungan!

Nais ko ding itanong, kung saka-sakali, saang korte nila isasampa ang kanilang tukmol at impertinenteng kaso?

Hindi ko maintindihan kung ano ang ipinaggagalaite ng mga eng-eng na mga nasyonalista daw na mga ito. Ano ba ang peg nyo na mga leche kayo? Push kayo ng push na mga punyeta kayo, eh ano ba ang ipinaglalaban nyo? Hindi ko carry ang lebel ng inyong mentalidad! Para sa akin, dapat kayong sunugin o dili kaya ay sabay-sabay na ipagbibigti doon sa Torre de Manila!

Ang pagmamahal ba ninyo sa bayan o sa bayaning sa tingin ninyo ay nabastos ay naipapakita lamang sa ganitong pamamaraan?

Superpisyal at mababaw ang inyong nasyonalismo, sa aking pananaw!

Wala na ba kayong magawa (ang mas higit pa ngang tanong ay kung ano ba ang inyong makabuluhang ginagawa?) kung kaya’t pati ba naman isang likhang karakter sa larong Tekken 7 na ang pangalan ay malapit kay Jose Rizal ay pinag-aaksayahan ninyo ng oras?

Unang punto:

Kayo ba ay mga bopols to the core at mangmang to the max na hindi ninyo kayang makita ang naghuhumindig na katotohanan na si Jose Rizal at si Josie Rizal ay magkaiba?

Ang una ay totoong tao na nabuhay at namatay, samantalang ang huli ay isang likhang karakter lamang. Si Jose ay lalaki, samantalang babae naman si Josie!

Nasaan ang pangbabastos dito? Oh, dahil ba sa kaaya-aya (o maiksi, kaya malaswa?) ang kasusuotan ni Josie? Eh, kung pinagsuot kaya siya ng damit tulad ni Maria Clara, eepal pa din ba kayo?

Ikalawang punto:

Kung halimbawang gumawa kaya ng karakter na Andrea Bonifacio o Emily Jacinto sa DOTA, ganito din kaya ang inyong magiging reaksyon?

Aminin na ninyo ang katotohanan, wala lamang kayong magawa at kayo ay nutnutan ng pagka-bias kay Lolo Pepe.

Ang katotohanan, ang inyong nasyonalismong elitista ay nakabatay sa favoritismo!!!!

Ikatlong punto:

Nais kong muling itanong:

What the fuck is so sancrosanct with the name? What the hell is the matter with the name of the so-called national hero of this land? What is so sacred with the name Rizal?

Ikaapat na punto:

Bakit ba tuwing si Jose Rizal ang nasasangkot, ngunit ang katotohanan ay hindi naman siya sangkot, ngunit ipinilit ninyong sangkot ay tila kayo ay nababaliw at nabubuwang?

Sa isyu ng Torre de Manila, hindi pa ito tapos ngunit ano ang inyong pinaggagagawa (at patuloy na ginagawa)?

Ngayon naman ay ang isyu na ito na tulad sa Torre de Manila ay wala ding kakuwenta-kuwenta at totoong walang katuturan!

Hindi ko talaga maintindihan ang ilan sa ating mga kababayan hinggil sa kanilang masidhing pagtutol sa nasabing tore at doon sa video karakter ni Josie!

Iniisip ko, hindi ko lamang alam kung naiisip din nila, ano ba ang higit na mahalaga at mapagpasya sa buhay, kultura at kaluluwa ng isang bansa; yaong punyetang tore na yon o yaong bayani na nasa unahan nung nasabing tore?

Mahalaga ba kung matuloy o hindi ang karakter ni Josie sa buhay ng ating bansa? Nakasalalay ba ang dangal at reputasyon ng bayang ito sa karakter ng isang babae sa video game?

Daming suliranin ng kupal na bayang ito, bakit hindi yaon ang pagtuunan natin ng pansin?

Araw-araw tayong binababoy ng mga Beho sa loob mismo ng ating teritoryo, ano ang ginagawa natin hinggil sa bagay na ito?

Yaong talamak nating suliranin sa korapsyon, ano ang ating ginagawa upang dalhin sa hustisya ang mga putang-inang naglalakihang mga magnanakaw sa kaawa-awang bayang ito?

Sa pangyayari sa Mamasapano, muling ipinakita doon (ang matagal na nating alam) na hanggang ngayong ay mga tuta pa din tayo ng mga imperyalistang Kano, ano ang ating ginagawa hinggil sa karima-rimarim na katotohanang yaon?

Kung totoong tayo ay mga nasyonalista at tayo’y gumagalang kay Dr. Jose Rizal, bakit wala tayong ginagawa laban sa korapsyon? Laban sa mga arogante at ganid na mga Beho? Laban sa mga imperyalistang Kano?

Anong klase tayong bansa?

Ang nasyonalismo ba natin at pagmamahal sa bayan ay nakabatay lamang sa mga pangalan at imahe ng ating mga bayani?

Putang-ina! Ito ay oportunismo, hipokrasya at pekeng nasyonalismo! Walang saysay na pagmamahal kuno ito sa bayan!

Ang tunay na nasyonalismo ay ang mismong pagsasabuhay ng mga diwa, aral, prinsipyo, paniniwala at mga batayang pilosopiya ng ating mga bayani na kanilang ipinaglaban, pinagsakrispisyo at pinagpakamatayan!

Ang tunay na pagmamahal sa bayan ay literal na pagmamahal sa bayan, sukdulang ito ay umabot sa pagbububo natin ng ating mga dugo at pagbubuwis natin ng ating mga buhay!!!

Bakit tayo nagsasayang ng panahon sa usapin ng tore at video karakter?

SHAME ON US ALL!!!

SUMPAIN TAYO NG KASAYSAYAN!

HATULAN TAYO NG LANGIT AT NG BAYAN!

MULTUHIN TAYO NG TUNAY NA DIWA AT LEHITIMONG IMAHE NG TUNAY NA SI DR. RIZAL!!!!

Jose Mario Dolor De Vega

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Blog] Dalawang Jose, dalawang Bayani. Ni Gregorio V. Bituin Jr.

Dalawang Jose, dalawang Bayani
ni Gregorio V. Bituin Jr.

Nanalasa ang bagyong Jose sa bansa nitong nakaraang linggo. Kasagsagan ng bagyong Jose ay pinatutugtog naman ang Lolo Jose sa radyo, isang awitin ng pagmamahal ni Coritha sa kanyang matanda. Hanggang sa pumasok sa aking isipan ang dalawang bayaning may pangalang Jose.

Greg

Nakilala ko si Rizal noong elementarya, at sa maraming dako ay may makikita kang rebulto ni Rizal sa Maynila, habang nakilala ko si Marti noong ako’y maging aktibista, at minsan ay nakakadalo sa talakayan ng samahang Philippine-Cuba Friendship Association, sa panahong may embahada pa ang Cuba dito sa Pilipinas. Narito ang maikli kong sanaysay hinggil sa dalawang Jose.

Pambansang bayani ng Cuba si Jose Marti. Pambansang bayani naman ng Pilipinas si Jose Rizal. Pareho silang makata at manunulat sa panahong sakop ng bansang España ang kani-kanilang bansa. Pareho silang naghangad na mapalaya ang kanilang bansa mula sa pananakop ng mga Kastila.

Si Jose Marti ay isinilang sa Havana, Cuba noong Enero 28, 1853. Si Jose Rizal ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Si Jose Marti ang panganay sa walong magkakapatid; si Jose Rizal ay pampito sa labing-isang magkakapatid.

Pareho silang may napakaraming kapatid na babae. Pitong babae ang kapatid ni Marti. Siyam na babae ang kapatid ni Rizal.

Pareho silang pintor at iskultor. Si Jose Marti ay nag-aral sa Professional School for Painting and Sculpture. Si Jose Rizal naman ay natuto ng pagpipinta sa ilalim ng sikat na pintor na Kastilang si Agustin Saez, at ng paglililok sa ilalim ng gabay ni Romualdo de Jesus.

Pareho silang nagsulat ng dula sa wikang Kastila. Isinulat ni Jose Marti ang “Amor con amor se paga”.(Love is Repaid with Love). Isinulat naman ni Jose Rizal ang “El Consejo de los Dioses” (Council of the Gods) na inilathala sa Maynila ng Liceo Artistico Literario de Manila noong 1880, at sa La Solidaridad noong 1883.

Pareho silang makata, at nagsulat ng mga tula sa wikang Kastila. May tatlong kalipunan ng tula si Marti, at ito ang Ismaelillo (1882), ang Versos sencillos (1891), at Versos libres, na pawang sinulat noong dekada ng 1880, ngunit nailathala lamang noong 1913. Noong Oktubre 4, 1882, hinilingang tumula si Rizal ng mga kasapi ng Circulo Hispano-Filipino, kaya tinula ni Rizal sa harapan nila ang kinatha niyang “Me piden versos” sa pulong na ginanap sa bahay ng isang Pablo Ortiga y Rey. Nagsulat ng tula si Rizal sa iba’t ibang lugar na kanyang napuntahan. Tinalakay naman ni Rizal ang Arte Metrica del Tagalog (Ang Sining ng Tugma at Sukat sa Tagalog) na kanyang binigkas sa wikang Aleman (at isinalin niya kalaunan sa Espanyol) sa Sociedad Etnografica sa Berlin noong Abril 1887, at inilathala ng naturang samahan sa taong ding iyon.

Pareho silang may tulang pinaghalawan ng awit. Bahagi ng tula ni Jose Marti sa kanyang aklat na “Versos Sencillos” (Simple Verses) ay ginawang awit, ang “Guantanamera” na naging makabayang awitin ng Cuba. Ang dalawang taludtod ng tulang Sa Aking Mga Kabata, na umano’y isinulat ni Jose Riza noong siya’y bata pa, ay ginamit sa isang sikat na awitin ni Florante. Ayon sa awiting Ako’y isang Pinoy ni Florante: “Si Gat Jose Rizal nuo’y nagwika, siya ay nagpangaral sa ating bansa, ang hindi raw magmahal sa sariling wika, ay higit pa ang amoy sa mabahong isda.” Gayunman, may mga bagong saliksik ngayon na nagsasabing hindi kay Rizal ang tulang Sa Aking Mga Kabata.
Magandang sangguniin hinggil sa usaping ito ang aklat na Rizal: Makata ni Virgilio S. Almario, pambansang alagad ng sining para sa panitikan.

Pareho silang nagsulat ng kwentong pambata. Inilathala ni Jose Marti ang La Edad de Oro, na isang magasing pambata, habang sinulat naman ni Jose Rizal ang mga kwentong Ang Pagong at ang Matsing, at ang kwentong Apoy at Gamugamo.

Pareho silang nagsulat sa pahayagan. Si Jose Marti ay nagsulat sa mga pahayagang Opinión National (ng Caracas, Venezuela), La Nación (ng Buenos Aires sa Argentina), New York Sun, El Partido Liberal, La República, El Economista Americano, at La Opinión Pública. Nagsulat din siya sa mga pahayagang lihim na El Diablo Cojuelo at La Patria Libre. Ang artikulong “Amor Patrio” ni Rizal ay nalathala sa Diaryong Tagalog, at bilang isa sa mga haligi ng kilusang propaganda, ay nagsulat siya ng mga artikulo sa La Solidaridad na nakabase sa Madrid sa España.

Pareho silang naging tagasalin (translator). Isinalin ni Jose Marti ang Mes Fils (Aking Mga Anak) ni Victor Hugo, mula sa wikang Pranses tungo sa Wikang Kastila, at ito ang Mis Hijos. Ang Ramona ni Helen Hunt Jackson na nasa wikang Ingles ay isinalin ni Marti sa Espanyol. Isinalin din ni Marti ang mga teksto mula sa larangang diplomatiko, pilosopiya, kasaysayan, panitikan at pulitika. Isinalin naman ni Jose Rizal ang dulang William Tell mula sa wikang Aleman sa wikang Tagalog. Isinalin din ni Rizal sa wikang Kastila mula sa wikang Aleman ang kanyang Arte Metrica del Tagalog, na nabanggit na sa unahan. May salin umano si Rizal mula sa wikang Kastila tungo sa wikang Ingles ng Sucesos de las Islas Filipinas (Events in the Philippine Islands) ni Antonio Morga noong 1890, kasama ang kanyang anotasyon.

Pareho silang kumuha ng espesyal na pag-aaral upang maging propesyunal. Si Jose Marti ay kumuha ng abugasya at nagtapos ng pagkaabogado. Si Jose Rizal naman ay kumuha ng medisina at nabigyan ng Licentiate in Medicine noong Enero 21, 1884, ngunit hindi nagawaran ng diploma sa pagka-doktor dahil hindi niya naipasa ang tesis na kinakailangan sa gradwasyon. Nag-espesyalisa siya sa optalmolohiya sa Paris at Alemanya upang magamot niya ang mata ng kanyang ina.

Pareho silang naglakbay sa iba’t ibang bansa. Naglakbay si Jose Marti sa Mexico, Guatemala, Amerika, Haiti at Dominican Republic. Naglakbay naman si Jose Rizal sa España, Singapore, Pransya, Colombo, Hongkong, Japan, Alemanya, Belgium, at Switzerland.

Pareho silang nag-asawa ng dayuhan. Napangasawa ng Cubanong si Jose Marti si Carmen Zayas ng Guatemala, at ikinasal sila noong 1877. Napangasawa naman ng Pilipino si Jose Rizal si Josephine Bracken ng Britanya, at ikinasal sila ilang oras bago bitayin si Rizal.

Kapwa nila ipinahayag ang dalamhati sa mga pinaslang na mahahalagang tao sa kasaysayan. Si Jose Marti ay sa pagkapaslang kay Abraham Lincoln, habang si Jose Rizal ay sa pagbitay sa tatlong paring Gomburza, kung saan niya inalay ang kanyang nobelang Noli Me Tangere.

Pareho rin silang nagkaroon ng isang anak na lalaki. Pinangalanang Jose ang anak ni Jose Marti at nabuhay ito ng matagal. Namatay naman ang anak ni Jose Rizal ilang araw matapos itong isilang. Pinangalanang Francisco ang bata bilang paggunita sa kanyang ama.

Parehong napiit at ipinatapon sina Jose Marti at Jose Rizal. Si Jose Marti ay sinentensyahang mabilanggo ng anim na taon ng matinding paggawa (hard labour). Dahil sa tulong ng kanyang mga magulang, napaikli ang kanyang sentensya, ngunit pinatapon siya sa bansang España. Si Jose Rizal naman ay ibinilanggo sa Fort Santiago mula Hulyo 6, 1892 hanggang Hulyo 15, 1892 bago siya ipinatapon sa Dapitan. Muli siyang ikinulong sa Fort Santiago noong Nobyembre 3, 1896 hanggang sa umaga ng kanyang kamatayan noong Disyembre 30, 1896.

Pareho silang kinilala ng mga lumalaban sa kasalukuyang sistema ng lipunan. Kinilala si Jose Marti ng rebolusyonaryong si Fidel Castro. Si Jose Rizal naman ay kinilala ng mga anarkistang Pilipino, dahil sa bida niyang si Simeon na nais pasabugin, sa pamamagitan ng regalong lampara, ang pagtitipon sa isang bahay bilang hudyat ng isang pag-aalsa ng taumbayan.

Pareho nilang hinarap ang kanilang kamatayan. Noong Mayo 19, 1895, napatay si Marti habang nakikipaglaban sa mga pwersang Kastila sa Dos Rios kung saan pinangunahan niya ang paglusob. Hinarap naman ni Jose Rizal ang kanyang kamatayan sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896.
Anupa’t sina Jose Marti at Jose Rizal ay kinilala ng kani-kanilang kababayan. Marami silang pagkakapareho ngunit marami ring pagkakaiba.

Pareho silang ginawang simbolo ng pakikibaka sa kani-kanilang bansa. Kasama si Marti ng mga rebolusyonaryong Cubanong sina Heneral Maximo Gomez at Heneral Antonio Maceo sa pakikipaglaban upang mapalaya ang Cuba sa kamay ng mga Kastila. Upang madali namang magkakilanlanan ang mga Katipunero, bukod sa Gomburza’y ginamit nilang koda (password) ang Rizal. Subalit hindi naging lider ng rebolusyon si Rizal. Sa katunayan, itinakwil niya ang rebolusyon, lalo na ang kilusan nina Bonifacio at ng mga Pilipinong lumaban upang matamo ang kalayaan.

Si Jose Marti ay kinilalang pambansang bayani ng Cuba. Si Jose Rizal ay kinilalang pambansang bayani ng Pilipinas, ngunit maraming nagsasabing siya ay American-sponsored hero, dahil tinanggihan niyang maging pinuno ng rebolusyon para sa kalayaan ng bayan. Gayunman, hindi matatawaran ang tapang at kabayanihan ni Rizal sa ginawa niyang pagharap sa mga balang ipinutok sa kanya.

Narito ang ilang tula nina Jose Marti at Jose Rizal hinggil sa pagmamahal nila sa kanilang bansa, na aking isinalin sa wikang Filipino.

NABUHAY AKO BAGAMAT AKO’Y NAMATAY (Tula 26)
ni Jose Marti
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod

Nabuhay ako bagamat ako’y namatay
Na nagpapahayag ng mahusay kong tuklas
Sapagkat kagabi’y aking naging patunay
Pagmamahal ang pinakamagandang lunas.
Kapag tinimbang sa kurus, ang isang tao
Ay resolbadong mamatay para sa wasto
Gagawin niya ang lahat ng kabutihan
At uuwing pinaliguan ng liwanag.

PINAG-ISA TAYO NG CUBA
ni Jose Marti
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
14 pantig bawat taludtod

Pinag-isa tayo ng Cuba sa dayong lupa,
Banaag sa Cuba yaring awit ng pagsinta:
Cuba ang iyong puso, aking langit ang Cuba
Sa iyong aklat, ang Cuba ang aking salita.

AWIT NI MARIA CLARA
ni Jose Rizal
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod

Kaytamis ng mga oras sa bayang tinubuan,
kung saan magiliw yaong araw na kumikinang
Simoy yaong buhay na winawalis yaong parang
ang pagsinta’y magiliw, tahimik ay kamatayan.
Naglalaro sa mga labi’y mainit na halik
habang nakaharap sa aming ina kami’y gising
pinapangarap siyang yapusin ng mga bisig
mga mata’y ngumiti habang sila’y nakatitig
Kaytamis kung mamamatay sa bayang tinubuan,
kung saan magiliw yaong araw na kumikinang!
Simoy yaong kamatayan sa sinumang nilalang
na walang pag-ibig, walang ina, at walang bayan!

Pinaghalawan:
http://www.poemhunter.com/jose-rizal/
http://www.poemhunter.com/jose-marti/
http://allpoetry.com/
http://www.kirjasto.sci.fi/josemart.htm
http://www.translationdirectory.com/articles/article1670.php

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[In the news] RockEd’s ‘Kaninong Anino’ video: If Jose Rizal were alive today – GMAnetwork.com

RockEd’s ‘Kaninong Anino’ video: If Jose Rizal were alive today
by AMANDA LAGO, GMA News
December 30, 2011

 Not the dashing martyr-to-be, but a pensive passerby—that is national hero Jose Rizal’s role in the new music video “Kaninong Anino.”

The video begins with Rizal picking up a shiny one-peso coin, noticing his likeness, and looking out into a barren wasteland, a shadow of what Manila used to be. As the song plays on, the hero treks through the ruins of the city he once loved, while grey clouds loom overhead.

“The concept [for the video] came about when I was driving along EDSA and saw all the billboards and dizzying neon signs representing our modern lifestyles and wondered what Rizal might think if he were here today,” the animation artist Arnold Arre shared on his blog.

Arre collaborated on the video with writer Gang Badoy and a slew of talented local musicians including composer Francis de Veyra.

The song and its five-minute animated incarnation are a project of alternative education organization RockEd in partnership with the National Historical Commission of the Philippines as part of their celebration of the national hero’s 150th birth anniversary. The song “Kaninong Anino” is part of the RockEd album “Rock Rizal”, which, as the title implies, adds a rock ‘n roll twist to the familiar stories of Rizal’s eventful life.

Read full article @ www.gmanetwork.com