Tag Archives: issues

[Press Release] Activists stage “pabasa” to denounce people’s suffering under P-Noy -FDC

Activists stage “pabasa” to denounce people’s suffering under P-Noy

Photo by FDC

Photo by FDC

Activists belonging to the Freedom from Debt Coalition (FDC) and the multisectoral campaign Palag Na! staged their own version of the traditional pabasa near the gates of Malacanang today to denounce the suffering caused by the “arrogant, insensitive and incompetent” administration of Pres. Benigno Aquino III.

FDC

“Since the start of the year, we have been hit with the MRT-LRT fare hike as well as multiple rate hikes for water and electricity. To make matters worse, the nation suffered collective trauma with the tragic deaths of 67 people, including 44 Special Action Force troopers in Mamasapano,” Erwin Puhawan, Officer-in-Charge of FDC said.

“As the nation takes a break to reflect on the suffering of Christ, we must also call attention to the string of suffering that the P-Noy administration, through its arrogance and ill-conceived policies, has brought upon our people,” Puhawan added.

FDC explained that the “Pasyon ng 2015” highlights the many difficulties ordinary Filipinos have had to face under Aquino.

“The P-Noy government cannot say it had nothing to do with the rising cost of mass transport, electricity and water because these are a direct result of their perpetuation of private sector-led policies in these sectors. In the same way, P-Noy cannot pass the buck with respect to Mamasapano as both the Senate and PNP Board of inquiry reports have identified him as ultimately responsible,” Puhawan argued.

The protesters included a man dressed up as Pontius Pilate, representing Pres. Aquino’s naked attempts to wash his hands of the tragic Mamasapano raid.

“Despite the mounting evidence pointing to his culpability in the tragic operation, P-Noy continues to insist on his innocence, instead pointing to underlings who either lied to him or disobeyed his direct orders. But if he thinks he is off the hook, he should think again. As the recent Pulse Asia survey showed, nearly 4 out of five Filipinos (79%) were not satisfied with his attempts to explain away his role in the tragedy, proving the old adage that “You can’t fool all of the people, all of the time,” Puhawan said.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Blog] 10 Human Rights Issues ng 2014 –No. 9 Kalikasan at karapatang pantao -Mokong Perspektib

10 Human Rights Issues ng 2014 –No. 9 Kalikasan at karapatang pantao.

Vote for this article for the 5th HR Pinduteros’ choice awards…

Photo Screen-grab from KAISA UP Diliman FB page

Photo Screen-grab from KAISA UP Diliman FB page

“man’s environment, the natural and the man-made, are essential to his well-being and to the enjoyment of basic human rights–even the right to life itself.” UN

profile copy

Bilang pagpapatuloy ng ating Mokong year-ender wrap up mula sa http://mokongperspektib.wordpress.com/2014/12/26/10-human-rights-issues-ng-2014-no-10-climate-justice-campaign-yolanda-rehabilitation-etc/ , pumunta naman tayo sa ika-9 na pwesto para sa pinaka-tinangkilik na kampanya ng mga mambabasa ng HRonlinePH.com para sa taong 2014 ay ang “#HUGATREE ON EARTH DAY 2014” ng Philippine Misereor Partnership, Inc. (PMPI).

HugATree Photo by PMPI

“The idea is very simple. Supporters of the cause will just post online a picture of themselves hugging a tree. They could post it on Facebook, on their own blog, on Twitter, or wherever so long as it can be seen by the public online. To generate bandwagon effect and to monitor the success of the campaign, we will use the hashtag #HUGaTree.

It is optional for the poster to explain why he/she is participating in the campaign, why he/she chose a particular location or tree, or anything that could add hype to the campaign. It is highly encouraged that the members of our network explicitly connect their explanation to mining, sustainable agriculture or climate change.

April 20-22: Uploading of individual pictures in support of the campaign”

Ang pag-hits ng mga posts tungkol sa envi at HR ay manipestasyon nga kaya na sa “subconscious” ng mga mambabasa ay umiiral ang matinding pagpapahalaga sa kalikasan? Ito ba ay dinudulot lamang ng sunod-sunod na environmental disaster na dinadanas sa ating bansa? Kung ano paman, ang mahalaga ay naiuugnay na ang kalikasan at karapatang pantao.

Kung anupaman ang mahalaga ay wala namang nahigad sa mga nag-#HugATree. Wala nga ba?

Read full article @mokongperspektib.wordpress.com

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Blog] 10 Human Rights Issues ng 2014 –No. 10 Climate Justice Campaign, Yolanda, Rehabilitation etc. -Mokong Perspektib

10 Human Rights Issues ng 2014 –No. 10 Climate Justice Campaign, Yolanda, Rehabilitation etc..

10 HR issue 2014 copyMakikiuso lang ang inyong mokong na lingkod sa paglalabas ng mala-year-ender post. Sinubukan kong i-wrap-up ang mga kaganapan ng buong taon. Isang #Throwback series ng mga isyu ng nagdaang taon batay sa hits na tinanggap mula sa mga mambabasa ng HRonlinePH.com.

profile copy

Nitong nakaraang ika-1 ng Disyembre ay pinarangalan ang mga pinakatinangkilik na kampanya na inilathala sa HRonlinePH.com sa pamamagitan ika-apat na “Human Rights Pinduteros Choice Awards” na ginanap sa Conspiracy Bar and Garden Café sa Quezon City.

Bagamat pinutakti ng napakaraming isyu ang 2014, ang ating pagtutuunan ng pansin ay ang 10 lamang na ang batayan ay ang hits na nakuha sa HRonlinePH.com stats ng wordpress. At tumatalakay sa human rights.

No.10- Climate Justice Campaign, Yolanda, Rehabilitation etc.

Hindi nakamove-on ang isang ito na nuong 2013 pa ay sing-init na ng bulkang Mayon na parang anumang oras ay puputok. Hustisya sa Klima-karapatang pantao.

Niyanig ang ating bansa ni Yolanda, kaya naman maging ang lahat ng isyu ay dumulo sa huling buwan ng 2013 sa panawagan para sa hustisya at tulong para sa laksa-laksang nabiktima.

Read full article @mokongperspektib.wordpress.com

Follow Mokong Perspektib in facebook

All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.

Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos etc.

[Photo Blog] Penoy ang napala ng mga Pinoy kay P-Noy by Life in a Box

Penoy ang napala ng mga Pinoy kay P-Noy
by Life in a Box

Photo by Rommel Yamzon

Napakasarap naman talaga ng penoy tulad ng balot. Walang kadudaduda na ito’y masustansya dahil mayaman sa protina at paborito ng masa. Subali’t tulad ng itlog, ang penoy ay isa ring simbolo ng kasalatan sa maraming kahulugan. Kaya’t kung penoy ang napala ng mga Pinoy kay P-Noy, Penoy din ang grado mo sa amin.

See more photos @ rommelyamzon.blogspot.com

Weekend HR Posts Rundown and Analysis 24 July, 2011

Human Rights Online Philippines features articles, blogs, news information and photos on human rights issues. It provides up-to-date information on human rights activities, events, campaigns, and solidarity actions in the Philippines. It aims not only to put human rights at the center of national discourse through digital media but also to elicit response from the public.

This week has been news and activity-filled information for HR postings.

The upcoming Pnoy’s second SONA was the central focus of public interest for the couple of weeks. We deemed it necessary to post views, opinions, statements and events that provide recommendations or anti-theses of what PNoy will have to say in his much anticipated State of the Nation Address.
Read more

[Isyung HR] Mga surpresang hindi nakakagulat

Balitang Mokong

MOKONG: Magandang pagbabalita po sa inyong lahat.  Ito po ang inyong tagapagbalita Mokong para sa mga Bumabandilang balita bente kwatro oras sa araw na ito.

MOKANG: kasama po ang inyong tagapagbalitang Mokang at ang ligang saksi ng mga balitang hindi totoo.

MOKONG: Para po sa mga ulo ng balita, “JINKY PAQUIAO DATING NAGPI-PILLS AT DATI RING SANG-AYON SA DIVORCE.”
Noon yon nang hindi pa mayaman si Pacman.

MOKANG: “SIKAT NA AWITING BAHAY KUBO, PAPALITAN NA NG BAHAY KUBOL.”
Bahay kubol kahit munti ang VIP doon ay sari-sari.

MOKONG: “PAMUNUAN NG AFP at PNP NAG-FUN RUN PARA SA KARAPATANG PANTAO.”
Mamamayan ng Central Luzon nag-scare run dahil sa harassment ng Militar doon

MOKANG: “P-NOY NASORPRESA DAHIL SA NAUDLOT NA SURPRISE VISIT NIYA SA NBP.”
Iaanounce na lang daw kung kelan ang re-set.

MOKONG: Para po sa detalye ng mga balita…

 

To divorce or not to divorce?

Ayon sa survey ng Social Weather Stations nitong Marso sa kamaynilaan, kalahati sa mga Pilipinong tinanong ay payag na ang hindi na nagkakasundong mag-asawa ay mag-divorce upang makahanap ng panibagong mapapangasawa.   Ikatlong bahagi nito ang tumutol at ang natitira ay hindi makapagdesisyon.

Kung ikukumpara daw ito sa resulta ng survey na ginanap noong nakaraang anim na taon, na kung saan ay 43% lamang ang pumapayag at 44% ang hindi sang-ayon ay nangangahulugang dumadami at pumipihit ang bilang ng mga Pilipinong hindi na masaya sa pagkakatali sa kasal.

Ang kalahating sumasang-ayon sa Divorce ay napag-alamang mga Pilipinong ang asawa ay babaero, ‘di kaya ay lalakero.  Natanong din ang mga may asawang babaerong lalakero.

Ang ilan pa nga ayon sa istatistika ay mga bata pa nang magpakasal kaya naman napilitan lang dahil nakabuntis, ‘di kaya ay nabuntis at ang ilan naman ay hindi makabuntis-buntis o kaya ay mabuntis.

Mayroon ding namang nanakit ang napangasawa o ‘di kaya’y palaging nagkakasakit.

Ang ilan pa sa mga respondents na ito ay pawang mga kalalakihan at kanilang mga kabit.

Ang mga natanong naman na hindi sumasang-ayon sa divorce ay pawang mga hindi pa nakaranas magpakasal, o yung nangangarap pang makasal.

Ang ilan pa nga daw sa mga ito ay mga relihiyoso o sagrado katoliko at ang ilan sa mga respondents ay pari at Obispo.

Nahati naman ang opinyon ng mga wedding coordinators.  Ang ilan sa mga respondents na wedding coordinator ay payag daw dahil makakarami sila ng kikitain dahil sa mga magpapakasal ng ilang beses sa iba’t-ibang tao. Ang iba naman ay walang pakialam dahil ang mahalaga sa kanila ay may nagpakasal at kung anuman ang mangyari matapos ang kasal ang mahalaga ay kumita na sila.

Hindi naman makapagdesisyon ang ilan sa mga natanong dahil ikukunsulta pa daw nila sa kanilang mga magulang, sa kanilang espiritista at sa kanilang mga political adviser.

Hindi din makapagdesisyon ang mga wedding singers at caterers dahil sa anumang mangyari ay parehas silang magkakaraket.

Payag naman ang mga paper mill company dahil hindi naman sila maaapektuhan sa panukalang ito at tutol naman ang mga environmentalist dahil nasasayang lamang ang mga papel na nagmula sa puno na ginagamit sa mga pinipirmahang dokumento.

Ang mga dati namang hindi payag sa divorce na nagbago ng isip, napag-alamang sila daw nakapanood ng interview ni Cong. Manny Paquiao.

Panoorin po natin ang isa sa mga naganap na interview.

SWS: Nagsusurvey po kami hinggil sa Divorce.

Mokang: Tinatanong ko te?

SWS: Pwede ho ba kayong matanong?

Mokang: Nagtatanong ka na nga e. May magagawa pa ba ako?

SWS: Survey lang po ito, survey po.

Mokang: Paulit-ulit. Unli ka te?

SWS: Kayo naman masyado kayong masungit. Wala bang ibang pwede?

Mokang:  Choosy ka te?

SWS: Papa-interview ba kayo o hindi?

Mokang: Ay pikon ka na te?

SWS: Hmp! Sungit makaalis na nga!

Mokang: ay Walk out. Best actress ka te?

Cong. GMA kinasuhan ng UCCP

Kinasuhan ng UCCP si Pampanga Representative GMA sa kasong pagpatay sa mga kasapi nila noong ito pa ang presidente ng Bansa.

Napag-alamang binale-wala lamang ito ng dating pangulo dahil hindi rin naman daw ito kayang patunayan at maiuugnay sa kanya.

“Malinis akong trumabaho este malinis ang aking pagkatao.  Atake lamang ito ng mga kalaban ko. Kaya hindi sila magtatagumpay no.” ayon pa sa kanya.

Ayon sa ating impormante, tama si GMA na mali-mali ang kanyang mga kalaban sa kanilang bintang.  Ang “Hello Garci scandal” nga daw ay classic example ng maling paratang.  Dahil hindi si Garci ng Comelec ang kanyang tinatawagan kundi si Garcy ng Ombudsman (Garcia Mercy).

Paano daw magpapasimuno si GMA ng pagpatay gayong sagrado siyang relihiyoso at makadiyos.  Kay hindi naman daw kayang paniwalaan na UCCP member pa ang kanyang ipinapatay.

“Sadya lang talagang matigas ang aking dating. Inaamin kong maiinitin ang aking ulo, madalas akong nagsusungit noon pero hindi ko kayang pumatay.” Ayon pa sa dating pangulo.

Nang tinanong natin kung ano ang kanyang mensahe sa mga nagdedemanda sa kanya ngayon, ito ang kanyang masasabi, “I will not run to the next election. I am sorry. If you insist, I will send you Palaparan and dare ask him.”

Ang ating impormante na itago natin sa pangalang Kwidaw ay isang tsismis columnist sa isang hindi sikat na magazine.  Nasasagap kasi niya ang mga impormasyon at balita dahil sideline niya ang pagiging kongresista.

Paggiba ng mga Kubol sa mga bilangguan at surprised visits ni P-Noy sa NBP

Sa gitna ng tumitinding kampanya ng DOJ laban sa VIP treatment sa loob ng NBP, napag-alamang hati ngayon ang opinyon ng mga mamamayang Pilipino.

Ang sabi ng mga hindi sumasang-ayon sa patakarang ito, si DOJ Secretary De Lima daw ay Kill Joy.  Hindi daw kasi nito alam kung paano talaga ang kalagayan sa loob ng mga bilangguan.

Ayon sa mga mahihirap na preso, ang mga kubol na ito na tanging mayroon na lamang sila ay tinatanggal pa. “Ok naman ang anumang reporma o pagsasaayos ng mga kulungan, pero pati ba naman ang mga kubol namin ay idamay pa.”

“Kasalanan kasi ito ng mga katulad ni Leviste, ang VIP treatment ay natatanggap lamang ng mga may perang katulad niya, ang mga kubol ba naman namin ay VIP treatment na matatawag?” dag-dag pa ng mahihirap na preso.

Ayon sa ating impormante, ang lihim na nagsumbong daw sa DOJ ay yaong mga presong walang dalaw.  “Inggit ang nagtulak sa kanila para i-tip ang mga kubol.  Nahihirapan din kasi sila kapag may kubol dahil hindi sila makaboso kapag may dalaw ang mga may-ari ng kubol.”

Ayon din sa ating impormante, sang-ayon din daw ang mga pamunuan ng bilibid sa panukalang maglagay ng mas maayos at sentralisadong lugar o silid para sa mga sinasabing dalaw. “kailangan kasi nilang sumang-ayon kung hindi ay mahahalatang pabaya sila.” Dag-dag pa niya.

Binigla naman ang publiko ng mapabalita ang tangkang “surprised visit” ni P-Noy sa NBP.  Na naudlot din naman dahil sa pagkabuko nito nang buong pwersang dumagsa ang advance party o mga security ni P-Noy nang araw na ‘yon.

“Nasorpresa talaga kami.”  Wika ng isa sa mga nakapanayam nating itatago natin sa pangalang Mokong, “Nasorpresa kaming sorpresa pala ang lagay na yon.  Nasorprea rin kaming hindi nila iniisip kung paano gagawing “surprise” ang visit nila gayong obvious dahil sa advance party.”

Ayon naman sa isang impormante, tagumpay daw ang “surprised visit” na naudlot dahil layunin lang talaga nitong surpresahin ang NBP na ang “surprised visit” ay hindi pala talaga kasurpresurpresa.

Ayon pa sa ating impormante, wala na daw makikitang kubol ngayon ng mga VIP sa loob dahil lihim na pala silang nakagawa ng mga underground suites. Inaasahang kahit anong ‘surprised visit’ ay mapaghahandaan na nila sa loob.

“Leave our privacy alone.” Wika pa ni Mokong

Sadyang itinago natin ang pagkatao ng ating impormante upang maproteksiyunan ang kanyang kalagayan.  (Clue) Ang mokong ay dating opisyal ng isang institusyon na sinasabing naghihiganti sa napalang pagpapatalsik.

Harassment sa Bulacan

Isang grupo ng mga tagapagtanggol ng karapatang pantao sa erya ng Bulakan ang nakakaranas ngayon ng pananakot mula sa mga militar.

Ayon sa sumbong, nag-iikot-ikot daw ang mga kasapi ng militar sa pamumuno ng isang Sgt. Mendoza sa kanilang barangay.  Ayon pa sa kanila, ang tropa daw ni Sgt. Mendoza ay nagsasagawa ng ‘Census’ habang nagpapanggap na taga National Statistics Office.  Kung minsan naman daw ay nag-susurvey ito at napapanggap na taga ‘SWS’.

Ayon sa ating panayam sa mga nagrereklamo, sila daw ay hindi malilinlang ng tropa ni Sgt. Mendoza dahil obvious na hindi sila taga ‘Census’ o “SWS” dahil palagi raw itong nag-iinterview ng nakauniporme ng Militar at armado pa.

Ngunit ang mas nakapanghihilakbot, nang tinanong natin ang pamunuan ng AFP hinggil dito ay wala daw silang Sgt. Mendoza na kilala at hindi nila ipinag-uutos ang nasabing ‘Census’ o ‘survey’.

Kaya lalo lamang naging nakapangingilabot ang katotohan na maaring mga multo ang tropa ni Sgt. Mendoza.

Nang tanungin natin ang mga residenteng nakausap ng nasabing tropa ni Sgt. Mendoza kung ano ang itinatanong sa kanila, napag-alaman nating itinatanong ng mga ito kung sila ba ay kapuso o kapamilya.  Pinagbabantaan daw nito ang mga kapatid at kasama.

Itinatanong din daw kung ano daw ang kanilang favorite color, na sumisimangot kapag ang sagot nila ay kulay pula.  Ano daw ang mga hobbies at clubs na kinabibilangan. At hinihingan pa sila ng list of friends sa facebook.  Natatapos daw ang pagtatanong hinggil sa kanilang motto in life.

MOKANG: Dito po pansamantalang nagtatapos ang mga bumabandilang balita bente kwatro oras. Salamat sa inyong pambuburaot.

MOKONG: hanggang sa muli po ito ang inyong Mokong na lingkod,

MOKANG: At inyong darling mokang,

MOKONG: Kasama ng mga ligang saksi ng mga balitang hindi totoo, na nagsasabing “Mokongs and Mokangs of the world unite, we hav nothing to loose coz we hav nothing at all.”

HRonlinePH featured blog of the week:DEKONZTRUKTSCHON

Blog Title: DEKONZTRUKTSCHON
URL: http://rodrigo75.wordpress.com/
Author: Rod Rivera
Description: This blog attempts to contribute to human understanding of their life realities by examining things in their social world with a different lense – deconstruction for reconstruction of knowledge.