[Statement] Sa gitna ng pangingitil sa ating kalayaan, walang iwanan! -YouthResist

Sa gitna ng pangingitil sa ating kalayaan, walang iwanan!
YouthResist Statement on the Passage of the ATB
Ang bawat henerasyon ay tinatawag upang humarap sa matitinding mga hamon. Sinusukat tayo ng mga hamon na ito, kung tayo ba ay titindig at kikilos o tayo ay aatras at magpapadala na lamang sa agos ng kasaysayan. Hindi tayo ang pumili na ipanganak sa panahon ng sigwa, ngunit nasa mga kamay natin kung paano at kalian ito matatapos.
Walang makakapagsabi na madali tumugon sa tawag ng panahon lalo’t lalo na sa kaliwa’t kanan na krisis sa kalusugan, kabuhayan, kalikasan at kahit mismo sa ating kalayaan. Kinakailangan ng matinding kagitingan at katapangan upang lumaban para sa ating mga karapatan.
Tunay na mahirap tumayo, ngunit kahit kalian ay hindi tayo nag-iisa kapag pinili natin tumindig.
Sa ating pagkapit-bisig ay nakakamit natin ang kalayaan mula sa mga mapang-abusong rehimen. Parte ng ating tradisyon ay ang paglaban para sa nararapat, mula kina Gat. Jose Rizal at Andres Bonifacio Laban sa Espana, sa mga lider-estudyante sa panahon ng Martial Law, at ngayon ay pagkakataon natin upang ipagpatuloy ang mapagpalayang tradisyon na ito.
Hindi tayo matatakot at tatalikod sa harap ng unconstitutional na Anti-Terrorism Bill. Ang ating pagkilos upang depensahan ang demokrasya at labanan ang awtoritaryanismo ay buhay at magpapatuloy. Hindi natin hahayaan na magtagumpay ang mga pwersa na nais kitilin ang ating kalayaan.
Madilim man na landas ang ating tatahakin, magsisilbing tanglaw nawa ang pangako ng isang tunay na demokratiko at malayang kinabukasan. Hanggang tayo’y nagsasama sa ating pagkilos buhay ang pag-asa, at ang pangako ng YouthResist ay sa ating pagkamit ng kinabukasang ito ay walang iwanan. Sagutin natin ang hamon ng kagitingan nang magkasama.
#AktibismoHindiTerrorismo!
#ResistTerrorLaw!
https://web.facebook.com/YouthResistance/photos/a.155973578399457/580675942595883/?type=3&theater
Submit your contribution online through HRonlinePH@gmail.com
Include your full name, e-mail address, and contact number.All submissions are republished and redistributed in the same way that it was originally published online and sent to us. We may edit submission in a way that does not alter or change the original material.
Human Rights Online Philippines does not hold copyright over these materials. Author/s and original source/s of information are retained including the URL contained within the tagline and byline of the articles, news information, photos, etc